Chapter 17: Locked

78 6 0
                                    

Bettina's POV

I didn't realize na masasabi ko ang mga salitang iyon. Parang kusa nalang itong lumabas sa bibig ko.

"I love you."

Tiningnan niya ako na parang nagtataka.

Sino ba naman ang hindi? Sabihan ka ba naman ng I love you, hindi ka pa magtaka.

"What?"

Sabi ko mahal kita! Ang manhid mo kasi.

"I love you.

Bestfriend."

Napangiti narin siya. Mukhang guminhawa ang pakiramdam niya nung sinabi kong bestfriend.

"I love you too. Bestfriend."

Aray. Bestfriend zoned ang dyosa niyo.

Pagkatapos na nangyari ay umuwi na ako.

Mabuti naman at wala na pala siya dito.

Agad akong niyakap ni mama pagkakita niya sakin.

"Bettina! I'm sorry. I'm sorry kung nasaktan kita anak. Nabigla lang si mama. Hindi na mauulit."

"Ma, okay lang. Saka alam ko naman na mali ang sinabi ko. I'm sorry din kung over the belt na yung mga sinabi ko."

Nagkaayos narin kami. Gumaan na ang loob ko. Parang nabunutan ako ng tinik. Ayoko kasing nagaaway kami ni mama. Siya na nga lang ang meron ako, tapos magkakagalit pa kami. Isama mo narin si nathan. Sila nalang dalawa ang pamilya ko.

Kinabukasan pumasok ako ng maaga sa school. Nagtext kasi sakin si chalsmer. Maaga raw akong pumasok ngayon. Tinanong ko siya kung bakit pero sabi niya basta daw, wag na daw akong makulit at sumunod nalang. Kaya eto, sumunod nga ako.

Pagkapasok ko, as usual pinagtitinginan na naman ako ng nga tao. Kailan ba sila magsasawang tingnan ako? Okay ang ambisyosa ko lang. Haha

Nakita ko agad si chalsmer na nakangiti sakin pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ng room. Niyaya naman niya ko na tumabi sa kanya.

"Okay ka na ba?"

Ang sweet naman niya. Yun agad ang pambungad sakin. Kung ganito lang din naman, palagi nalang siguro akong iiyak.

"Okay nako. Salamat pala. Saka bakit nga pala pinapapasok moko ng maaga ngayon? Anong meron?"

Nagulat ako sa bigla niyang pagpalakpak. Dahil sa ginawa niyang iyon at nagtinginan tuloy ang mga kaklase namin sa kanya.

Nag peace sign nalang siya. Para naman kasi siyang baliw. Bigla bigla nalang pumapalakpak.

"Ano ba yan! Para kang baliw. Bakit ba kasi?"

"Syempre, kailangan na nating mag plano. Kaya kita pinapasok ng maaga ay para mapagplanuhan na natin kung anong next step natin. Hindi naman pwedeng tatanga lang tayo dito no? Kailangan may gawin na tayo."

Bwisit. Kaya lang pala niya ko pinapasok ng maaga ay dahil sa deal na yan. Puro siya deal. Hindi ba pwedeng kahit isang araw lang kalimutan niya yang deal na yan?

"Oh? Anong plano mo?"

"Meet me at the garden after class. Bilisan mo ha? Ayokong pinaghihintay."

Pagkasabi niya niyon ay tumalikod na siya.

Kita mo to, akala ko magpaplano na kami ngayon. So ano pang sense ng pagpasok ko ng maaga kung iyon lang ang sasabihin niya?

"Hi Beth! Aga natin ha!"

Tss. Andito na pala ang dalawang ugok nato.

"Beth, ready ka na ba para sa next week?"

My wattpad boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon