Within the entire season of December, we always tend to eat outside or di kaya ay siya mismo ang nagluluto para sakin just to have a simple date. Ang sarap niyang magluto! Iyon ang bagong na-discover ko sa kanya.
Ayoko din talaga na palagi akong binibigyan ng material na bagay para lang ligawan ako o pasayahin, at sinabi ko na iyon sa kanya. I prefer his presence, sapat na sa akin 'yon.
Oo alam kong umuulan ang wallet niya para makabili ng kung ano ano.. Pero ayoko talaga, mabuti na lang ay nirerespeto niya yung gusto ko. Sobrang dami ko ng natikim na luto niya. Ba't di na lang siya nagchef, ano.
A man who knows how to cook.... is literally my type!
Dumating nga ang araw na nakaapak na sa bahay ni Cholo ang magulang at kapatid niyang lalaki. Sinabi niya sa akin through phone call. Balak niya sana ako ipakilala bukas pero nag-request ako kung pwede ay sa ibang araw lang. Binibigla niya ako! Pumayag naman siya.
"Mom, dad, my girlfriend... I mean, future girlfriend or should i say.. wife." Confident niya akong pinakilala sa harapan nila.
Hindi ako na-bother sa binanggit niya, ang iniisip ko lang ngayon ay ang magiging susunod kong galaw. Lumapit ako at nagmano. Kakapasok ko pa lang at sinalubong agad nila ako. Naramdaman ko ang pag-welcome nila sa akin. Hindi naman sila mukhang strict. They face me with their smiley face, dahilan ng pagbawas ng kaba ko.
"Oh, wow! She looks pretty, brad." Giit ng kapatid niyang lalaki.
Sinamaan agad siya ng tingin ni Cholo. "You better shut your mouth, Brei." Kutya niya.
Natawa naman parehas ang magulang niya.
"Oh, come." Niyaya ako ng daddy niyang pumasok sa loob at pinaupo sa sofa. Nakasunod lang sa akin si Cholo at umupo na rin sa tabi ko.
Huminga ako ng malalim. "Ano bang gusto mo, iha? You want juice? Coffee?" Her mom tried to ask. "Manang Vicky." Sunod niyang tawag kay Manang upang mag alay ng maiinom ko.
"Uh, don't worry tita. Kahit huwag na po." I insisted.
"Nahiya ka pa. Libre na nga lang 'yung kape mo.." Bulong niya malapit sa tainga ko kaya agad ko siyang siniko sa tiyan.
All along our conversation were getting smooth. Naging mabait ang pakikitungo nila sa akin. Gosh! Nag-ooverthink pa ako kanina! Akala nga nila na kami na ngunit sinagot naman ni Cholo na hindi pa. Hindi pa. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Basta umaangat ang saya sa puso ko. Sa tuwing kinakausap ko sila ay naaalala ko ang magulang ko. Siguro ganito rin kami ngayon, pinapakilala si Cholo sa kanila.
Sabay naming isasalubong ang new year na kasama ang pamilya niya. Hindi ko nga akalain na isasama nila ako sa iisang bubong para magdiwang ng bagong taon. Dahil alam ni Cholo na wala na akong kasamang pamilya. Noon nag didiwang ako ng ganitong okasyon na kasama lang si Krizzy.
Gosh, i miss my complete family.
Ngayon ay kasama ako na kumakain sa isang mahabang lamesa, sa bahay mismo ni Cholo. Kasama ang kapatid niyang lalaki na mas bata pa ang edad kaysa sa kanya kasama na rin ang kanyang nanay at tatay. Katabi ko si Cholo habang busy ang mga kasama namin sa pag uusap.
Nagulat na lamang ako na bigla siyang dumikit sa akin at may binulong.
"I'm happy." bulong niya.
I turned my face to him. "Me too."
"Time check, 9:53pm. Sa labas tayo mamaya. Sa may garden. I'm sure na madaming fireworks ang makikita natin doon." Bulong niya.
I just nodded and smile. Nabigla ako nang hinawakan niya yung kamay ko na nasa ilalim lang ng lamesa. Nilingon ko pa siya ulit ngunit parang wala lang siyang pake sa reaksyon ko habang ginagawa ng makinig sa usapan nila. Parang may kung anong nag-spark sa puso ko ng maramdaman ko ang kamay niya at sekreto iyong hinilot hilot habang nasa harapan namin sila.
YOU ARE READING
Love Wins Than Hatred (SERIES #1)
RomanceThey are both happily inloved, but why it turns into hatred? Lorine is a business minded person. She was always with her bestfriend, Krizzy. She always tend to dream big and achieve her goals not just as a manager of a restaurant. Ngunit pagdating n...