To Win His Heart AgainChapter 2- Angel of Past
Kristan's POV
"Hindi nyo ba siya nakita o napansin man lang?",pag aalala kong tanong sa mga staff ng hotel namin.
Oo,ngayon ang engagement namin sa wakas malaya ko na siyang mahalin niyan.Nang mabalitaan kong ikakasal na sila ni Jushtine noon ay eksaktong kaka 5th break up namin ni Shara.Akala ko nga rin pwede pang ma resolve at magbalikan pero mahirap talagang pilit ayusin ang mga bagay na hindi na maaayos pa .Nawala na kasi yung pinakamahalagang sangkap sa isang relasyon,yes we ran out of love.Yun yung pinakamahirap na part sa lahat yung wala ka nang magagawa dahil mismo mga puso na namin ang sumusuko.Pinag -aawayan namin ang mga simpleng bagay dahil nga wala ng spark kaya we decided to break up. Sa totoo lang may konting feelings pa naman ako para sa kanya pero hindi na kinaya ng puso ko ang sakit eh.Sakit na alam mong iba na ang hinahanap ng puso niya so I set her free. Nasa London ako ng matanggap ko ang balita tungkol kay Jushtine. Yung mga pari't madre na nagpalaki kay Shai ang nagsabi sakin yes may contact pa naman ako sa kanila.I really feel sorry for her. We're just the same laging naiiwan kaya naisip kong baka ito na ang pagkakataong makabawi sa kanya.For the past two years nasa tabi niya ako laging nakaalalay sa kanya. Laging handang alagaan siya. Ang dating nawalang feelings ko para sa kanya ay muling sumibol at sa pagkakataong ito mas malalim at matindi na. Gusto kong tuluyan na siyang makapag move on. Kaya laking tuwa ko nang pumayag siyang magpakasal kami sa pagkakataong ito di ko na sya hahayaang mawala pa. Hindi ako mapakali. Hindi man lang siya nagpaalam kung saan siya pupunta kaya ayun heto ako di mapinta ang mukha sa pag aalala.Biglang nag ring ang phone ko. Siya ang tumatawag sinagot ko agad.
"Nasan ka ngayon?",malumanay kong tanong.
"Nagpapahangin lang ako wag kang mag alala darating ako. Hindi ako malalate promise!",masigla niyang sabi ayy hindi pilit niya lang pala itong pinapasigla para di mag alala ang mga taong nasa paligid niya. Ang hirap kayang magkunwaring okay ka pero deep inside parang sasabog na sa sakit. Bilib na bilib ako sa kanya.
"Sige tumawag lang ako para ipaalam sayo kung bat wala ako dyan.",sabi niya.
"I love you.",sabi ko.
Natahimik siya.
"I need to hang up na.",sagot niya at binaba na ang phone.
"I love you too.",nasabi ko sa sarili ko. Mahirap ba talagang sambitin yun?Hindi naman yun tanong diba? Ah hindi,di lang pa talaga siya handa. At ayaw niyang magsinungaling sakin. Soon,masasabi niya rin ang mga katagang yun. Napabuntong hininga na lamang ako.
Shai's POV
Nakaupo ako sa swing nitong park kung saan lagi kaming tambay ni Jushtine.Pumunta ako dito para ibaon na sa limot ang lahat. Ngayon ang engagement day ko. Napaka unfair naman kasi para kay Kristan kung sa bawat pagsasama namin ay si Jush pa rin ang nasa puso't isip ko. Ayoko nang mabuhay sa nakaraan. Ayoko nang palagi akong hinuhunting nang konsensya ko. Gusto ko na lang mag move on yung pang forever na. Napabuntong hininga ako.
Kinuha ko yung phone ko at dinial ko ang number ni Kristan.
"Nasan ka ngayon?",tanong niya.
"Nagpapahangin lang ako wag kang mag alala darating ako. Hindi ako malalate promise.", pilit kong pinasigla ang boses ko. Ayokong mag alala siya sakin.
"Sige tumawag lang ako para ipaalam sayo kung nasaan ako.",paalam ko sa kanya.
"I love you.",sabi niya.
Natahimik ako. Sorry Kristan pero di pa ko handa para sagutin yan. Ayokong magsinungaling sa kanya. Masyado siyang mabait para gaguhin lang. At mas mabuti pang di ko sagutin para walang masaktan dahil ayoko ring gaguhin ang sarili ko.
"I need to hang up na.",sabi ko at binaba na ang phone.
