CHAPTER 30

7 1 0
                                    

"C-cholo?.. C-cholo, i-iyong baby ko..."

Mahina kong daing.

Nagising ako ay si Cholo at si baby Verria agad ang binubulong ko. Nasa kalahati pa lang ang pagdilat ng aking mata. Sinusubukan kong hanapin sila sa paligid ko ngunit wala akong nakikitang tao dito.

Ang bigat ng pakiramdam ko. Anong nangyari sa akin? Nasaan sila? Bakit hindi ko sila kasama dito?

Sinubukan kong tumayo ngunit hindi ko kinaya ay sumakit lamang ang ulo ko. May pumasok na isang nurse na medyo nasa edad na rin, nagulat sa paggising ko.

"Nurse.."

"Mrs. Calvillo, finally you're awake. Tatawagin ko lang ang nurse na umasikaso sa inyo to check your condition."

Lumunok ako. "Uh, nurse i'm okay.. Iyong anak ko po? I need to see her. Nasaan sila?"

"Nasa nursery room pa si baby mo, kasama yung daddy niya. Okay yung anak mo, ikaw lang ang inaalala ng asawa mo kanina dahil sa nangyari sa'yo."

I felt relieved, ngunit napalitan naman iyon ng dahil sa huli niyang sinabi.

"May nangyari sa akin?" Napatanong ako.

Kinuwento niya sa akin ang nangyari kanina.. Pinoproseso pa ng utak ko ang mga sinabi ng nurse. Muntik na akong mamatay?

Lumingon ako sa direksyon ng pintuan at nakita ko na pumasok si Cholo sa loob bitbit ang bata. Para bang nawala lahat ng sakit ko sa katawan ng makita ko silang dalawa. May namuong ngiti sa labi ko habang nakaawang pa.

"Lorine you're awake!" Hindi makapaniwala ang kanyang reaksyon. Dali dali siyang naglakad ngunit may pag ingat pa rin dahil may bitbit siyang bata. "How are you? Okay ka na ba?" labis ang pag aalala niyang tanong. Iyong mata niya na parang wala sa oras ay aakalain na niyang katapusan ko na.

Para bang nais kong maiyak ng makita ko ang baby ko.

"Okay lang ako, Cholo... Iyong baby ko..."

Dahan dahan na niyang binigay sa kamay ko ang bata. Deretso ko agad siya tinitigan. Nakakalutang... Naiiyak ako tangina... Ang ganda niya...

"A-anak ko..." Naiiyak kong sabi na may ngiti sa labi.

Ramdam ko ang pagyakap sa akin ni Cholo nang makaupo sa tabi ko.

"Nurse, is she already okay?" Tanong ni Cholo sa dumating na bagong nurse.

"Ichecheck po namin muna siya sir dahil kakagising niya lang po kasi.." sagot niya kay Cholo, tumango naman siya. "If it is okay lang po sana to borrow your time for us to check your blood pressure, ma'am?" Sunod niyang request sa akin.

Pumayag ako habang pinahiga ko muna si baby Verria sa kama.

"I was worried." Sabi sa akin ni Cholo.

Nilingon ko siya, kakatapos lang din kunan ng nurse ang BP ko. "I'm okay, buhay ako. Kayo lang yung gamot ko.. May dahilan na ako para mabuhay, at kayo iyon. Don't worry about me anymore. I'm sorry na naging weak ako."

"170 over 60. Bumaba na po sa normal pressure ang dugo niyo." Ani ng nurse, parehas kaming tumingin sa kanya.

Tumango ako.

"May ichecheck lang po ako then later Doc. Allen will visit you here to give you an exact information about your condition ma'am. May mga test lang po muna kami na kailangang gawin." Dagdag niya.

"Salamat, nurse." Banggit namin pareho.

Umalis na sila at kami na lang dalawa ni Cholo ang naiwan.

Simula non, wala akong ibang iniisip kundi si Cholo at ang anak ko.

Love Wins Than Hatred (SERIES #1)Where stories live. Discover now