Chapter 15

1K 30 6
                                    

30 Days To Win Her Heart Again

Chapter 15- New Begginings

Jushtine's POV

Nasa may simbahan kami ngayon.Nakalabas na siya sa ospital. Pero hindi pa rin ako maalala. Ang hirap nga eh. Pero dapat kayanin. Napatitig ako sa kanya. Napangiti. Narealize kong mahal ko na pala sya mula pa noon. Mas nauna pa nga sa kanya. Dahil dito sa mismong lugar ng una naming pagkikita ay minahal ko na sya.Ibabalik ko sa kanyang alaala kung sino at ano ako sa kanya.

Nagbuntong hininga muna ako.At umupo sa may batong hagdan. Dun sa harap ng mismong simbahan.

Habang siya nakatingin pa rin sa akin.

"Gusto mo kwentuhan kita?!" , tanong ko.

Nag nod lang siya pero nakatayo pa rin.

"Alam mo ba isang special place to para sa dalwang tao.As in dito, sa hagdang bato na to." , sabi ko.

"Talaga?!" , tanong niya.

"Oo, mga 10 years ago may batang babae nakaupo dito. Umiiyak.Sinisipon pa nga eh. Tapos lumapit naman tong batang lalaki tinanong niya kung bakit siya umiiyak. Sabi naman nung babae dahil daw wala siyang pamilya. Ito namang lalaki naawa at pinangakong siya na ang magiging pamilya niya. Kaya yun naging mag bestfriend sila." , kwento ko. Nangigiti ako habang nagkwekwento.

..At yun minahal niya ako at nasaktan ko siya..

Mga salitang gusto kong sabihin. Pero sa isipan ko nalang ibabaon.

Nakangiti siya sa akin.

"Ikaw yung lalaki sa kwento no?!" , sabi niya. Naalala niya na ba ako?! Ang bilis naman! Sana nga.

"Bakit mo nasabi?!" , tanong ko. Sana tama ang hinala ko.

Sana lang.

"Kasi naman feel na feel mo ang pagkwekwento." , at tumawa siya.

Akala ko naalala niya na ako.Na excite naman ako.

"Oo, at alam mo ba kung sino yung babae?" , sabi ko.

Nahinto ang pagtawa niya. At naging seryoso ang anyo niya.Tumitig siya sa akin.

"Sino?!" , tanong niya.

"Ikaw." , sagot ko.

..Ikaw na labis kong sinaktan..Ikaw na laging andyan para sa akin..Ikaw na kinalimutan ako..Ikaw na mahal ko..at mamahalin ko..

Napatigil siya.

"Sorry ha, wala talaga akong maalala eh.Sorry talaga." , sabi niya at yumuko.

Eh kasalanan ko naman yun eh. Naging manhid kasi ako. Hindi mo yun kasalanan.

Lumapit ako sa kanya.

"Edi magsimula ulit tayo. Hinid pa naman huli di ba?!" , sabi ko.

Nag smile siya.

"Hi , I'm Jushtine and you are?" , pakilala ko at inilahad ko ang kanang kamay ko.

"I'm Shaira. Nice meeting you." , sabi niya at tinanggap ang kamay ko.

Tumawa kaming dalawa. Para kasi kaming sira eh. Ayy ako pala. Pero kung ang pagiging parang may saltik ang paraan upang maalala at mahalin niya ulit ako. Ayos lang naman sa akin basta siya lang ang magiging rason ng pagkabaliw ko.

"Balik na tayo." , mungkahi niya.

Nag nod lang ako. At kinuha ang kanang kamay niya.

Nagulat siya sa ginawa ko.

"Ganyan talaga tayo nun. HHWW tayo. Close tayo as in close." , sabi ko at nag wink.

Nag smile lang siya. At naglakad na kami.

Sana , matagal ko na tong ginawa nung simula pa lang. Sana, minahal ko na siya nung mahal pa niya ako. Nung mga panahong ako pa ang sinisigaw ng puso niya. Pero nangyari na ang lahat.

Ang tangi ko na lang pinanghuhugutan ay ang paniniwala na ako pa rin ang mahal niya.

Na kahit nawala man yung alaala niya , ako pa rin ang tinitibok ng PUSO niya.

Shai's POV

Kasama ko ngayon ang taong di ko kilala or I must say di ko naaalala.Ang weird nga eh. Nagising ako mula sa mahabang pagkatulog na para bang may kulang. Hindi ko naman matandaan o alam man lang kung ano yun.

Pero nung natutulog pa ako. Nanaginip ako ng pagkahaba haba. Di ko tuloy maiwasang maalala ulit ang panaginip na yun.

(Her dream)

Nasan ba ako?! Ba't ang dilim?! Ba't ang lamig?! Kaya pinulupot ko ang sarili ko sa katawan ko.

"Hindi kita mahal!"

"Kahit kailan hinding hindi mangyayari yun!"

Ano ba tong naririnig ko?! Ba't parang nasasaktan ako?!

"Please wag mo na akong mahalin kasi ikaw lang ang masasaktan."

~Ayoko ng marinig pa. Please tumahimik ka na! Tinakpan ko ang tenga ko.Tumutulo na ang mga luha ko.

"Sorry, pero siya ang mahal ko!"

"Makikita mo rin yung para sayo."

~Ganun ko ba siya kamhal?! Sino ba siya?!

"Layuan mo na ako please."

"Please."

~Hindi ko na kaya! Masyado ng masakit kaya tumakbo ako. Tumakbo nang tumakbo.

(End of her dream)

Akala ko yun na yung pinaka weird sa lahat meron pa pala. Ba't kaya kapag nakikita ko tong taong kasama ko ay nasasaktan ako?! Eh hindi ko nga siya maalala eh.

Kaya nga nung nagising ako tapos niyakap niya ako parang gusto ko siyang sapakin! Ewan! Basta bad trip ako sa kanya.

Pero ngayon pumayag akong makipag holding hands sa kanya. Ewan ko ba kung bakit?! Parang gusto din ng sistema ko na ganito pero ba't ang sakit sa puso?! Ba't parang may nagsasabing ~ Ihinto ang gingagawa ko?~

Sino nga ba siya?! Ano ko ba siya?! Ano ba siya sa buhay ko?!Dapat ko pa nga ba siyang alalahanin?! At papasukin sa buhay ko?!

30 Days To Win Her Heart Again (Very Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon