Cholo Pov:
"Engineer, kamusta ang opening ng branch?congrats! successful ang project ah." laking ngiting salubong ni Vince. Sumunod siyang pumasok sa opisina ko.
"It was all worth it." Nilapag ko ang bag ng aking laptop saka pagod na binagsak ang sarili couch. Sinandig ko ang aking ulo at tumingin sa kisame.
Umupo naman siya sa table ko, nakaharap sa akin. "Kaya ang laki ng ngiti. Hanggang ngayon nakangiti pa rin, oh!" Mahina niya akong sinapak sa binti kaya napabitaw ako ng tawa.
"Tigilan mo nga ako. Syempre, masaya ako na natapos ko lahat. Nagkaroon pa ako acknowledgment galing sa mga Dolina. Ang laking opportunity kaya 'yon."
"Oo nga naman. Nakaka-proud ka! Ang galing mo talaga! Graduate ng Summa cumlaude, top 4 sa board exam tapos ngayon kinilala pa na isang dakilang inhinyero! Jusko! Sinong babae pa ba ang tatanggi sa isang tulad mo?"
I chuckled when i remember that woman.
"Meron." Sagot ko. "May tumanggi na nga, e."
"Oh, e siguro hindi ka pa niya kilala. Pero sino ba 'yan? Huwag mong sabihin na may natitipuhan ka!" Pagduda niya.
Napaayos ako ng upo. Hindi pa rin mawala wala ang ngiti sa labi ko. Hindi ko maitago. Humangad ako at napatitig sa dingding. Napakagat ako ng labi upang mapigilan ang ngiting nais magpakita.
"Bro, I think.. she were destined for me." Sunod akong tumingin kay Vince. Nakita ko naman ang kilig niyang reaksyon.
"Gago ka! Ang landi landi mo! Baka nag-aashume ka lang ah!"
Bumaba ako ng tingin. "No, just wait for the right time. We don't need to rush everything. This is part of the process." I assured.
Lorine's Pov:
A day passed.Nasa kusina ako ng resto ng biglang sumulpot si Bren.
"Miss Loraine! yung customer natin!"nagpapanic niyang sabi.
Agad akong napalingon sa kanya. Gulat na gulat ang reaksyon ko sa kanyang sinabi.
"Bakit? anong nangyari?" dali dali akong lumapit sa kanya.
"Ate hindi alam! pero nagsusuka yung bata dahil sa inorder nila at pinapatawag ka ng nanay!"
Sabay kaming tumakbo patungo sa customer na nasusuka. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil sigurado ay pagkain ng restaurant ang nakain niya kaya siya nasusuka. Lumalakas ang kaba ko. Pagdating namin sa mga dinings ay agad akong may narinig na boses na sumisigaw.
"Where's your manager!" sigaw ng babae habang nakasabak sa kanya ang anak na nasusuka.
Papalapit pa lamang kami sa kanila. Madaming tao ang nakapalibot at puro mga waiter at waitress ang andoon na pilit binibigyan ng first aid ang bata.
"Maam, what happened?" nag aalala kong tanong nang makalapit.
Masama agad ang tingin na binigay ng babae sakin.
"Anong klaseng restaurant to bakit ganito yung mga pagkain niyo?! ginagawa niyo bang lasunin yung mga customer niyo dito?!" sigaw niya sakin habang alalang alala sa condition ng anak.
"Maam hindi po namin masasabi na pagkain po namin ang dahilan kung bakit nasusuka ang bata. Baka may allergy po yung anak niyo sa kinain niya." marahan kong salita.
"Ano bang pinagsasabi mo ha!? anak ko 'to at alam ko ang pagkaing bawal at pwede sa kanya!"
"Maam, we're very sorry for that.. we'll fixed it and bring your child to the clinic as soon as possible—"
YOU ARE READING
Love Wins Than Hatred (SERIES #1)
RomanceThey are both happily inloved, but why it turns into hatred? Lorine is a business minded person. She was always with her bestfriend, Krizzy. She always tend to dream big and achieve her goals not just as a manager of a restaurant. Ngunit pagdating n...