Chapter 1: Wattpad

213 6 1
                                    

Sorry for the long update. so this is chapter 1. hope you'll like it! :))))))

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Bettina's POV

*kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*

haaay, umaga na naman. makapagayos na nga.

"Anak, bilisan mo. baka malate ka pa nyan"

"Opo ma"

makaraan ang ilang minuto, matapos kong humiram ng bilis kay The Flash, ayos nako.

"Ma, alis nako!" sigaw ko.

"Sige, magiingat ka, magaral na mabuti. at wag mong kalilimutan yung bilin ko ha?"

"Mas mabuti nang ibigay ang baon kaysa ibigay ang hiyas!"

"Yan, osiya. pumasok ka na."

"Sige po. babay ma!"

Habang naglalakad ako, magpapakilala muna ako. Everyone, ako nga pala si Bettina Santiago aka Beth :) Nagmula sa lahi ng mga maharlika at pinaglihi sa isang diyosa. hahahaha! de, biro lang. isa lang akong ordinaryong estudyante na nagaaral sa wilson high. hindi rin ako isa sa mga estudyante na puro pagpapaganda at pagpapapansin lang alam gawin. mas gusto kong magaralat magbasa ng libro.

Oo, tama kayo.isa akong nerd, pero di katulad ng iba na kuntodo big glasses pa. mahilig lang talaga akong magaral. kilala rin ako bilang isang certified manang. kaso parang di na certified eh. nagkaboyfriend na kasi ako, si........ Ay, wag na! nakakaimbyerna eh! haha!

At isa pa pala, wala na rin ang tatay ko. kami nalang ng nanay ko kasama ang bunso kong kapatid. bakit wala akong tatay? Aba tanong niyo sa kanya! isa pa wala narin naman siya kaya wala narin akong pakialam sa kanya. Aisssssh, tama na nga yang kadramahang yan! nakakabad vibes lang!

Nandito na pala ako sa pinakamamahal kong school *insert sarcasm*

Pagkapasok ko pa lang, pinagtititnginan na kagad ako ng mga estudyante. Nagsimula lang naman to nung nagbreak kami ni..... aissssh, bat ko ba iniisip yun?

"Hoy bettina santiago! ang tagal mo naman! Kanina ka pa namin hinihintay!" si clarisse nga pala, isa sa mga kaibigan ko.

Nagtataka siguro kayo kung bakit ganyan siya makareact gayong di pa naman kami late. well, sa aming tatlong magkakaibigan, ako kasi ang laging pinakaunang pumasok. saka napagkasunduan narin namin na maaga kaming papasok para makapagaral pa, first subject kasi namin ang chemistry. e parehong ayaw ng dalawang yun ang subject na yun, kaya eto ako para magturo sa kanila.

" Hindi tuloy tayo makakapagaral ngayon! bakit ka ba kasi nalate?" si ciara, isa ko pang kaibigan.

"Makalate naman to! hindi naman ako late ha! tingnan mo di pa nagsisimula ang klase" pagdedepensa ko sa sarili ko.

"e bakit ka nga nahuli ngayon? siguro nagapaganda ka pa para mapansin ni luke no?"

automatic na nawala ang ngiti ko sa sinabing iyon ni ciara.

" pwede ba. ciara. tigil tigilan moko. kakasimula pa lang ng araw nambwibwisit ka na!"

"Oo na! oo na! osya bat ngayon ka lang aber?"

"Alam mo na, tinapos ko pa yung lovestory ni jewel at bernard"

"O talaga? anong nangyari? nagkatuluyan ba sila? happy ending na ba?" sunod sunod na tanong ni clarisse.

kung naguguluhan kayo kung sino si jewel at bernard, sila yung bida dun sa binabasa ko na pocketbook. well, kagaya nga sinabi ko kanina. di ako katulad ng ibang nerd na puro mga pangschool na libro lang ang binabasa. mahilig rin ako sa mga lovestory at pocketbook. hopelessly romantic din naman ako kahit na manang. haha! katunayan pa nga niyan, ang mga tipo kong lalaki ay iyong mga badboy at malakas ang dating.

"ang dami mo namang tanong! ang nangyari namatay si bernard, at yun di sila nagkatuluyan at hindi rin siya happy ending"

"ano ba naman yan! bakit ba sila hindi nagkatuluyan! bakit ba kailangan pang mamatay ni bernard?!?" halos pasigaw na tanong ni clarisse.

"oy, easy ka lang. aba, hindi ko alam! subukan mo kayang magtanong sa author diba?"

hindi na natuloy pa ang sasabihin ni clarisse nang pumasok na ang teacher namin.

*after 127495760549656 years*

" haaaaaay, natapos din yang chemistry na yan!"

" oo nga! grabe, parang naalog ata utak ko dun!"

"Ano ba naman kayo, ang dali lang kaya!"

parehas silang tumingin sakin ng masama.

"oy, bakit? ano na namang kasalanan ko?"

"ikaw may kasalanan nito, nalate ka kasi ng pasok!" may halong hinanakit na sabi ni ciara

"tumigil ka na nga diyan sa kadramahan mo ciara, halika ka na beth, iwan na natin dito yan"

hinila naman ako ni clarisse samantalang si ciara sigaw lang ng sigaw, pagkaraan ay sumunod din naman samin.

nandito kami ngayon sa may garden katulad ng madalas naming gawin pag vacant namin, ang magbasa. pero,pero,pero, hindi libro na pangaaral ang binabasa namin kundi pocketbook. haha!

Hindi ko pa nakakalahati yung binabasa ko ng may mga palakang umepal.

"Oh, i see. nagbabasa pala kayo, mga freak nga naman. Wait, ano yan? pocketbook? gosh, masyado namang layong makaluma! di niyo ba alam ang wattpad?" sabi ng isang mahaderang palaka. si melissa.

"wattpad? ano yun?"

"tss, isa iyong networking site kung saan maari kang magbasa ng mga libro ng libre" sabi naman ni jamia. isa ring palaka.

" oh? wow! ang galing naman nun!"

"eew, what a total freak! halika na nga girls. iwan na natin yang mga losers na yan!" maarteng sabi ni melissa.

"halika na nga girls. iwan na natin yang mga losers na yan. ang arte niya talaga! isa na lang sasakalin ko na yang melissa na yan!"

"O ciara, kalma halika na rin, baka malate pa tayo sa susunod na klase natin." pagpapakalma ni clarisse kay ciara.

*fastforward*

natapos na ang klase at umuwi narin ako kaagad. ganun rin sina ciara at clarisse. di kasi kami gala.

pagkauwi ko pa lang ginawa ko na kagad ang mga assignments ko. pagkatapos humarap na kagad ako sa computer.

Naisip ko, pwede ko sigurong subukan yung sinasabi ni melissa. yung, ano ba yun? wattboard? Wattbar? Wattpad? ayun, wattpad nga. maitry nga.

*after 30 minutes*

"hahahaha! ang kyut talaga ni Van! hahahaha! grabe nakakatawa sila!"

"Bettina! kakain na!"

"opo, pababa na"

ayaw ko pa sanang tigilan ang pagbabasa kaso baka mapagalitan lang ako ni mama.

pagkatapos kumain, inayos ko na ang higaan ko dahil maaga akong natutulog. pero hindi parin ako makatulog kaya nagisip isip muna ako. naisip ko yung binasa ko. grabe naakatawa talaga siya. bukas na bukas ikwekwento ko na agad kaila ciara at clarisse yun. haha!

kailan kaya ako magkakaroon ng sarili kong Van Sy? hmmmm.

Wattpad. Wattpad. Hindi ko alam na nakakaadik ka pala.............

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sorry kung lame. yan lang nakayanan eh, well, parang intro pa lang naman yan. babawi talaga ako sa susunod. haha! kung may tanong po kayo, comment lang po :)))))))))))

My wattpad boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon