EPILOGUE

15 0 0
                                    

Pinagbigyan ako si Cholo na kausapin si Garrett kahit sa huling pagkakataon. Wala ng ibig sabihin. Malinaw na sa akin ang lahat at nais ko lang tapusin ng maayos ang koneksyon na mayroon sa aming dalawa. Ayaw niya na ring harapin ito dahil baka hindi na raw niya mapigilan baka ano pa ang magawa niya kay Garrett.

Kusang loob akong humiling sa mga pulis upang makausap si Garrett. Nangako rin ako na wala ng magaganap na gulo. Naghintay ako ng ilang minuto bago siya nilabas ng mga pulis. Hanggang sa nakaupo na siya sa harapan ko. Paawa siyang tumingin sa akin.

Kinakalma ko ang sarili. Hindi pa rin mawawala ang poot ko sa kanya ngunit kailangan ko ilimit ang bawat salita ko.

"L-lorine, andito ka." Nauutal utal na siya sa pagsasalita. "Kung andito ka para magalit sa akin. Hahayaan kita... Alam kong mali.. Nabulag ako." Pagsisisi niya.

Pinipigilan ko ang emosyon kong magalit.

"Talagang nasa huli ang pag sisisi no? Wala akong minahal na isang tulad mo. Actually pinagsisihan ko kung bakit nakilala at tinanggap pa kita sa buhay ko.. Garrett napaka demonyo ng ginawa mo!" Diin ko. "Bakit mo pa kailangang gawin ang mga bagay na alam mong mali." Naluha na ako. "Tangina, ikaw ba talaga yung Garrett na nakilala ko? Bakit hindi mo na lang kayang tanggapin noon na wala na ako sayo!" I wiped my tears.

"Hindi ko na alam anong isasagot ko. Alam kong mahirap mo na akong patawarin."

"Garrett minahal kita e... Minahal kita ng buong buo noon! Halos buong kaluluwa ko binigay ko para sayo! Kasalanan mo naman kung bakit ako nawala sayo, hindi ba? Gumawa ka ng isang bagay na dahilan para lumayo ako. Tapos ito pa ang igaganti mo sa akin? Sa sobrang obsessed mo na balikan ako dinamay mo pa ang inosenteng tao!? Garrett! Garrett, hindi ikaw iyan! Pagkatapos ng lahat ng binigay ko sayong kabutihan habang tayo pa ito ang ipapalit mo sa akin? You are the worst person i ever met! Sana hindi na lang kita nakilala."

Pansin ko ang pagtulo ng kanyang luha. Nasa mukha niya ang labis na pagsisisi. Nakayuko lang siya at hindi ako matingnan ng deretso.

"S-sorry.. kahit anong sorry ko hindi mo naman matatanggap iyon pero... pero siguro sobrang mahal lang talaga kita, Lorine." Tumingin siya sakin. "Nabaliw ako, aaminin ko. Akala ko pagkatapos ng lahat.. nagawa ko nga.. wala naman akong natanggap.. hindi ko naangkin yung mga expectations ko. At isa lang ang gusto kong sabihin sayo. Kung masaya kana, palalayain na kita. Mahal pa rin kita, pero hindi na kaya." Naluluhang aniya.

"Sana noon mo pa sinabi yan.. Garrett, tatanggapin pa rin naman kita kung noon mo pa naisip ang mga salitang iyan. Alam kong matalino kang tao pero sobrang bobo at tanga mong magmahal. Ang talino mo nga pagdating sa trabaho. May malaki kang business. Anlalaki ng mga properties mo. Pero kapag sa personal na buhay tumatanga ka. Sayang ka. Sobrang sinayang mo ang buhay mong sobrang ganda. Ikaw mismo ang sumira sa buhay mo kaya huwag mong isisi sa ibang tao."

"Alam ko... Nagpalasalamat pa rin ako na nakilala kita."

"Pwes, ako hindi." Sagot ko. "Sobrang nagsisi ako kahit noon pa lang. Kaya sa susunod, wag mo ng ipagsiksikan ang sarili mo sa taong hindi kana gusto. Pero wala ng susunod, Garrett... Because this place is already your final place to live before you will meet your death. Wala ng maaawa sayo. Wala ka ng babalikan. Nasaktan mo na ako. Nasaktan mo ang taong mahal ko. Para malaman mo na si Cholo lang ang taong nagparamdam sa akin ng totoong pagmamahal pero pati siya dinamay mo at mas malala pa pati ang pamilya niya nasaktan mo. Mga tao na naging totoo sa akin na ginago ng isang tulad mong walang kwenta sa buhay ko. I will not cherish every single moment that we ever had. You are a trauma, Garrett. Kung saan ka man dadalhin ng buhay mo ngayon, susuportahan kita. Pero gusto ko, na sa impyerto ka mapupunta."

"Lorine..." Umangat siya ng tingin. Napupuno ng tubig ang dalawa niyang mata habang nakokonsensyang ang kanyang titig sa akin. "You will always be the woman that i will cherish for the rest of my life. Hindi na ako aasa na mapatawad mo ako sa kabila ng lahat.. I'm really sorry for making you upset. I'm sorry for ruining the life that you have. Kahit na nakakulong na ako, may isang tao pa rin na sobrang proud sayo. Andito ako to cheer your happy life with Cholo. You deserve to be happy.. I'm rooting for you."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 08 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love Wins Than Hatred (SERIES #1)Where stories live. Discover now