Chapter 19: Falling

68 5 0
                                    

A/N: Cutie Van on the multimedia

Chalsmer/Van's POV

Nagmamadali akong pumunta sa boutique na sinasabi ni Melissa. Actually, nandito rin talaga siya sa mall kaya mas mabilis ko siyang mapupuntahan.

Pero pakiramdam ko parang ayoko ata siyang puntahan. Parang ayokong iwan dun si Bettina.

Shit. Wala nga pala siyang dalang pera.

Umikot ako pabalik para balikan siya. Ang tanga ko talaga! Dapat hindi ko siya iniwan dun. Ano na kayang nangyari sa kanya? Shit. Bobo ka van.

Pagbalik ko kung saan ko siya iniwan kanina ay wala na siya. Saan naman kaya yun nagpunta?

Tinry kong tawagan siya para malaman ko kung nasan na siya at kung okay lang ba siya.

Shit. Nagpapanic talaga ako.

Calling Betty myloves......

Ayaw sumagot! Kainis!

Sa sobrang frustration ko ay napahilamos nalang ako ng mukha.

"Van?"

"Melissa."

Ngumiti siya sakin at iniangkla ang braso niya sa braso ko.

Nakaramdam ako ng kakaiba.

Hindi ko na maramdaman yung dating parang nasa cloud nine na feeling tuwing kasama ko siya. Parang may hinahanap hanap ako.

"Chals, ang tagal mo naman?"

"I'm sorry. May importante lang akong kailangan puntahan."

Tinanggal ko ang braso niyang nakakapit sakin at kahit alam kong baka pagsisihan ko tong gagawin ko ay hindi ako nagdalawang isip na umalis at iwanan siya. Nakita ko pa ang mukha niya na parang nagulat dahil sa ginawa ko.

Wala nakong paki, basta kailangan kong mahanap si Bettina.

Tumakbo lang ako ng tumakbo. Hindi ko alintana kung pagod nako o kung hinahabol ko na ang hininga ko basta hindi ako titigil hanggat di ko siya nakikita.

Napapagod nako pero hindi parin ako tumitigil. Hanggang sa hindi ko na kinaya at napaupo nalang ako sa isang bench sa sobrang pagod.

Napansin ko na may naiwan na panyo sa ilalim ng bench. Parang pamilyar tong panyong to ah? Parang nakita ko na to. Ahh! Alam ko na!

Kay Betty ang panyong to.

Ibig sabihin nandito siya kanina? Dito sa mismong bench na inuupuan ko. Bakit naman niya naiwan ang panyo niya?

Kilala ko ang babaeng yun. Napakaingat nun sa gamit at alam kong iniingatan niya ang mga panyo niya. Inaasar ko pa nga siya dati dahil yung tipong hihiramin ko lang ay ayaw niyang ipagamit dahil mahalaga daw ito. Kaya pano naman niya maiiwanan ang panyo niya?

Naramdaman ko na medyo basa ang panyo niya. Posible kayang umiyak siya kanina? Umiyak ba siya nung iniwan ko siya?

Bigla akong nakaramdam ng tawag ng kalikasan kaya kahit ayokong umalis sa lugar nato at hintayin na bumalik siya ay pumunta ako ng rest room. Bibilisan ko nalang.

Papasok na sana ako at akmang bubuksan na ang pintuan ng makarinig ako ng parang ungol ng babaeng nagpupumiglas sa may banda ng rest room ng babae.

Hindi naman ako usiserong lalaki pero nakucurious talaga ako.

Nagdadalawang isip pako kung papasok ba ako o hahayaan ko nalang.  Mukha kasing hindi naman kahina-hinala.

Pinili kong wag nalang makialam. Pumasok ako ng cr at dali daling ginawa ang dapat gawin. Pagtapos niyon ay lumabas na agad ako.

My wattpad boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon