2 months later
Magdadalawang araw na rin na hindi kami nagkikita ni Cholo. Sinabi niyang sobrang busy niya raw sa site dahil timing na nagkaproblema doon. Sa loob ng pitong buwan ay walang araw na hindi kami nag-uusap.
Mas nakilala ko rin siya. Kahit na masyadong abala niya sa kanyang trabaho ay hindi pa rin nawawala ang communication. Siya mismo ang gumagawa ng galaw para makausap ako. Kahit nasa trabaho, nagagawa niya pa rin akong tawagan kahit malayo kami sa isa't isa.
Now, i could already say that, i love him. I love the way he still priotizing me even how busy he was. Parang kahit anong oras, ako pa rin ang nasa isip niya. At hindi niya ako nagagawang kalimutan kahit may iba siyang kailangan unahin. At naiintindihan ko naman 'yun. May bagong project na construction na kasi siya na kailangan pagtuunan ng pansin.
Noontime ay wala naman akong masyadong ginagawa ay nagpaalam ako upang makalabas. Bago ako lumabas ay nagdala ako ng makakain at nilagay iyon sa pack lunch para disposable at maitapon niya lang pagkatapos. Dalawang klaseng ulam. Adobo at calamares. Naalala ko kasing mahilig siyang kumain ng ganon. Sinamahan ko na rin ng kanin.
Humarurot ako papunta sa kanyang workplace. Nag message ako sa kanya na dadaan ako pero wala pa siyang tugon. Sana naman ay nabasa niya na 'yon.
Malayo pa lang sa construction site ay hininto ko na ang sasakyan. Naglakad ako palapit doon at huminto sa may gate. Naririnig ko ang ingay ng welding at ang mga nagkakarpintero sa loob.
I called him. Pero cannot be reach naman ang linya niya. Kaya hindi pa siya nagre-reply sa akin. Nagtaka ako. Baka lowbat lang siya or busy. Sumilip ako sa loob. Sinusubukan siyang hanapin. Ngunit may biglang sumulpot sa paningin ko ang isang lalaki. Naka yellow hard hat rin ito. Nagtagpo ang mata namin.
"Oh." reaksyon niya ng makita ako. "teka.. Kilala kita ah." aniya, kinikilatis pa kung sino ako.
Dahan dahan siyang lumapit sakin. Ngumiti lang ako. Kilala niya ako? E ngayon ko lang nga rin siya nakita. "Uh, hi sir." bati ko.
Marahan siyang natawa. "Anong sir? Wag na sir tawag mo sakin ma'am. Engineer Vince na lang. Mas maangas po yun."
Vince? His name was familiar.
Natawa ako sa sinabi niya. "Oh, engineer Vince. That means, magkasama kayo ni Engineer Calvillo dito?"
"Ah, yes maam, kaibigan ko siya dito. Tropa ko yun. Nakita na kita noon, kasama ka niya diba sa..." nag isip pa siya. "sa ospital! Oo tama haha! Hi doc, kaya pala nasa ospital siya non.. May nilalandi na pala." bulong niya sa huli niyang sabi.
Tumawa ako. Di ko naman alam kung ano yung mga pinagsasabi niya. "Nagkita lang kami doon. Atsaka, correction, hindi ako doctor, engineer." hiya akong ngumiti. Baka akalain niyang doctor talaga ako.
Kumati ulo siya. "Sorry, my mistake." ngisi niya.
"Anyways, andito ba siya?" tanong ko.
Saglit siyang lumingon sa likuran sunod na bumalik ng tingin sakin. "Maam, sa totoo lang po.. Wala po siya sa mood ngayon e.."
Wala sa mood? Nag alala tuloy ako bigla.
Kumunot ang noo ko. "Huh? Bakit naman?"
"E, nagka- problema lang kanina. Kaya ayon, bad mood."
Ow, kaya pala.
"Pwede ko ba siyang puntahan?"
"Maam ayos lang sana pero, 'di po kasi kami pinapayagan na magpapasok ng hindi worker dito. Delikado pa po kasi bumagsak 'yung kisame."
Nabigo ako. "Cannot be reach kasi 'yung phone niya. Pwede akong pafavor sayo na sabihin sa kanya na andito ako? Kung hindi ka busy." pakiusap ko.
"Sige, teka lang ma'am. Make sure na magstay lang kayo dito, ah. Bawal pa kasing pumasok sa loob."
YOU ARE READING
Love Wins Than Hatred (SERIES #1)
RomanceThey are both happily inloved, but why it turns into hatred? Lorine is a business minded person. She was always with her bestfriend, Krizzy. She always tend to dream big and achieve her goals not just as a manager of a restaurant. Ngunit pagdating n...