30 Days To Win Her Heart Again
Chapter 4- New friends
Shaina's POV
Lunch break na ngayon. Nagmamadali akong pumunta sa practice room kasi nandun si Jushtine. May dala kasi akong pagkain na niluto ko talaga. Oo nga niluto ko maaga akong nagising kaninang umaga!Gusto kong matikman niya yung masterpiece ko.Ayyyy hindi lang naman siya ang ginawan ko pati na rin si Kristan para pasasalamat ko na rin sa kanya.
Simula kasi nung tinulungan nya ako ay naghanap na ako ng clue kung sino sya. Di nya kasi sinabi sakin anh pangalan nya ng hinatid nya ako. Tatlong araw akong naghanap ng clues. Akala ko nga multo sya kasi kahit saan di ko sya makita. Kaya naman pala di ko sya makita kasi lagi syang nagcu-cut ng classes. Tsk. Narinig ko kasing nagchichismisan yung mga nanggulpi sakin tapos narinig ko yung pangalan nya. Nakapagtataka nga na parang iniiwasan ako ng mga nang-aaway sakin.
Ayun nakita ko na siya pero bat may kasama siya?At sino naman yung babaeng yun? Napahawak ako sa bandang puso ko. Huminga ako ng malalim.
"Ah bestfriend!" ,tawag ko.
"Uy Shai bat ka andito? Si Shara nga pala partner ko sa Quiz Bee." ,pagpapakilala niya na ang tingin ay nasa babaeng yun. At yung moment na parang wala ako yung eye to eye talaga.
Ako lang ang tinitigan nya ng ganun. Ako lang yung kaya nyang tingnan sa mata ng ganun katagal. Ako lang yung babaeng nakakausap nya ng basta basta. Pero anong nangyayari ngayon?
"Ahemm.. bestfriend andito pa ako!" ,pabiro kong sabi at siniko ko siya. Nag- oover-react lang ako. Tama. Wala lang yun.
Napakamot lang siya sa ulo niya.
"I'm Shara. Ikaw pala si Shaina!" , sabi niya habang inaabot yung kamay niya para makapag shakehands. Ngayon alam ko na kung sino sya. Namumukhaan ko na sya.
Campus Princess.
Maganda.
Mayaman.
Mabait.
Matalino.
At Sexy pa.
In short Perfect! Wala ka ng hahanapin pa! Malayong malayo talaga sa akin.
"Ah naikwento siguro ako nitong si Jushtine." ,sabi ko at inabot yung kamay niya.
Ngumiti lang sya. Pati pagngiti nya perfect din.Hayy.
"Oh bakit ka nga pala napasugod?", tanong ni Jush sakin.
Pasimple akong ngumiti. Para naman di mahalatang nalulungkot ako.
"Ah oo nga pala dinalhan kita ng lunch oh!" ,sabay abot ko sa kanya.
"Naku kakakain palang namin ni Shara eh.",sabi niya.
Yung feeling na worthless lang pala ang pinaghirapan mo.
"Ah ganun ba eh snacks niyo na lang." , suggest ko.
"May dala kasi ako para samin dalawa. Ako yung mismong nagluto." , at nag wink pa siya.
Ako rin naman ah! Pinaghirapn ko rin namn tong ginawa ko! Ang daya naman ata.
"Sige Shai una na kami kasi mag re-review pa kami!" ,sabi niya at ti-nap yung balikat ko.
Naiwan ako ditong nakatingin sa likod nilang papalayo sakin. Bat ba ako nasasaktan? Tss. Nakakainis ka Jushtine! Di mo man lang alam na nasasaktan mo na ako.
BINABASA MO ANG
30 Days To Win Her Heart Again (Very Slow Update)
Kısa Hikaye--Until Book 2. SLOW UPDATE!!!! Bakit lagi tayong hanap ng hanap sa mga wala naman? Bakit lagi tayong lingon ng lingon sa mga bagay na nasa nakaraan na naman? Bakit ang hilig natin sa mga komplikadong bagay at di nalang makontento sa anong meron sa...