Kinuha ko yung hair clip na lagi kong suot ito ang tanging alaala ni Jushtine na palagi kong dala. Tinitigan ko to. Naiiyak na naman ako. Biglang nahulog yung hair clip. May pumulot na isang batang babae. Mga nasa 7 yrs ang edad nito. Tinitigan niya at tumingin sa akin. Ngumiti siya.
"Mahal mo pa ba rin siya ate? Kahit higit dalawang taon na siyang wala? Ang swerte naman ni kuya Jushtine.",sabi niya habang nakatitig sa hinahawakan niyang hairclip. Di maipinta ang mukha ko sa mga pinagsasabi niya. Pilit kong tinatandaan kong may kilala ba akong bata o kahit nakita lamang 2 years ago. Pero wala talaga.
"Bata pano mo nalaman lahat yun?",nagtatakang tanong ko.
"Ang alin? Yung mahal mo si Kuya Jushtine? O yung plano mong kalimutan na siya at balak magpakasal sa taong di mo mahal dahil gusto mo nang makalimot nang tuluyan?",sagot niya at ngumiti.
Sino ba tong batang to bat andami niyang alam?
Umupo siya sa kabilang bakanteng swing.
"Aileen ang pangalan ko at ngayon lang tayo nagkita.",sabi niya at bubbly na ngumiti.
Ang creepy naman ng batang to! Katakot apo siguro ni Madam Auring!
"Ate Shaira.",tawag nya.
At kilala nya talaga ako.
"Gusto mo bang bumalik sa nakaraan? Pero may bawal kang gawin wag na wag mong babaguhin ang mga bagay bagay. May dapat kang malaman sa nakaraan.",sabi niya.
Sino ba talaga ang batang to?
Bumalik ulit sa nakaraan? Pwede ba yun? Pero walang dapat na baguhin? Kakayanin ko masilayan ko lang ulit si Jushtine gagawin ko ang lahat para makasama ulit siya.
"Anong dapat kong gawin?",tanong ko.
Tumayo siya at lumapit sakin.
"Sa ngalan ng pag ibig ay magbabalik ka sa nakaraan para masilayan at mabunyag ang katotohanan.", sabi niya habang hinihimas ang hairclip. Spell ata yun. At hinipan niya ito. She leans closer to me at nilagay ang hairclip sa buhok ko.
"Wag na wag mong kakalimutan ang rule. Wag babaguhin ang mga bagay bagay.", sabi niya at nag blow ulit.
Biglang humangin nang malakas. Nginitian niya ako. Napapikit ako nang lumakas pa ang ihip ng hangin.
Mga ilang segundo pa ang lumipas ay kumalma na ang hangin. Binukas ko ang mga mata ko at magtatanong pa sana sa bata nang sa pagbukas nito ay wala na siya. Hay! Napakadesperada ko na talaga para maniwala sa prank ng batang yun. Babalik na nga lang ako sa hotel. Tumayo na ako. Tumalikod na ako para makaalis.
"Shai~",tawag sakin. Nanlaki ang mga mata ko si Jushtine lang ang tumatawag sakin ng ganyan.
Humarap ako at bumungad sa aking harapan ang taong minsan nang nawala sakin. Nakangiti siya sakin. Kinurot ko ang sarili ko para mapatunayang hindi panaginip to. Aray! Hindi nga panaginip. Tumakbo ako papalapit sa kanya at yinapos siya ng yakap. Hinigpitan ko pa. Sa sobrang saya ko ay naiyak pa ako.
"Shai di ako makahinga. Chansing na yan ha.",pang aasar niya pero hindi ko to ininda. Niluwagan ko lang ng onti.
"I miss you.",yun lang ang nasabi ko.
"Wow kahapon lang kaya tayo nagkita miss agad? Oa ha.",asar niya ulit pero di ko pa rin ininda patuloy pa rin ako sa pagyakap sa kanya.
Dalawang taon akong nangulila sayo. Alam kong hiram na sandali lamang to na hindi na magbabago ang katotohanang wala ka na sa kasalukuyan pero mas pipiliin kong mas mahalin ka pa kahit mas sobra pa kong masaktan sa hinaharap.
Eh ayoko na ngang bumalik dun.
Pwede bang mabuhay na lang ako sa nakaraan at di na bumalik sa kasalakuyan?
BINABASA MO ANG
30 Days To Win Her Heart Again (Very Slow Update)
Short Story--Until Book 2. SLOW UPDATE!!!! Bakit lagi tayong hanap ng hanap sa mga wala naman? Bakit lagi tayong lingon ng lingon sa mga bagay na nasa nakaraan na naman? Bakit ang hilig natin sa mga komplikadong bagay at di nalang makontento sa anong meron sa...