To Win His Heart Again
Chapter 3-Statue
(Note:This span of time puro kay Seohyun ang POV)
"Huy baka matunaw naman ako nyan.",sabi nya.
Awtomatiko naman akong yumuko.Ishh.Kahiya naman nakita nya akong nakatitig sa kanya.
-__________-
"Tss.Para ka namang kandila nyan.",sagot ko naman sa kanya.
Kainis kasi. Pwede namang di nalang nya sabihin diba?Pwede namang sa isarili nya nalang?Ba't ba kasi sinasabi pa eh.Yan tuloy ang awkward na. -______- Bumalik nga pala ako sa panahong bago ang insidenteng nawalan ako ng alaala.Nung bago pa ko makita nang mga kapatid ko.
Nasa ilalim kami ng malaking puno sa ibabaw ng burol.Yun yung naging tambayan.Malapit lang naman to sa condo nila.Yep,ganun sila kayaman.
Ngumiti lang sya sabay kurot sa pisngi ko.
"Ang cute mo talaga.",sabi nya.
Buti na lang at madilim na kaya di halatang namumula ako.
Umayos sya ng pag upo yung nakatingin na rin sya sa malayo.
"Ang daming stars.",sabi nya.
Napangiti ako noong maalala ko yung tagpong sinagot ko sya.Meteor shower noon eh.
Wala akong imik.Nakatingin rin lang ako sa mga stars.Ang dami nga.
"Seohyun..bestfriend..",tawag nya sakin.Napalingon naman agad ako sa kanya.
Ngumiti muna sya.
"Salamat ah.Hindi mo ko iniwan.Kahit gaano kahirap akong i manage eh nandito ka pa rin.",sabi nya at isinandal ang ulo nya sa balikat ko.
Nakatitig ako sa kanya.Ipinikit nya ang mga mata nya.
(Now playing:Statue-girl version)
Parang huminto ang mundo ko nang bahagya.Hindi naman kita iniwan Yong.Ikaw nga yung nang iwan.Tinitigan ko lang yung mukha nya na para bang natatakot akong kumisap mata kasi baka mamaya maglaho sya.
Nagulat ako nang bigla syang magsalita.
"Sana ikaw nalang si Shinshye.Sana ikaw na lang.",sabi niya habang pikit pa rin yung mga mata nya.At kinuha nya yung kanang kamay ko at hinawakan.
Dati ang sakit sakit marinig ang mga katagang ito at gustong gusto ko pang bumilis ang takbo ng panahon para ma realize nyang ako yung babaeng karapatdapat sa kanya.
Pero iba na ngayon.Ngayon takot na takot akong tumakbo ang oras.Takot akong matapos ang lahat nang ito.Takot akong bumalik sa kasalukuyan.Takot akong mawala ulit sya sakin.
Biglang may pumatak na luha sa mata nya.Alam kong nasasaktan sya.Pero mas masakit nun eh mas grabe ang naidulot kong sakit sa kanya.
Hinawakan ko ang mukha nya gamit ang kaliwang kamay ko.Ipinahid ko ang luhang pumatak.
Tinitigan ko ulit sya.Para akong na estatwa.
Ang gwapo mo talaga.Matangos na ilong at mapupulang labi.Daig mo pa nga ako eh.Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at hinalikan ko sya.At di na kinaya ng mga mata ko at tumulo na rin yung mga luhang kanina pa gustong lumabas.
Pinakawalan ko na yung labi nya.Umupo na ako at pinunasan ang pisngi ko.At pilit na pinipigil ang pag agos nito.
"Sorry Yong masasaktan at masasaktan ka nang dahil sa akin.Sorry.",nasabi ko na lang.
Hinahaplos ko yung buhok nya.Habang hawak hawak pa rin ng isa kong kamay ang kamay nya.Natatakot akong pakawalan ito baka kasi sa sandaling pakawalan ko ito di ko na mahawakan pa ulit.
"Pero gagawa tayo nang mas magandang alaala."
Tama.
Mas magandang alaala.</3
~~
Kakayanin bang gumawa ni Seo ng mas magandang alaala kung hindi nya pwedeng ibahin ang mga pangyayari?Abangan.
BINABASA MO ANG
30 Days To Win Her Heart Again (Very Slow Update)
Historia Corta--Until Book 2. SLOW UPDATE!!!! Bakit lagi tayong hanap ng hanap sa mga wala naman? Bakit lagi tayong lingon ng lingon sa mga bagay na nasa nakaraan na naman? Bakit ang hilig natin sa mga komplikadong bagay at di nalang makontento sa anong meron sa...