Dedicate ko sa baby ko :D salamat sa pag support :*
30 Days To Win Her Heart Again
Chapter 14- The Mission
Jushtine's POV
(Now Playing : I'd Rather)
~~I thought sometime alone
Was what we really needed
You said this time would hurt more than it helps
But I couldn't see that~~
Nakatingin ako sa kanya.Kailan kaya siya magigising.
"Ang sarap ata ng tulog mo ah! Siguro napagod ka sa kahihintay sakin.Sige lang matulog ka lang pero sana gumising ka din.Maghihintay ako. May sasabihin akong importante." , sabi ko sa kanya kahit di niya ako naririnig habang hawak ang mga kamay niya. Di ko mapigilang tumulo ang mga luha ko.Alam ko kasing kasalanan ko kahit di ko man sinasadya.
~~I thought it was the end
Of a beautiful story
And so I left the one I loved at home to be alone(alone)~~
Ilang araw na din siyang tulog.Nasa tabi niya lang ako buong magdamag. Ayokong mawala sa tabi niya.Ngayon pang napagtanto ko ng siya ang para sakin.
Nalulungkot ako sa tuwing iniisip ko ang mga panahong mahal na mahal ko yung maling babae habang siya pinapatay ko na pala sa sakit.
~~And I tried to find
Out if this one thing is true
That I'm nothing without you
I know better now
And I've had a change of heart~~
~Flashback in sequence~
~~I'd rather have bad times with you, than good times with someone else
I'd rather be beside you in a storm, than safe and warm by myself
I'd rather have hard times together, than to have it easy apart
I'd rather have the one who holds my heart~~
(First Year High)
"Uy Shai!Sandali lang. Hintayin mo naman ako." , sigaw ko habang ako naman kanda ugaga na sa pagbibitbit ng mga flowers, cards, chocolates at teddy bears na binigay sakin ng mga admirers ko. Valentines Day kasi ngayon.
Ba't ba bad trip na naman siya?! Tss. Valentines Day pa naman. Huminto siya. Sasabay na sana ako sa kanya ng humarang yung crush ko.
"Sige Shai una ka na." , sabi ko habang nakatingin ako sa crush ko. Tumalikod na kami sa kanya.
~~Hindi ko alam nasasakatan ko na pala siya.
(2nd Year High)
Nasa may stage na ako. Kakanta kasi ako ngayon eh. Ako ang vocalist ng banda na binuo ng club namin.Nakita ko siyang may banner pang dala. Nangiti ako. Supportive talaga niya.
Katatapos lang ng kanta namin. Naghiyawan ang mga tao. Mostly girls. Pababa na ako. Dinumog agad ako ng mga taong gustong mag pa picture.
"Bestfriend galing mo!", bati niya sakin. At niyakap ako.
"Pa picture naman Prince Charming Jushtine!" , chant nila.Kaya hindi ko nakausap pa si Shai.At hindi ko rin sinagot ang yakap niya.
BINABASA MO ANG
30 Days To Win Her Heart Again (Very Slow Update)
Historia Corta--Until Book 2. SLOW UPDATE!!!! Bakit lagi tayong hanap ng hanap sa mga wala naman? Bakit lagi tayong lingon ng lingon sa mga bagay na nasa nakaraan na naman? Bakit ang hilig natin sa mga komplikadong bagay at di nalang makontento sa anong meron sa...