Hello po.This is to inform you na naka private mode siya.Ewan ko kung bakit lahat ng stories kapag nag uud ako ay automatic mode eh.Pero nireport ko na kay Watty.Sorry po.Sorry.
30 Days To Win Her Heart Again
Finale Chapter(Book 1)
3 months after Valentines..
Shai's POV
Bukas na ang kasal namin.Kinakabahan ako na masayang-masaya.OMG!Sa makalawa magkatabi na kaming matutulog.Ako na ang gigising sa kanya.Ako ang magiging ina nang magiging anak niya.Ako ang magluluto para sa kanya.Ako ang magmamasahe sa pagod niyang katawan pag-uwi niya galing sa trabaho.Woah!Iniisip ko pa lang,kinikilig na ako *___________*
Nakatitig ako sa wedding gown ko na nasa ibabaw ng kama.Katabi rin nito ang susuotin kong high heels sandals at mga jewelries na susuotin ko bukas.Pero ewan ba't may feeling ako na may mangyayari ngayon.Yung parang may malaking malaking mangyayari ngayon na makakaapekto bukas.Aissh.Ano ba tong pinag-iisip ko?!Mahal at sincere si Jushtine sa akin at yun ang mahalaga.Ewan ko na lang kung may malaman ako na niloloko niya ako all these time hindi ko alam ang gagawin ko.Ang ayoko kasi sa lahat yung ginagawa akong tanga.Ayoko sa taong manloloko.
Speaking of Jush,nasan na ba siya?!Pati rin ang mga kapatid ko.Tss.Dapat nandito sila ngayon sa hotel room ko noh!Moral support ika nga.Ayy,baka nasa room sila ni Jush.Maaga pa naman diba?!Siguro naman pwede ko pang makita si Jushtine for the last time.Kasi nga naniniwala ang mga ate ko sa pamahiin na bawal magkita ang soon-to-be-married couple sa mismong gabi o araw bago sila ikasal.Misfortune daw kasi ang hatid nun.Sus,ako hindi naniniwala dun.Kung kami,kami talaga.Walang magagawa yang kung anumang mga pamahiin na yan.
Papunta na ako sa hotel room ni Jushtine.Nakabukas ata ang room niya.Hindi naman masyadong bukas yung onti lang pero dahil dun rinig ang mga boses ng nasa loob.
"Congrats Jushtine.Alagaan mo ang Shai namin ha!",masayang sabi ni Ate Haiana.
Sabi ko na nga ba eh nandito lang sila.
"Pag yang kapatid namin pinaiyak mo,makakatikim ka talaga sa akin.",si Ate Sigang Yuri.
Natatawa naman ako sa mga babala nila.Narinig kong tumawa ng bahagya si Jush.Papasok na sana ako nang marinig kong nagsalita si Ate Sunny.
"Kailan mo sasabihin ang katotohanan?!",tanong niya.
Napahinto ako.Anong katotohanan?!Anong hindi ko alam?!Anong kailangan niyang sabihin?Naguguluhan ako. At nakaramdam ng matinding kaba.
"Kailangang pa ba talagang malaman niya ang bagay na yun?",si Ate Shey.
"Di ba karapatan niya rin yun?!",si Ate Fany.
"Eh kailan mo sasabihin?",si Ate Jes.
"Siguro pagkatapos ng kasal.",sagot niya.
Ano ba tong pinagsasabi nila?!Hindi ko mapigilang kabahan sa mga narinig ko.Kaya pumasok ako.
"Anong dapat kong malaman?!",nagtitimpi at nanginginig kong tanong.
Nagulat silang lahat.
"Shai?",si Ate Sunny.
"Kanina ka pa ba dyan?!",si bunso.
Hindi ako umiimik.Seryosong seryoso ako ngayon.
"Sabihin mo sa akin ang dapat kong malaman!",pasigaw kong sabi kay Jushtine.
May feeling ako na malaki ang tinatago nilang sekreto.
"Shai,kumalma ka.",si Ate Sunny.
Kumalma?!Pano ako kakalma kung alam kong nagsisinungaling sila sa akin.
"Sabihin mo na!",sigaw ko ulit kay Jush.Nakayuko lang siya.
Huminga siya ng malalim.
"Ako ang dahilan ng pagka-aksidente mo.Ako ang minahal mo ng sobra.Ako ang taong nanakit sayo.Ako ang taong pilit mong binaon sa limot.Ako ang childhood bestfriend mo.At ako ang taong mahal mo hanggang ngayon.Hindi naman magbabago ang nadarama mo sa akin diba?!Ako pa rin to Shai ang pakakasalan mo bukas.Ako pa rin ang Jushtine na gagawin ang lahat para sayo.Let's forget the past.",sabi niya habang hinawakan ang magkabilang braso ko.
Nanginginig ako hindi ko napigilang tumulo ang aking mga luha.Hindi ko alam kung pano na absorb ng utak ko ang lahat ng nalaman at narinig ko lang ngayon.Ang sakit.Unti-unti ko ng naalala ang mga pinagsasabi niya.
"At alam nyo tong lahat?!Hinayaan nyo lang mangyari to?",patungkol ko sa mga kapatid ko.
Walang umimik.Yumuko lang sila.Ang sakit eh pati sila nagawa sakin to?!Akala ko ba ako ang kapatid nila pero ba't hinayaan nilang mangayri ang lahat ng ito without informing me?!Grabe.
"Let's forget the past?!Yes,let's forget it.Kasali na rin dun ang kasalang mangyayari bukas kasi eventually it will be part of my past.",sabi ko habang nakatingin sa mga mata niyang nanlaoke sa gulat.Umiiyak na rin siya.Tumalikod na ako.
"Shai please.",pahabol niyang sabi.
Lumingon ako.
"Another chances?!Tae naman Jush ilang beses ka na bang humingi sa akin niyan?!Thrice is enough.Lagi mo na lang akong sinasaktan.",sabi ko at tuluyan ng umalis ng kwarto.
Bumalik ako sa hotel room ko.Hindi ko mapigilang mapaupo sa sakit.Ang sakit sakit.Ba't ba lagi nalang ganito?!Lagi na lang akong nasasaktan ng dahil sa iisang tao?!Ba't ba siya pa rin ang minamahal ko?Nasan na yung pangako mo sa akin na hinding hindi mo na ako sasaktan?!Nasan na yun?! Di ko matanggap na para nya lang laruang pianglaruan ang puso ko.
Ang mga luhang lagi nalang tumutulo ng dahil sa kanya ay parang bahang ayaw tumila.
"Bakit mo to nagawa sa akin Jush? Bakit mo sinasaktan ng ganito?", mahina kong tanong sa sarili.
BINABASA MO ANG
30 Days To Win Her Heart Again (Very Slow Update)
Short Story--Until Book 2. SLOW UPDATE!!!! Bakit lagi tayong hanap ng hanap sa mga wala naman? Bakit lagi tayong lingon ng lingon sa mga bagay na nasa nakaraan na naman? Bakit ang hilig natin sa mga komplikadong bagay at di nalang makontento sa anong meron sa...