Hi po updated na po ulit sya. Votes and Comments po sana. :)
To Win His Heart Again
Chapter 13-Cherry blossom
Huminga ako ng malalim. Nasa mismong harap na ako ng ospital na nakita ko sa nakaraan kung totoo mang nakabalik ako o nanaginip lang. Tinulungan ako ni Kris na hanapin ang ospital na to.
Kinakabahan ako kasi baka nandito talaga sya. Pero mas natatakot akong malaman na imagination ko lang ang lahat. Pinikit ko muna ang mga mata ko.
Kahit anumang mangyari dapat alamin ko ang katotohanan. Kahit masakit dapat ko pa rin malaman para naman mabuhay ako muli.
Pumasok na ako sa ospital. Pumunta kaagad ako sa information area. Mukha namang mga pinay ang dalawang nurses.
"Nurse may Jushtine Jung bang na admit dito two years ago?",tanong ko.
Nagkatinginan sila.
"Hi kababayan. Two years ago? Ah nagkabaha kasi dito kaya nawala na po yung mga records. Mahirap na po kasing i retrieve.",sabi nung isang nurse.
"Pero Ma'am may mga naiwan pa pong mga naligtas na records kaya nga lang po di kakayanin ng isang araw ang paghahanap. Pwede nyo pong iwan yung number at pangalan ng patient na hinahanap nyo. We will contact you asap.",sabi nung nasa harap ko talaga.
Nginitian ko sya at dali daling sinulat ang pangalan ni Jush at ang number ko.
"Thank you talaga. Please sana mahanap nyo agad.",sabi ko at naglakad na papalabas.
Posible bang nandito ka sa Japan, Jush? Pero bat di ka man lang nagparamdam sakin? Galit ka ba? Di ko naman yun sinasadya.
Nag vibrate yung phone ko kaya kinuha ko agad mula sa bulsa ko. Si Kristan. Sinagot ko naman agad.
"Hello.",mahinang sagot ko.
-Ayos ka lang ba dyan? Kumain ka ba?-
Halatang nag aalala talaga sya sakin. Nakokonsensya na naman ako. Lalo tuloy akong nalulungkot.
"Ayos lang naman. Kakain pa lang ako. Ang ganda pala talaga dito sa Japan.",pilit kong pinapasigla ang boses ko.
-Shai kung kelangan mo ko dyan tawagan mo lang ako at darating kaagad ako.-
Kris kasalanan ko bang pinaasa kita na pwedeng maging tayo? Kasalanan ko bang binigyan kita ng chance na iparamdam na mahal na mahal mo ko? Kasi kung kasalanan ko lahat parang ang hirap mapatawad ang sarili ko.
"Oo na alam ko naman eh. Sige na ibababa ko na to. Bye.",sabi ko at binaba na nga ang tawag.
Naglakadlakad muna ako bago bumalik sa hotel na tinutuluyan ko. Wala akong masyadong alam na lugar dito sa Japan kaya sa hotel lang ako buong magdamag kagabi. Di rin naman yun ang pinunta ko dito.
Hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa park na maraming puno ng cherry blossom. Ang ganda nga talaga ng lugar na to. Walang tao parang ako lang mag isa kaya tahimik.Dahil sa ganda ng nakikita ko ay may naalala na naman ako.
Flashback.
"Ano yang drawing mo?",tanong nya sakin. Tiningnan ko naman ang gwapong batang si Jushtine.
"Cherry blossom.",sabi ko.
"Gusto mo makakita nyan?",tanong nya sakin habang nakatitig pa rin sa drawing ko. Tumango naman ako.
"Sige magpatangkad ka muna at pag lumaki ka na makikita natin yang magkasama.",sabi nya at ngumiti ng nakakaloko.
Kung makaasar naman kasi. Ang tagal pa kaya nun tapos ang hirap magpatangkad!
"Oo ba!",sagot ko sa kanya.
Ngumiti sya.
"Sige pag nangyari yun libre ko pagpunta natin dun. Pero mahirap magpatangkad.",sabi nya at tumawa.
Tumayo ako at tumakbo papasok ng kumbento.
"Uy san ka pupunta?",tanong nya.
"Matutulog na ako para tumangkad agad ako!",sigaw ko ng di man lang sya nilingon. Ang narinig ko na lang ay ang tawa nya.
End of Flashback.
Jush diba sabi mo magkasama tayong makakakita ng cherry blossom. Tumangkad na ako at malaki na rin. Sisingilin na sana kita ngayon.
Di ko namalayan ang pag agos ng mga luha ko. Nakakalungkot pa lang tingnan ang Cherry blossom ng mag isa.
Click.Click.
Tunog ata ng camera kaya lumingon ako sa side ko. Di pala ako nag iisang nanonood ng cherry blossom. Natatakpan ang mukha nya ng camera nyang dala. Di ko alam kung bakit di ko kayang alisin ang tingin ko sa kanya.
Binaba nya na ang camera.
"Is there something wrong?",tanong nya.
Aishh. Bat ba kasi ako nakatitig eh. Napayuko ako kasi nga napahiya ako. Anong gagawin ko ngayon?
"There's nothing wrong.",sabi ko at tumingala sa kanya.
Nakatingin sya sakin. Nanlaki ang mga mata ko. Imagination. Gawa gawa ng utak ko nga lang ba ang nakikita ko ngayon? Bumagsak na naman ulit ang mga luha ko. Kahit may pagbabago man sa itsura nya alam kong sya itong nasa harap ko.
"Jush."
BINABASA MO ANG
30 Days To Win Her Heart Again (Very Slow Update)
Cerita Pendek--Until Book 2. SLOW UPDATE!!!! Bakit lagi tayong hanap ng hanap sa mga wala naman? Bakit lagi tayong lingon ng lingon sa mga bagay na nasa nakaraan na naman? Bakit ang hilig natin sa mga komplikadong bagay at di nalang makontento sa anong meron sa...