"Maldives!" Sigaw niya sa saya nang makaapak kami sa sahig ng Maldives. Kakababa lang din namin ng eroplano.
Ngayong honeymoon namin, sa dream place niya naman.
Tumawa ako sa tuwa. Nag book kami ng grab para makapunta sa binook rin naming hotel. Bukas pa kami magstastart gumala dahil maggagabi na rin. Pinoy na pinoy huh. Hindi sanay gumala sa gabi.
Ito ang pinakamagandang hotel na nabook namin dahil hindi mawawala ang view ng city. Ang ganda! Ito na ata ang pinakamasayang araw sa buhay ko. Mali, hindi lang itong araw. Dahil ang pinakamasayang araw sa buhay ko ay ang mga panahon na magkasama kami ni Cholo at ng baby namin. Sayang nga lang na hindi pa namin pwedeng igala si baby Verria. Naiwan na lang siya sa mommy ni Cholo. Nextmonth pa raw kasi sila makakauwi.
Tumambay ako sa may balcon. Tuwang tuwa ako sa view parang nalulusaw ang puso ko sa ganda ng nakikita ko.
Bigla na lang akong niyakap ni Cholo sa likod. Hinarap ko siya saka ngumiti. Hinawakan niya ang likod ko dahil nakasandig lang ako sa railing. Nasa 32th floor kami naka check in.
"Tapos ka na magluto?"
Hinayaan ko siyang magluto sa kusina kanina dahil volunteer niya naman yon.
"Yeah." Tipid niyang sagot habang malawak ang tuwa sa mukha.
"Bakit naman masaya ang asawa ko?" Pinalupot ko ang braso sa kanyang leeg.
"Shet.. hindi ko inaasahan ito."
"Na?"
"Na darating tayo sa punto na ganito."
I smiled. "Hindi naman tayo magiging ganito kung hindi mo ako hinabol habol noon."
Pansin ko sa kanyang hitsura na inaalala ang mga panahon na nagkakilala pa lang kami.
"Kung gaano mo ako iniikot para mahulog lang sayo. Kung gaano kalakas yung level ng pagiging malandi mo." Dagdag ko.
Nababitaw siya ng ngisi. "Mahulog ka na sakin huwag lang sa 32th floor." Hinila niya ako palayo sa railing. Nakahawak pa rin siya sa baywang ko. Malabo namang mahulog ako e hanggang dibdib ko naman ang taas non.
"Oh ano? Naalala mo?"
"Pasalamat ka nga na naging ganon ako. Siguro hanggang ngayon.. single ka pa rin. Atsaka baka hanggang ngayon, wala ka pa ring poging asawa."
Hindi ko mapigilan ang tumawa. Bwisit kahit kailan talaga! Mahina ko siyang sinapak sa dibdib. Hanggang ngayon, hanggang dibdib niya pa rin ako. Napansin ko rin na mas nag improve ang chest muscle niya huh. Hindi ko siya napapansin na nag wowork out this past days.
"Kasalanan ko ba kung masyado akong maganda sa paningin mo." Pabiro akong umirap.
"Shocks! I love the confident!"
Pagkatapos non ay inaya ko na siyang kumain. Hinila ko siya papunta sa kusina. Ako na rin ang nag serve ng pagkain. Nasa isang maliit na kaldero ang soup na niluto niya. Nirequest ko kasi iyon dahil medyo malamig dito sa lugar namin kaya gusto kong kumain ng mainit na sabaw.
Kinarga ko ang maliit na kaldero upang deretso iyon ibuhos lahat sa mangkok. Kaso aksidenteng natamaan ng sabaw ang kamay ko kaya agad kong binitawan ang maliit na kaldero. Nilapitan agad ako ni Cholo sa taranta.
"Babs ano ba yan." Mahinang sermon niya. "pinuputol mo ba kamay mo?"
Tumawa na lang ako. Pinalitan niya ang trabaho kong ibuhos iyon sa bowl. Ang OA ha!
"Ang OA mo! Naslide nga lang."
Umupo na ako sa kung saan siya kanina.
"Just behave. What a.. fool dump girl." Aniya.
YOU ARE READING
Love Wins Than Hatred (SERIES #1)
RomanceThey are both happily inloved, but why it turns into hatred? Lorine is a business minded person. She was always with her bestfriend, Krizzy. She always tend to dream big and achieve her goals not just as a manager of a restaurant. Ngunit pagdating n...