To Win His Heart Again Chapter 16

72 5 0
                                    

Happy reading sa magbabasa nito.

To Win His Heart Again
Chapter 16- Looks familiar

"Hello babe."

Tumigil ang mundo ko at napapikit. Napapikit sa sobrang sakit. Tumutulo pa rin ang mga luha ko. Napaupo ako sa tabi kasi di na kaya ng nga tuhod ko.

Wala na sya. Ang mga kabanda nalang nya ang nandito. Kahit maingay dito ang tanging naririnig ko lang ay ang pagtibok ng puso ko. Sa bawat pagtibok ay sobrang bigat.

"Wanna drink?",tanong ng lalaking may inaabot saking shot. Kahit di naman ako maalam uminom kasi di naman ako mahilig ay di ko na tinanggihan. Inabot ko agad at nilagok.

Narinig ko syang tumatawa.

"Why are you laughing?",irita kong tanong na hinaharap sya kasi nakaupo na sya sa harap ko.

Tumambad sa akin ang mga mapupungaw na mga mata na titig na titig sakin.

"Nothing.",sagot nya habang nakangiti sakin.

"Kung ako pinagtitripan mo, alis! Shoo.",sabi ko. Nagiging tanga na ako. Pano ba naman maiintindihan ng isang to ang mga pinagsasabi ko?!

"Ouch naman. Ganto ka ba gumanti sa kabaitan ko?",medyo pasigaw nyang sagot habang nakangisi. Nanlaki ang aking mga mata. So, Pilipino rin sya.

"Sorry. Bad trip lang ako.",nahihiya kong sabi.

"Girls always come to me when they are lonely.",sabi nya sakin at kinindatan pa ako.

Tumayo na ako para makaalis kasi wala rin na naman ang pinunta ko dito.

"Hey!",sigaw nya sakin ng talikuran ko sya.

Napalingon ako.

"Thanks for the shot but I don't need your company. Di ko kelangan ng panakip-butas.",sabi ko at umalis na.

Yes. Di ko kelangan nang panibagong panakip-butas. Kristan is enough. Yung sakit na binigay ko sa kanya ay sobra sobra na. Di na kakayanin ng konsensya ko kung mandadamay pa ako ng iba pa.

Napasalampak ako sa ibabaw ng kama. Kahit anong gawin kong pikit ay di ko magawang makatulog. Kapag nakapikit ako ay paulit-ulit na nagpi-play yung eksena kanina. Humahapdi na rin ang mga mata ko dahil sa mga luhang tahimik na tumutulo.

May mahal na kaya sya? Paano nyang nagawang magmahal nang ganun-ganun na lang? Diba sabi nya mahal nya ako? Pero bakit ganito? Anong nangyari sa pagmamahal nya sakin? Bakit biglang naglaho?

Pero sa huli ang sarili ko pa rin ang tanging sinisisi ko. Dahil naman sakin kaya nagkaganto, diba? Kaya wala akong karapatang sumuko.

May mahal man syang iba o wala dapat mapatunayan ko sa kanya kung hanggang saan ang kayang gawin ng pagmamahal ko para sa kanya.

Di ko alam kung pano ako nakatulog pero nagising ako dahil sa matinding sikat ng araw kaya napabangon na rin ako.

Tiningnan ko agad ang phone ko para malaman yung oras. Bumungad sakin ang apat na messages. Isa galing kay Ate Sunny yung isa naman ay kay Ate Tiffany at ang isa ay kay Kristan. Nangangamusta sila. Pero di ko magawang makapagreply dahil sa panghuling text na hinigop lahat ng natitirang antok ko sa katawan. Galing sa nurse at may nakita raw syang medical records.

Dali-dali kong inayos ang sarili ko. Nagmamadali na rin akong nagpunta sa ospital. Lahat ng tanong na inipon ko sa loob ng dalawang taon ay masasagot ko na.

Huminga ako ng malalim bago pumasok sa ospital. Mabilis akong nakita ng Pilipinang nurse kaya may kinalkal agad sya sa mga folders. Di mapakali ang mga kamay ko. Nakakagat ko na yung mga kuko dahil sa kaba. Napahinto ako nang hawakan ng nurse ang isa kong kamay.

"Ma'am, we are not really allowed to do this. Pero alam ko pong mahalaga to para sa inyo na kaya nyo po talagang magpunta rito at sumugal. Di na naman po malalaman ng hospital head kasi akala nila nasira na lahat ng records dahil sa baha. Sana po makatulong yan.",sabi nya at matamis na ngumiti.

May mga tao talagang kahit di mo kilala ay kaya at handa kang tulungan. Sa mga taong ganun sana may kamay din na handang tumulong sa inyo kapag kayo naman ang nangailangan.

"Thank you so much.",sabi ko at naluluhang nginitian sya.

Inabot nya na sa akin ang folder. Nasa loob nito ang lahat tungkol kay Jushtine. Naghanap muna ako nang mauupuan. Nakahanap naman agad ako ng isang bench na medyo isolated sa labas ng ospital.

Nangininig man ang aking buong sistema ay sinimulan ko ng buksan ang folder.

Napahawak ako sa bibig ko para pigilan ang sariling mga hikbi. Nanunuyo na nga ang lalamunan ko sa pagpipigil.

14 months. 14 months syang na-coma. At wala ako sa tabi nya nang mga panahong yun. Ang mga sumunod na mga pahina ay tungkol naman sa senyales ng paggaling nya.

Akala ko wala nang magpapabigla pa sa akin pero nang mabasa ko ang huling pahina ay tumulo na ang mga luha ko.

"He lost his memory permanently.",napabasa ko ang na sa papel na hinahawakan ko.

Dun ko napagtanto lahat. Parang puzzle na unti-unting nabubuo ang lahat ng pangyayari.

Nakakatawa. Isang malaking katatawanan ang buhay ko. Nung una ako yung nakalimot ngayon naman sya. Sa susunod kaya sabay na kaming dalawa sa paglimot sa isa't isa?

Karma na yata tong nangyayari sakin. Pero wala naman akong ginawa dati. Nagmahal lang talaga ako. Siguro dahil mahal na mahal ko sya kaya nasaktan ako ng sobra ng malaman na nagsisinungaling sya sa akin. Ang bigat naman yata ng ganti sakin.

Napapikit ako. Naglalaro sa isip ko kung kakayanin ko bang gawin lahat kagaya ng ginawa nya dati para sakin? O mas mabuting umalis na lang ako kasi nakita ko na naman syang maayos at may sariling bagong buhay na?

Nang sa pagbuka ko ng aking mga mata ay bumungad sa akin ang nakatitig na mga mata ng lalaking kinalimutan ako. Yung lalaking kinababaliwan ko.

At sa simpleng pagtama ng aming mga mata ay alam na alam ko na ang gagawin ko. Nakagawa na kaagad ako ng desisyon. Di ko kayang sukuan ang taong to. Di ko sya kayang ipamigay.

Nakakatitig sya sa akin at may dala na namang camera. Napataas sya ng kilay kaya napakunot noo naman ako.

"You look familiar."

•••

How was it, guys?! Votes and comments ;)

30 Days To Win Her Heart Again (Very Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon