Chapter 18: Importance

79 4 0
                                    

Bettina's POV

Nakakainis! Napagtripan lang siguro ako nung classmate ko kanina! Kabwisit. Na lock pa tuloy ako dito kasama ang unggoy nato.

Aaminin ko medyo may part na kinilig sakin pero may part parin na ayaw ang nangyayaring to. Syempre mastock ba naman ako kasama ang lalaking gusto kong kalimutan ang feelings ko, nakakabaliw lang.

"Kahit anong gawin mo dyan, hindi yan magbubukas. Mapapagod ka lang."

Tss. Sabi ko nga. Pero kasi gusto ko ng makalabas dito! Nakakasuffocate.

Umupo nalang muna ako sa tabi. I swear kung sino mang may pakana ng kalokohang to ay mapapatay ko. Nako makita ko lang talaga siya, hindi na siya sisikatan ng araw.

May tumabi sakin at syempre alam niyo na kung sino yun. Sino pa nga bang kasama ko dito?

Hindi nalang ako umiimik. Ang awkward kasi. O siguro ako lang ang naawkward samin?

"Badtrip. Nalock pa tayo dito. May pupuntahan pa naman ako."

Na curious naman ako sa sinasabi niya. Hindi sa likas na tsismosa ako ha pero nagsasalita siya dyan malamang maririnig ko iyon at macucurious ako.

"San ka ba pupunta?"

"Pupuntahan ko si Melissa, nagpapasama siya saking bumili ng isusuot niya para sa ball."

Ahh kaya naman pala.

Siguradong badtrip na badtrip na siya sa loob loob niya dahil hello? Ayan na yun oh, yung taong gusto na niya mismo ang lumalapit sa kanya.

Ang swerte ni Melissa.

Noong una si Luke, ngayon naman si chalsmer. Ilang lalaki pa bang magugustuhan ko ang makukuha niya?

"Hey Betty, sa tingin mo may pagasa ako kay Melissa?"

"Bakit mo naman naitanong yan?"

"E kasi parang pinaglalaruan nalang niya ko. Mukhang hindi naman niya ko gusto."

Ayun pala ang nafefeel niya. Sabagay, hindi naman nagpakita ng interes sa kanya si Melissa maliban nalang kapag nakikita niya ako.

Teka, pinagseselos lang ba talaga ako ni Melissa? Bakit naman niya gagawin yun? Dahil ba kay Luke? Parang ang labo naman, ang babaw naman niya masyado kung ganon.

"Feeling ko meron naman. Hindi naman siya magpapasama sayo ngayon kung wala diba? Saka palagi ka kaya niyang kinakausap. Wag kang magalala, type ka nun."

Ngumiti siya at yinakap ako.

Nakakainis, kahit anong pigil ko sa nararamdaman ko kusa ko parin siyang nafefeel. Ayoko na! Sana hindi nalang ako nakamove on kay Luke. Mas masakit pa ata na magustuhan ko si chalsmer dahil alam kong umpisa palang wala nakong pagasa. Talo nako. May pa fight for him fight for him pakong nalalaman, wala namang nangyayari.

"Thank you bestfriend. I love you."

"I love you too, bestfriend."

Kumalas siya ng yakap sakin at ngitian ako na nagdala ng kung anong vibration sa katawan ko.

"Wag mong kalilimutan yung deal natin ha?"

Naputol ang pagdidiwang ko sa narinig ko.

Deal na naman.

Pesteng deal yan, hindi na mawala sa usapan.

"Oo na! Tutulungan na kita kay Melissa at kapalit nun tutulungan mo rin ako kay Luke."

"Ayan naman ang gusto ko sayo bestfriend!"

Okay na sana e. Gusto daw niya ko. Kaso may bestfriend pa na kasama.

My wattpad boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon