30 Days To Win Her Heart Again
Chapter 3- Kristan:The Pasaway Prince Charming
Kristan's POV
So dahil nga gusto kong umiwas sa mga lecheng chismis na yan ay nakapag decide na ko na i-uwi siya sa condo ko. Sa likod kami ng campus dumaan para walang makakita. Sumakay na kami sa kotse ,alangan namang maglakad kami, ang bigat kaya niya.
Nasa loob na kami ng na kotse. Sa passengerseat ko siya pinuwesto. I-istart ko na sana ang engine nang biglang aksidente akong mapatingin sa mukha nung babae.Pero ano nakatitig na ako sa kanya ngayon.
She's too innocent and .. and.. cute.
No she's not cute!
She's beautiful! That kissable lips..na kahit dumudugo ay...
Napalunok ako ng wala sa oras. Inalog alog ko ang ulo ko. Ano ba tong naiisip ko? Tsk nakakahiya ka Kristan.
Kaya inistart ko na talaga ang engine baka kasi ano pang pumasok sa napaka pervert kong utak.Mga ilang minuto pa ay nasa condo ko na kami.Kinarga ko ulit siya.
Nakapasok na kami sa loob ng condo at nilapag ko na siya sa kama ko. Grabe kawawa naman talaga tong babaeng to. Ewan ko ba kung bakit ako naawa sa kanya. Eh hindi naman talaga ako ganito. Eh wala nga akong pakialam sa mundo ng iba di ba?! Ayy ewan ko gamutin ko na nga lang siya.
Kaya pumunta na ako sa drawer ko nasa first aid ko lahat ng gagamitin ko sa paglunas sa kanya.
"Ayan malinis ka na.Nalagyan ko na rin ng band aids lahat ng sugat mo." ,sabi ko kahit alam ko na tulog siya.
Nakuha ang atensyon ko ng hairclip na nasa palad nya pa rin. Siguro napakahalaga ng hairclip na yan kasi ito yung naging resulta mo sa pagtanggol ng bagay na yan.
Naranasan ko na rin yung pakiramdam na ayos lang kung ano pang mangyari sa akin basta mapagtanggol ko lang yung bagay na napakahalaga sakin. Siguro yun yung dahilan kung bakit ko sya tinulungan. Nakikita ko yung sarili ko sa kanya kanina.
Shaina's POV
Ang sakit ng katawan ko. Hindi ko naman maimulat yung mga mata ko. Ansakit. Kaya dahan dahan akong nagmulat. And Success.
Nasaan ba ako?Nasa ospital?Masyado naman sigurong maganda to para maging ospital. Kinapakapa ko yung sarili ko. Bakit parang ang gaan gaan sa feeling nitong suot ko.
Suot?Suot?Unform?!
"Waaaaaaaaahh!" ,sigaw ko.
At may biglang pumasok na lalaki sa kwarto. Napatingin ako sa kanya.
"Oh bat ka sumisigaw?!",sabi niya. Nakahubad sya ng pantaas. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi. Di pwede mangyari ang nasa isip ko. Hindi!
"Waaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh!! Ang PUURRIIIIIIII KO!!!!!", sigaw ko habang naka cover yung dalawang kamay ko sa katawan ko. Naiiyak na ako. Ang dumi dumi ko na. At ang mas malupit di ko sya kilala. Aissh. Ano na lang ang sasabihin ni Jushtine kapag nalaman nya to.
Nagcover lang siya ng tenga niya.
"Ano bang pinagsisigaw mo?Puri?Look tinulungan lang kita from the group of girls, remember? At di kita type." ,paalala niya sa akin.
At bigla nalang nag flashback lahat sakin. Oo nga may lalaking nag rescue sakin. Ang harsh naman nya sa harap harapan nyang pagsabi sakin na di nya ko type. Wala na nga talagang gentleman sa mundo.Pero yung suot ko! Yung suot ko!
"Eh pano?! Yung uniform ko?!" ,tanong ko.
"Ah don't worry!Nagtakip ako ng mata.As in wala akong nakita! At wala naman talaga akong makikita." , he said and made an evil smile.
Tss. Ang yabang talaga. Kundi lang talaga sya ang tumulong sakin kanina pa to nakatikim ng suntok ko.
"Talaga?" ,sabi ko. Paniniguro ko kasi di pa naman mapagkakatiwalaan ang mukha ng isang to.
"Ah oo. Ang puti mo pala!" ,sabi niya at tumawa.
Namula na ako.Namula sa galit!
"Ugggghhhh. Lagot ka sa akin bastos!" , aakma na sana akong lumakad ng biglang na out balance ako dahil na rin masakit pa rin yung katawan ko. Nakalimutan ko nga pa lang bugbog sarado ako kanina. Tsk.
"Oh di ba nga sugatan ka! At pervert?No I'm not a pervert its just you needed my help!" ,sabi niya at inakay niya ako.
"Oo na!" ,sabi ko pero pilit pa rin.
Pinaupo niya ko sa kama.
"Ah salamat nga pala." ,sabi ko. Kahit na napipilitan pa rin kasi nga kahit i-deny ko pa ng i-deny di pa rin mababago yung katotohanang sya yung nasa tabi ko ng kinaelangan ko ng tulong.
Tumango lang siya.
"Anong oras na ba?" ,tanong ko.
"It's 11 PM ." ,sabi niya.
Patay. Lagot ako nito!Sigurado akong nag- aalala na silang lahat sakin. Natataranta na ako sa ano ang uunahin kong gagawin ngayon.
"Don't worry na inform ko na sila. Sorry pinakelam ko yung phone mo." ,yun lang at naglakad sya papalabas.
"Wala bang pagkain dyan?" ,sabi ko na ikinatigil niya sa paglalakad.
"Ah eh ito na nga i-seserve ko na senyorita!" ,pang aasar niya sakin.
Sorry naman gutom kasi ako. Tss. At bisita naman ako ah kaya ayos lang magrequest paminsanminsan.
Kristan's POV
Ibang klase rin siya. Hindi ba uso ang salitang HIYA sa kanya?Napapailing na lang ako sa tuwing naaalala ko yung tagpo kanina.Akalain mo nagtitili. Eh ako naman tong nataranta ay pumunta agad dun. At sa gwapo kong to tinawag pa kong pervert! At may gana pa syang magrequest ng pagkain? Grabe.
At ngayon papunta na ako sa room ko para ibigay tong pagkain ng senyorita. At first time kong mapag-utusan. Sa tao pa talagang tinawag akong bastos. I can't believe this.
"Oh eto na po mahal na prinsesa!" ,sabi ko at nilagay na yung tray sa kama.
"Tsss." ,yun lang ang narinig ko sa kanya.
At kumain na siya.
Nabigla ako sa nakita ko.Kasi naman po parang bakulaw kung kumain tong babaeng to. Wala man lang hinhin.
"Isubo mo na lang kaya pati yung kutsara at tinidor" ,sabi ko.
"Pwede ba?Walang basagan ng trip!" ,sabi niya. At nagpatuloy siya sa pagkain.
Aba baka nakakalimutan nyang nasa pamamahay ko sya! Magpigil ka lang Kristan. Injured sya kaya di pwedeng saktan.Natapos din siya sa wakas. Kinuha ko na yung pinagkainan niya.
Napahinto ako nung biglang hinawakan niya yung kamay ko. Napatingin tuloy ako sa kanya. Ang awkward naman!l.Aissh kung makaasta naman ako parang first timer lang.
"Maraming salamat." ,sabi niya at ngumiti.
Yung ngiting alam mong totoong totoo. Nakakagaan dito sa loob.
"Ah okay lang yun." ,sabi ko.
"Ano nga pala pangalan mo?" ,tanong niya.
"Kristan." ,sabi ko habang nakatalikod.
"Kristan. Kristan. Sounds familiar." ,sabi niya.
Eh kasi nga naman ewan ko sayo bakit di mo ko kilala. Sikat kaya ako sa campus.
"Eh kasi.." ,nabitin ang sasabihin ko nang pagharap ko ay TULOG na po ang kausap ko.
Di naman siguro mahalaga kung makikilala mo ko. Nilapitan ko sya at inayos ang kumot. Napatitig ako sa maamo nyang mukha. Ang tahimik nyang tingnan. Malayong malayo sa babaeng napakaingay kanina. Tss. Pinipigilan kong matawa sa naaalala ko baka kasi magising ko pa sya.
Teka ano nga ba ang pangalan nya? Itatanong ko na lang bukas.
BINABASA MO ANG
30 Days To Win Her Heart Again (Very Slow Update)
Historia Corta--Until Book 2. SLOW UPDATE!!!! Bakit lagi tayong hanap ng hanap sa mga wala naman? Bakit lagi tayong lingon ng lingon sa mga bagay na nasa nakaraan na naman? Bakit ang hilig natin sa mga komplikadong bagay at di nalang makontento sa anong meron sa...