Chapter 15: Fight for him

85 6 0
                                    

A/N: Bettina 2.0 on the multimedia.

Bettina's POV

"Betty! Thank you nga pala kahapon."

"Para saan?"

Nagsisigawan kami ngayon na akala mo nasa magkabilang bundok kami kasi pano ba naman ang iingay ng mga kaklase ko.

Wala kasing teacher kaya ang lakas ng loob magingay.

"Doon sa ginawa mo kahapon sa Ferris wheel."

Okay. Gets ko na. Bwisit, pinaalala na naman.

"Wala yun."

Tumahimik nalang ako pagkatapos niyon. Nakakaasar kasi. May gusto na ata ako sa kanya T.T

"Betty, aalis pala tayo bukas."

"Ha? At saan naman tayo pupunta? Infairness ha, ikaw lang may alam na aalis tayo."

Kainis naman to, siya lang ang nagpaplano. Pano kung ayaw kong umalis kasama siya? Nirerepair ko pa nga ang nasira kong puso. Chos. Landi 101.

"Magmamall tayo."

Anak ka ng kalabaw. Mall na naman! Seriously? Surang sura nako sa mall na yan. Kailan ba siya magsasawang magmall? Bakla talaga ata siya. Ang hilig sa mall.

"Ayoko naaa. Please naman kagagaling lang natin dun kahapon. Buti nga di tayo napagalitan ngayon dahil nagcutting tayo kahapon."

"Basta. Final na yun, magmamall tayo bukas."

At syempre ano pa bang inaasahan natin? Nasunod nga ang gusto ni chalsmer dahil kinabukasan maaga palang nasa bahay na siya. No choice tuloy ako kung hindi sumama. Weekend naman kaya pinayagan kami ni mama.

Pansin ko parang palagi nalang weekends? Pansin niyo din ba?

Saka chalsmer parin ang tawag ko sa kanya kahit bestfriends na kami. Ayoko kasing maremind araw araw na hanggang bestfriends lang kami. Isa pa, crush ko si van ng wattpad. Para namang ang awkward kapag tinawag ko siyang Van.

"Ano kasing gagawin natin sa mall? Nako, chalsmer umamin ka nga. Bakla ka ba?"

Sumimangot naman siya sa sinabi ko. Tama naman yung tanong ko ha? Ang lalaking mahilig sa mall, bakla.

"Tss. Hindi ako bakla. Mas papasa ka pa nga atang bakla kaysa sakin."

Binatukan ko naman siya. Lakas din mangasar nito.

"E bakit nga tayo nandito?"

"Oplan DYOSA."

Oplan dyosa? Seriously? Anong nakain niya? Joke ba yun?

"Anong oplan dyosa pinagsasasabi mo?"

"Hay, ganito kasi yan. Diba sabi mo sakin dati gusto mong tulungan kitang magbago para naman magustuhan ka ni Luke? Ayan gagawin na natin ngayon."

Ahh so yun pala ang ibig sabihin ng oplan dyosa. Pero infairness ang baduy niya. May paoplan dyosa pa siyang nalalaman.

Una naming pinuntahan ang salon.

Medyo nahilo nga lang ako dahil sa mga ginawa nila sa buhok ko. Medyo matigas na kasi ang buhok ko, madalang lang kasi akong magsuklay.

Minakeupan din nila ako. Tumanggi naman ako nung una pero sabi nila mas gaganda daw ako kapag nakamake up kaya sige gora na. Gaganda daw ako e. Sana naman mapansin ako ni chalsmer.

Tinuruan din nila ako kung paano magmakeup para naman daw magawa ko din ito sa aking sarili.

Paglabas ko ng salon, napanganga naman si chalsmer. Tss sabi sa inyo e. DYOSA ko talaga. <3

My wattpad boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon