Chapter 10: LQ

77 6 0
                                    

Bettina's POV

Matapos ang nangyari noong sabado ay hindi pa kami nakakapagusap ni chalsmer, ewan ko ba doon sa lalaking yun nagtatampo ata. Siguro tama nga ang hula ko doon, bakla nga siguro sya. Hahaha naku wag naman sana, sayang ang mukha.

Papasok na ako sa school ngayon, Monday na e malamang may pasok na.

Sanay naman ako sa pang araw araw na nangyayari sa school pero ang ipinagkaiba nga lang ngayong araw, yung mga babae ang gaganda ng ngiti sakin.

"Hi Bettina!"

"Huy Beth goodmorning."

"Ayy Bettina ang ganda mo ngayon ah, anong sikreto mo?"

Ayan, yan ang maririnig mo sa bawat babaeng madaanan ko. Parang sinapian ata sila ng masamang espiritu. Oo masama dahil masama sa kanilang maging ganyan, hindi bagay e. Nakakadiri.

Pag pasok ko ng room ko ganun din ang madadatnan mong eksena. Yung mga babae babatiin ako tapos yung mga lalaki titingnan lang ako.

Hinanap ng mga mata ko si chalsmer, pero hindi ko sya nakita. Wala pa siguro yun, maaga pa naman. Bakit ko nga ba sya hinahanap?

Sakto dumating na sina Ciara at clarisse.

"Huy Beth, buti naman maaga ka ngayon. Matuturuan mo na kami."

"Oo nga. Ang hirap kaya nung lesson kahapon tapos may quiz pa tayo ngayon."

Quiz? Parang wala naman akong naalalang may quiz kami ngayon.

"Anong quiz?"

"Gaga, sa chemistry. Bakit hindi ka ba nagaral?"

Patay oo nga pala! Nakalimutan ko kasi nung umalis kami ni chalsmer. Bwisit. Sana pala talaga hindi na ko sumama sa kanya nun. Nakakasar, nakalimutan ko tuloy yung tungkol sa quiz.

"Magaral na nga tayo, mamaya nandito na si Ma'am Tess wala pa tayong napagaaralan."

So ayun nga nagaral kami, kaso hindi pa nagtatagal ang pagaaral namin ng biglang bumukas ang pinto ng classroom.

"Akala ko si Ma'am Tess na, buti nalang si chalsmer lang pala."

Nandito na pala yung bugok na yan. Maasar nga.

"Kamusta pagiging spy mo? Ansaya no?"

Hindi naman sya nagsalita at abalang nagbabasa ng mga notes namin.

"Himala ata nagaaral ka? Diba di naman uso sayo yun?"

Hindi pa rin nya ko pinapansin. Nakakaasar ha, para lang akong kumakausap sa hangin. Mukha tuloy akong tanga dito.

"Hoy bat di ka nagsasalita, pipe ka na ba ngayon?"

Aba wala parin. Tingnan lang natin kung uubra ka dito.

"CHALSMER!!!!!!!!!"

"Ano na ba Bettina! Ang kulit mo!"

Nagulat ako hindi dahil sa pagsigaw nya sakin pero dahil sa pagtawag nya sa akin ng Bettina. Karaniwan naman ang tawag niya sakin Betty o kaya naman babe.

Galit ba siya sakin?

Hindi pako nakakamove on sa nangyari nang dumating yung teacher namin.

"Okay get one whole sheet of paper. Tanggalin nyo lahat ng gamit nyo sa lamesa at magsisimula na ang quiz natin."

Shit. Oo nga pala may quiz. Hindi na tuloy ako nakapagaral. Inuna ko pa kasi yang chalsmer na yan e. Kainis.

Nagbigay na ng test questions si Ma'am Tess. Pagtingin ko pa lang sa mga test questions hindi ko mapigilang mapamura, hindi ko alam to. Hindi kasi ako nakinig nung tinuturo to samin. Naalala ko pa rin kasi si Luke nun e.

My wattpad boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon