CHAPTER 6

21 2 0
                                    

Lorine POV

"Omyghodd, Krizzy!" Bungad kong sabi kay Krizzy pagpasok niya pa lang sa office ko. Sinadya kong papuntahin siya dito para may makausap ako.

"Bakit?" kunot noo niyang tanong umupo na rin siya sa unahan ko.

"I have something to tell you!"

"Alam ko na yang sasabihin mo, naglasing ka kaya nalate ka sa pagpunta mo dito sa trabaho no?"

Tumahimik ako. Hinilot ko ang aking sentido.

"Yes i admit." huminga ako. "But there's something happened."

"Ha? Ano?"

"I was drunk last night. And someone saved me. Ang tanga ko! Sa lahat ng pwedeng kumuha sa akin ba't si engineer Calvillo pa?"

Kumunot ang kanyang noo. "Teka-teka.. Calvillo? That surname is familiar." Nag isip pa siya kung sino ang tinutukoy ko. Kilala niya? "Wait. Stop, i'll browse him on facebook."

Hinayaan ko siya. Ngunit nakita ko na ganon na lamang ang gulat niya. Napaawang at nanlaki ang mata niya. Sigurado ay nakita na niya ang mukha ng lalaki.

"Cholo Vier Calvillo. Teka! Omg!" Tumingin siya sa akin. "Nauna pa pala kayo kaysa sa akin!"

"What do you mean?"

"Siya sana 'yung irereto ko sa'yo. Siya 'yung tinutukoy kong kaibigan ni Vince! Grabe ang perfect ng timing! Iyong tadhana na talaga ang nagpalapit sa inyong dalawa." Malaki pa ang ngisi niya.

Bumuntong hininga ako at sinandal ang braso sa lamesa. Umiwas ako.

"Sinasabi mo, magkasama kayo kagabi?"

"Y-yeah. I was drunk. Inalagaan niya ako nung lasing ako. It was all unexpected at hindi ko akalain na ginawa niya na dalhin ako sa bahay niya at nagduwal pa ako sa kotse at sa damit niya! Nakakahiya, Krizzy! Hindi ko alam kung paano ako haharap sa kanya sa susunod kapag may pagkakataong magkita kami!" Bahagi ko.

"Gaga." Reaksyon niya. "talagang nakakahiya! Ba't ka kasi naglasing?"

"Gusto ko lang ng break."

"Break? Tapos anong napala mo? Kahihiyan? Naku naman. E, anong nangyari pagtapos?"

"Naging okay naman. He's okay. Mabait naman. Hindi naman niya ako tutulungan kung masama siyang tao. Atsaka, he's different."

"You mean."

"He's different to other people the way stares at me. I don't know! So weird. Ayokong mag ashume."

"Hmm. Siguro, may gusto sa 'yo iyon."

"Stop, Krizzy! Hindi ka nakakatulong."

"Hindi ko alam kung manhid ka ba o pa humble lang. Obserbahan mo sa galaw."

"Still i can't get over it. Sana hindi ko na siya makita pa." Kampante ko.

"Pa'no mo naman nasabi?"

"E, wala namang dahilan para magkita kami ulit."

"Paano kung ang tadhana na ang gumagawa ng paraan para magkita kayo? Di mo na lang namamalayan na magkikita na lang kayo bigla o may bagay na magiging dahilan para magkita kayo."

"I just hope na hindi na mangyayari 'yon."

"Pogi non, tapos mayaman pa. Saan ka pa bhie! Tska, mukha talaga siyang boyfriend material, o di kaya.. husband material. Shesh! Support." kinikilig pa.

Lumipas ang minuto ay umalis na siya dahil may pupuntahan pa raw siyang importante. Sinimulan ko na ang magtrabaho ulit. Ghod! ramdam ko na umiinit yung mukha ko. Dapat kasi hindi ako magpapaapekto.

Love Wins Than Hatred (SERIES #1)Where stories live. Discover now