CHAPTER 10

10 1 0
                                    


"As we can see, after how many months, we observed na mas lalong nag iincreased yung percentage ng profit sa Vrecks resto. And we can already say that we made to give a succesful operation since then and until now and we want to thank our costumers sa walang sawang pagsuporta nila sa business natin." masaya silang pumalakpak pagkatapos kong maipresent ang powerpoint while we are having our business conference.

"Thank you for being a responsible manager, miss Lorine. Hindi ako makakarating rito na kung hindi dahil sa inyo.." giit ni maam Flor. Muli kaming pumalakpak para sa kanya. "I'm so glad that we made it more excellent despite of any challenges that we faced before, but somehow, we overcome it through the cooperations, trust as well as the patience of all." she smiled, napangiti rin ako ng malaki.

"And because of that, i decided to decrease the sale prices of our dishes para mas lalong maenjoy ng mga costumers natin yung favorite mga foods nila dito.. We will post the announcement in our entrance gate immediately. And this were only effective for only 1 week, starting tommorow." she shared an additional good news.

Labis ang tuwa ng mga crews at pati na rin ako sa inanunsyo ni maam Flor. It also gave us a motivation to continue.. Parang pakiramdam namin ay nabayaran ang lahat ng pagod at sakripisyo ng lahat para lang mapaayos ang takbo ng resto na ito.

Paglabas ko ng conference room ay sinalubong agad ako ni Krizzy. Bahagya akong nagulat, di ko alam na may balak pala siyang bumisita dito sa resto.

"Gagi, anong ginagawa mo dito?" nakangiti kong tanong.

Hinawakan niya agad ako sa braso habang mahina akong hinila para maglakad.

"May hinatid lang ako kay ate Flor and may meeting pala kayo kaya hinintay talaga kita."

Bumaling ako. "Really? For what."

"Starbucks." aya niya. "it's already lunch time! Di ka pa kakain?"

Biglang pumasok sa isipan ko na may plano pala kami ni Cholo na magkita ngayon. Hindi ko alam kung nakalabas na ba siya sa site.

Krizzy didn't know that we're already together! Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag malaman niyang sinagot ko na si Cholo...

Kapag wala pa si Cholo, pagbibigyan ko muna siya na magstarbucks. Minamanage ko pa rin naman yung time ko between her and him. Baka mamaya magtatampo sakin ito.

Paglabas namin ng gate ay agad akong napahinto sa gulat ng makita ko Cholo na nag aantay na pala sakin sa labas. Nakasandig pa ito sa may pintuan ng sasakyan niya habang may kung anong inaabala sa cellphone niya. Nagtaka pa si Krizzy sa paghinto ko sa paglalakad.

He did not update me na andito na pala siya? Omg, my fault... Ngayon ko lang nabuksan yung cellphone ko at nagmessage pala siya!

"What? Let's go."

"Wait." pigil ko kay Krizzy. "someone is waiting for me. Akala ko talaga mamaya pa 'yung dating niya." sabi ko sa kanya.

Kumunot agad ang noo niya. "And who's waiting? Ohh noo.. You're telling me na that you already have your boyfriend who's waiting you?" lumaki agad ang mata nito. Ang lakas talaga ng pang amoy.

"If i told you yes.. Would you believe-"

"Sino yan?" putol niya agad. Bigla na lang kinilig at niyugyog pa ako. Pinipilit akong ireveal kung sino.

Lumipat ang tingin ko sa gawi ni Cholo at ganon rin si Krizzy. Nakita ko na nasa amin na ang tingin niya at mukhang inaantay na ako. His wearing his shades na mas lalong nagpapogi sa hitsura niya ngayon while wearing his polo and long pants! Gantong pormahan pala yung sinusuot niya palagi kapag papasok sa trabaho.

Love Wins Than Hatred (SERIES #1)Where stories live. Discover now