Chapter 7: The plan

97 7 3
                                    

Bettina's POV

So ayun pala ang storya ng buhay ni Melissa. Pero kahit ganun hindi pa rin tama na maging masama sya. Halos lahat ata dinadamay nya sa galit nya e.

Pero sino nga kaya yung nerd na gusto nyang pahirapan?

Ako kaya yun? Pero imposible. Ang sabi ni mama, kami daw ang tunay na pamilya ni papa. Hindi naman yun nagsisinungaling sakin. At isa pa, ang dami kayang nerds dito.

"Hoy, natahimik ka ata? Naiinlove ka na ba sakin? Nako sinasabi ko sayo kay Melissa lang ako."

"Edi kay Melissa ka na! Gusto mo isaksak pa kita dun e."

"Chill babe. Masyado kang hot. Halatang nagseselos ka."

Hot nya mukha nya. At ako nagseselos? Wow. Isang malaking wow.

"So, sya pala yung sinasabi mong boyfriend mo."

Sa sobrang prepoccupied ko, nakalimutan ko na nasa canteen narin pala si Melissa at eto ngayon kinakausap ako.

"Yup. Siya nga iyon. So, what do you think?"

"Nothing. Mas gwapo pa rin naman ang boyfriend ko."

Kung makangiti to wagas. Ayaw pang aminin na mas gwapo naman talaga si chalsmer kaysa dun sa Luke na yun.

At eto namang si chalsmer, kumunot kaagad yung noo ng marinig na may boyfriend na si Melissa. Halatang halata e. -_-

"Okay kung yun ang sa tingin mo. Wala ka na bang ibang sasabihin?"

"Wala na."

Tingnan lang natin kung makangiti ka pa.

"Wala na naman pala, so umalis ka na dito. More like lumayas ka na sa harap namin. Nakakawalang gana ka kasi."

Hah. Ano ka ngayon! Burn bitch.

Umalis naman sya dahil alam nyang mas mapapahiya pa sya kung mananatili pa sya dito.

"Bakit mo naman sya ginanun? Dapat pinaaalis mo man lang sya ng maayos."

Tss. Kita mo to, yung Melissa na yun pa ang kinampihan. Well, hindi ko rin sya masisisi.

"Osya, sige next time aayusin ko na. Ano okay na?"

"Okay. Teka, sino ba dito yung boyfriend ni Melissa?"

Hmm asan kaya dito si Luke? Aha! Ayun.

"Ayun sya. Si Luke Martinez."

"Luke Martinez? Yung ex mo?"

"Yup"

"Wow. Small world nga naman. Wait so anong plano? Hindi naman pwedeng habang buhay tayong magpanggap na tayo diba. Sa paanong paraan kita matutulungan?"

"Hmm, Gusto ko pagsisihin yang Luke na yan. Gusto ko magsisi sya na niloko nya ko. Gusto ko tulungan mokong magbago. Ayoko ng maging si Bettina na manang, si bettina na nerd. At lalong lalo na si Bettina na niloloko-loko lang. Dahil ang gusto ko sya naman ang maghabol sakin. Kasama na rin dun yung pagpapanggap natin na tayo. Kapag nagawa na natin yun, dun palang tayo magbebreak."

"Hmm, yun lang ba? Madali lang yan. Pano mo nga pala ako matutulungan kay Melissa kung magkaaway kayo?"

"Basta, Ako ng bahala dun. At chalsmer."

"Oh?"

"Thank you."

~~~~~~~~~~~~~~~

Alam ko mali na maghiganti. Ang gusto ko lang naman talaga matigil na sila sa pangaalipusta sakin. At para narin maturuan ng leksyon si Luke. Na kahit ganito ako, isa pa rin akong MALAKING SAYANG.

"Beth, ano na? Meron na bang namumuo?"

"Ha? Anong namumuo namang sinasabi mo ciara?"

"Gaga. Ang ibig sabihin ni Ciara, e kung may namumuo nabang pagmamahalan sa inyo."

"Haynako tigil tigilan nyo na nga yan. Walang namumuong pagmamahalan samin. At wala sa isip namin yun."

"Nye. E anong balak nyo? Magpanggap nalang ganun?"

"Oo, Ciara. Oo. Kaya pwede wag nyong bigyan ng malisya yung pagpapanggap namin."

"Okay sabi mo e. Pero tandaan mo to, Walang pagpapanggap ang hindi nauuwi sa katotohanan."

Wala nga ba? E sa mga fiction lang ata nangyayari yun. Saka wala akong balak na totohanin yun. At alam kong si chalsmer ganun rin.

Pagkatapos ng klase dahil wala namang akong ibang pupuntahan, uuwi nalang agad ako. At saka namimiss ko naring basahin ang kwento nila van. Ano na kayang nangyari dun? Siguro marami ng updates. Nakakaexcite naman. Bibilisan ko nalang ang pagayos ng locker ko para makauwi ako agad.

Pagpunta ko sa locker's area, maraming tao. Wala namang bago dahil pagkauwian dito talaga ang punta ng halos lahat ng estudyante. Ewan ko na lang ba dun sa dalawa kong ugok na kaibigan, ayaw pang mag locker. Dagdag gastusin pa raw. E kung makabili nga ng mga merchandise wagas.

Natahimik naman lahat pag pasok ko. Tapos yung mga babae nakangiti sakin. Fake naman.

"Ayy, Beth pakilala mo naman ako minsan sa boyfriend mo ha. Friends naman tayo."

"Ay Ako Beth, gusto mo ilibre kita? Ibigay mo lang sakin number ni chalsmer. Hihihi"

Ibigay ang number? Wala nga akong number nun tapos manghihingi pa sya. Atsaka kung meron man, ayoko namang ibigay. Neknek nya.

Saka akala mo naman sa mga to, sobrang koclose namin. Parang nung isang araw lang kung pagbulungan ako daig pa naka microphone sa lakas.

"Sus, if i know ginayuma nya lang si chalsmer."

Aba, mukha ba kong desperada parang manggayuma pa? Ibang klase rin to.

"Hoy, Beth Akala mo ba dahil may boyfriend kang gwapo maganda ka na? Keep dreaming bitch. Hindi ka na gaganda."

Ang sarap sanang patulan ng babaeng to kaso kung gagawin ko yun, parang binaba ko na rin ang level ko katulad sa kanya. Tinalikuran ko nalang sya.

Kaso ang bruha, hinarap pako sa kanya.

"Kinakausap kita kaya wag mokong basta basta tinatalikuran."

"Ayy kinakausap mo ba ako? Sorry hindi kasi kita narinig. Or should I say wala akong planong pakinggan ka."

Ano ka? Burn bitch.

"Aba tumatapang ka na ha. Sino bang pinagmamalaki mo? Yung chalsmer mo? Sinasabi ko sayo isang linggo lang hihiwalayan ka na nyan, katulad ng ginawa sayo ni Luke. At wait isang bwan nga pala kayo no? Well dahil lang naman yun sa isang bet. I'm sure isang araw palang gusto ko na nyang hiwalayan. Poor you, wala ng seseryoso sayo."

"If that's the case, edi wala na ring seseryoso sayo?"

"At bakit naman wala?"

"Kung sakin nga wala, pano pa kaya sayo na di hamak naman na mas pangit  kaysa sakin."

"Wtf? Ginagalit mo bako?"

"Hindi. Sadyang pikon ka lang."

Sakto namang sasampalin na nya ko ng may humawak sa kamay nya.

Pagtingin ko si..

"Luke?"

Hindi naman sya nagsalita, pagkatapos hinila nya ko palabas.

"Teka, Teka. Sandali. Bakit mo bako hinihila?"

"Bettina, let's talk."

My wattpad boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon