The end

93 9 0
                                    

A/N: Sorry po sa matagal na paguupdate! Naging busy lang po, well college life. Hahaha atleast hindi umabot ng Ilang buwan XD. So here it is, The last chapter <3 goodbye Melissa and Luke, at lalong lalo na kay Bettina at Chalsmer.

Bettina's POV

Masaya ako ngayon dahil maayos na ang lahat, lalo na yung sa amin ni Melissa. Pero kahit ganon, may isa paring hindi naaayos.

Chalsmer.

"Sis. Manonood ka ba mamaya ng concert?"

Oo nga pala, concert ng Infinite mamaya. Ang pinakahihintay kong concert dahil makikita ko ang asawa kong si myungsoo. Mwahahaha. At the same time, kinausap din ako ni chalsmer at sinabi niyang pumunta ako sa park malapit sa bahay namin mamaya. Naguguluhan tuloy ako kung anong uunahin ko.

Bettina, pumunta ka sa infinite effect. Sayang ang pera mong pambili ng ticket. Once in a lifetime lang yan, sige ka, baka hindi mo na ulit makita yung asawa mo.

Oo nga. Tama! Pupunta nalang ako ng concert! saka dugo at pawis ang dinanas ko makabili lang ng ticket.

No Bettina! Ilang araw mo ng hinihintay na makausap si chalsmer. Namimiss mo na siya diba? Puntahan mo na siya. May next time pa naman para dyan sa concert na yan.

Ha? Sinabi ko bang namimiss ko na siya? Pero pwera biro, namimiss ko na nga siya!!!

San ba ko pupunta?

"Sino, ang pipiliin mo? Si myungsoo na asawa mo, o si chalsmer na mahal na mahal mo. Ooooh~ anong paiiralin ko, pera ko o ang puso ko. Nalilitong litong litooo. Sinong pipiliin ko, mahal ko o mahal ako."

"Pwede ba Melissa, tigilan mo yang pag kanta mong yan. Ang ganda ganda ng araw, maawa ka, wag mong sirain."

Simula nung nagkabati kami ni Melissa, palagi nalang niya akong inaasar kay chalsmer. Palibhasa masigla ang lovelife e. Nagkaaminan na kasi sila ni Luke. Ang loko, parehas pa pala nilang mahal ang isa't isa. Mabuti nalang at mabait akong kapatid at kaibigan kaya ginawa ko ang lahat para mapaamin silang dalawa. Oha! Tingnan mo ngayon, masaya na silang dalawa.

"San ka na kasi pupunta? Sa concert o sa park?"

Saan nga ba?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nandito nako ngayon, kung saan ang pinili ko.

Sa concert.....

HAHAHAHAHA JOKE LANG! SA PARK AKO PUMUNTA.

Tama, nasa park nga ako ngayon at hinihintay yung unggoy nayun. Bwisit siya! Akala ko nandito na siya, balak pa ata akong paghintayin.

Bahala siya dyan, basta ako............. Maghihintay dito.

Lumipas ang Ilang minuto pero wala paring chalsmer ang lumalabas. Nakakainis na talaga ha.

Okay Bettina. Kumalma ka. Maghintay ka pa ng kahit 5 mins. Kapag wala pa, edi go! Alis na.

Okay sige, gagawin ko yan.

Kaso lumipas ang limang minuto pero wala parin talaga. Hindi ko na kaya, kaya tumayo nako.

"Bakit ko nga ba ginagawang tanga ang sarili ko? Siguradong pinagtritripan lang ako ng unggoy na yun! Tss at naniwala naman ako! Bwisit, sayang yung concert!"

Aalis na sana ako pero may biglang sumulpot sa harapan ko.

"Aaaaaaaaaah!"

Tawa naman siya ng tawa kaya binatukan ko nga. Gulatin ba naman ako?

My wattpad boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon