Chapter 7

1.1K 38 23
                                    

30 Days To Win Her Heart Again

Chapter 7 - Awkward

Jushtine's POV

Ano bang nangyayari kay Shai di na ko kinakausap masyado. Kung kakausapin niya naman ako ay tungkol lang sa school matters or choir practice , di na tulad ng dati. Ang weird eh. Di ako sanay.Mag-iisang buwan na rin yung pangyayari na tinawag ko siya tapos nilingon niya lang ako. Ewan ko ba kung ano ang nagawa kong mali. Nagtatampo ba sya dahil may girlfriend na ako? Wala namang nagbago at magbabago. Ako pa rin yung Jushtine na laging magtatanggol at masasandalan nya.

Nasa classroom kami ngayon. Di ba nga katabi ko siya.Kaya madali ko siyang makausap.

"Uy Shai!" , tawag ko sa kanya.

"Hmmm.." ,sabi niya.

"Sabay tayo maglunch.Sagot ko." ,aya ko sa kanya.

Sana naman pumayag siya.

Yung mukha niya parang lumiwanag. Alam ko kasing yun ang kahinaan niya. Libre ang kahinaan niya.Pero bigla itong nawala.

"Ah wag na! Si Shara nalang ang isama mo.Siya naman ang girlfriend mo di ba?!" , sabi niya habang naliligpit ng mga gamit niya.

"Nagseselos ka ba?" ,tukso ko sa kanya para naman mawala yung awkwardness sa pagitan namin.

"Bakit naman ako magseselos? Di ba nga former bestfriend mo lang ako?!At isa pa di naman tayo para magselos." ,sabi niya.

Former bestfriend? Ano naman ibig sabihin niya nun.

"Ano ibig-" , napatigil ako nung makita kung umalis na siya kasama yung Kristan ba yun.

"Wait." ,sigaw ko.Pero wala na nakaalis na sila.

"Babe tara na!" ,yaya ni Shara. Hindi ko namalayang nakapasok pala siya sa room namin.

"Sige babe." ,sabi ko.

Naglalakad na kami sa hallway. Lahat nga siguro nakatingin samin. Nagbubulungan meron ding kinikilig. Eh kasi nga naman Campus Royalties In a Relationship nga daw kami. Wala naman talaga sa plano namin na i-public yung amin pero wala na akong nagawa nang istinatust nya sa facebook na kami na.

Yun nakaraos din sa mga mata ng mga tao. Ngayon alam na alam ko na ang nararamdaman ni Shai sa tuwing magkasama kami at pinagtitinginan ng mga tao. Nasa canteen na kami. Hinahanap ng mag mata ko si Shai. Gusto ko talaga maging maliwanag ang lahat samin.

Shara's POV

Alam kong masyado akong maswerte na maging first girlfriend nitong Jushtine babe ko. Kaya nga mag-iingat na ko this time. Hindi na talga ako magkakmali. Ayoko nanag maulit muli yung nangyari dati samin ng taong una kong minahal.Ang taong nasaktan ko. Ang taong hanggang ngayon nasa puso ko pa rin.

Erase.Erase.

Past is past!MayJushtine na ako.

Nasa canteen na kami ngayon.Nakaupo at magkaharap.

"Babe anong naisip mo?" ,tanong ko. Pra kasing matamlay siya.

"Si Shai kasi babe eh." ,sabi niya

Ayyy suss!Ang bestfriend niya lang pala!Akala ko kung ano na.

"Oh ano naman ang kay Shai?",tanong ko.

"Kasi naman ang weird niya. Hindi niya na ako pinapansin.",sabi niya.

"Ay sus!Baka busy lang siya!",sabi ko.

30 Days To Win Her Heart Again (Very Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon