Chapter 12: back again

86 6 0
                                    

Bettina's POV

Pagkatapos magwalkout ni chalsmer ay umalis na rin si Melissa. Naiwan naman kami ni Luke na tahimik na kumakain.

"Oh, bakit? Iniisip mo ba si chalsmer?"

"Ha? Hindi no! Kumain na nga lang tayo."

Nagpatuloy lang kami sa pagkain at pagkatapos umuwi na rin. Hinatid pala ako ni Luke sa bahay. Sabi ko wag na pero nagpumilit parin siya. Kaya hinayaan ko nalang. Oh mga echosera kayo, totoo yun! Hinayaan ko nalang talaga siya dahil wala rin naman akong choice. Ansabe?

Imbis na kiligin nga ako parang wala akong na feel. Oo masaya ako na hinatid niya ko pero dahil sa isang rason. Yun ay makakalibre ako sa pamasahe. Makakatipid narin ako, mahirap na baka magcomeback ang mga asawa ko wala akong pambili ng mga album at kung ano ano pang merch nila. Ayoko naman maging #teampoor

Pagkauwi ko sa bahay, wala akong ibang inisip kung hindi si chalsmer. Bwisit yun, biglang nagwalkout. Ano kayang problema niya?

"Bettina! Ano ba naman yan! Tulala ka dyan! Ano, dadalhin na ba kita sa mental?"

Bwisit din to si mama e, nakatulala lang mental agad? Baliw agad? Di ba pwedeng may iniisip lang?

"Wag na ho. Magbabayad pa kayo dun, saka pamasahe pa nga lang nangungunsume na kayo."

"Ano ba kasing iniisip mo anak?"

"Iniisip ko po kung papano ako makakapunta sa Korea at kung papaano ko mapapakasalan si luhan."

"Ayy wala, sira ka na nga. Kaysa iniisip mo yang imposibleng bagay na yan, tulungan mo na lang kaya ako dito ng magkasilbi ka naman."

Ouch lang ha, kung makapagsalita to parang wala akong silbi.

Tss ang dami pang sinabi magpapatulong lang din pala.

---------------------------

Kinabukasan late nakong nagising.

Hala! May pasok pa ako! Late nako!

Dali dali akong nagayos ng sarili ko, hindi na nga ako kumain ng breakfast dahil sa kamamadali ko.

Pagpasok ko, nandun na yung teacher namin.

Patay.

"Ms. Santiago why are you late."

"Nagovertime po kasi ako sa dreamland."

Nakita ko namang tumatawa ang mga kaklase ko at yung dalawa kong kaibigan labas na mga ngala ngala kakatawa e. Bwisit, di man lang ako damayan. E sa wala akong masabi na dahilan. Alangan namang sabihin kong nalate ako ng gising dahil nalate din akong nakatulog kakaisip kay chalsmer.

Pinapasok narin ako ng teacher ko. Isa pa to, dami pang arte papapasukin din pala ako. Agad naman akong tumabi kay Ciara at clarisse.

"Hanep palusot natin ah."

"Overtime sa dreamland? Bakit may trabaho ka dun?"

Sabi na nga ba aasarin lang ako ng dalawang to. Bat ko ba naging kaibigan to? Sabihin nyo nga sakin, di ko rin maintindihan.

Hinayaan ko nalang sila at nagfocus sa klase.

Ng inaanounce ng teacher na break time na ay kanya kanyang karipas naman sa paglabas ang mga kaklase ko. Atat na atat kumain? Gutom much?

Oo nga pala di ako kumain ng breakfast.

"Beth, may naghihintay sayo sa labas."

Nakita kong parang kinikilig ang mga kaibigan ko. Sino nga kaya ang nasa labas?

My wattpad boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon