I laughed sarcastically. Ngunit hindi pa rin mawawala ang paninikip ng aking dibdib.
"Sorry?? Then f*ck you! Sorry for what?? For leaving me in how many years!?" My voice raised.
Sunod sunod ang luhang bumuhos sa mata ko habang ako ay nakatitig lang sa kanya. Habang siya, inaako ang bawat salita mula sa akin dahilan ng pananakit ng bawat tingin niya. Hindi siya agad nakapagsalita. He went speechless.
"I-i'm really.. sorry, babs." Iyon lang ang nasabi niya. Halos nagmamakaawa na siyang makuha ang atensyon ko. He made a step to get closer to me. Humakbang naman ako paatras. Nagsalubong ang dalawa kong kilay.
"Don't come close..." Pilit kong kinakalma ang sarili kahit mahirap dahil nasa special event kami ngayon. Ayokong mapahiya ng dahil lang sa kanya. "Umalis ka na.. parang awa mo na."
Umiiyak na ako. Wala na akong salita pang masabi at nanatiling gulat pa rin ako sa nangyayari. Hindi ko na kaya. Gusto kong humagulgol dahil bumalik ang lahat sa puso ko. Hanggang sa kinuha na ako ni Krizzy na nasa paligid lang namin.
"Cholo, umalis ka na!" Galit niya at hinila na ako paalis. Sumunod ako.
Naiwan siyang walang kalaban laban. Umalis na kami. She guided me to walk. Nakarating na kami sa sasakyan nila. Pinapasok nila ako sa backseat at tinabihan pa ako ni Krizzy. Kasama namin si Brian, ang asawa niya. Siya na mismo ang nagmaneho.
Umiyak lang ako ng umiyak. Kahit ayoko nang umiyak ngunit iyon naman ang ginugusto ng sarili ko. Hindi ako naging masaya nagpakita siya ulit sakin ngayon. 4 years! Tangina, anong ginagawa ng tadhana sakin!? Pagkatapos niya akong iwan, 'yun lang ang sasabihin niya sakin? Sorry???
"'Yun ang rason kung bakit gusto ko ng pauwiin ka." sabi niya sa akin.
Pumikit ako at isinandig ang ulo sa sandigan. "Hindi ko na siya kailangan.. tangina ang sakit ulit, e." Tinakpan ko ang mukha gamit ang palad.
"Just cry." She tapped my shoulder.
Hinatid nila ako sa bahay. Sa buong biyahe nakatulala lang ako at parang hindi ko pa rin tanggap. Naubusan na ako ng iyak. Bumalik lang ang lahat ng sakit.
I remember the past years when i was diagnosed from depression. Na trauma siguro ako kaya nangyari sa akin iyon. From Garrett, from my mom and dad, from Cholo, and next my inosent child.. I experienced a lot of pain! I lost my child because of him! Doble ang sakit na pinaranas niya sakin.. Putangina.. Tapos ngayon.. Bumalik.. Kailan pa ba ako makakalaya sa sakit!
"Mahal mo pa rin ba?" she suddenly asked me.
After i fixed myself, humiga na ako sa kama. We're talking through video call.
Hindi ako sumagot agad. Natulala ako sa tanong niya. I licked my lower lip.
"Ano bang klaseng tanong yan?" Walang gana kong sagot.
"Just making sure. At hindi ako maniniwala kung sasabihin mong hindi na. At sana nga wala na talaga. Pero alam kong hindi basta-basta naglalaho ang pagmamahal."
"Krizzy, almost 4 years!" Diin ko. "The pain were still fresh lalo na hanggang ngayon ay wala pa rin akong alam kung bakit niya nagawa sa akin 'yon! It had an impact to me! I couldn't just accept and forget about it. Wala ng natirang halaga.."
"So anong balak mong gawin? Magtatago ka na lang ba?"
Umiwas ako sa screen, tumingin sa malayo. "I'm not yet ready to make any conversation with him. Kung bumalik siya, o edi sige. Huwag niya lang ako guluhin ulit."
"Imposible. Kita mo ba ang reaksyon niya kanina? Gustong gusto ka niyang kausapin at lapitan pero inuuna kayo ng gulat at emosyon."
Ayoko na siyang kausapin pa. Narealized kong nakakapagod na. Kahit gusto ko siyang tanungin, iparamdam sa kanya ang sakit na binigay niya sakin, o kahit saktan siya... Ayoko ng maghanap pa ng paraan para mangyari iyon. Kung hindi naman din siya ang para sa akin na binigay ng Diyos ay huwag na lang. Nagsasayang lang ako ng enerhiya para ibalik lang ang hindi para sa akin.
YOU ARE READING
Love Wins Than Hatred (SERIES #1)
RomanceThey are both happily inloved, but why it turns into hatred? Lorine is a business minded person. She was always with her bestfriend, Krizzy. She always tend to dream big and achieve her goals not just as a manager of a restaurant. Ngunit pagdating n...