Sa nagtataka po.Yung hindi po naka follow sa akin yung prologue po nitong book two ay hindi visble para sa inyo.Kasi nga po sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang pong nag automatic private mode.Sorry po talaga.
To Win His Heart Again
Chapter 1-Letting go.Moving on.
Nakasakay na ako sa bus papuntang Seoul.Papauwi na ako galing sa Jeju.Dito ko talaga cinecelebrate ang death anniversary niya.Pero kahit dalawang taon na ang nakakalipas at wala na siya.Buhay na buhay pa rin siya dito sa puso ko.Nakatingin ako sa bakanteng seat na katabi ko lang.Pinasadya ko talaga.Para naman may seat si Jushtine.Hindi ko tuloy mapigilang maalala siya.Lalo na yung pangako niya noon sa akin habang papauwi na kami ng Seoul.
Flashback:
"Nagustuhan mo ba dito?",tanong niya habang nakatingin sa mga mata ko.
"Oo,syempre gustong-gusto ko ang mga views dito.Ang ganda ganda talaga dito.Lalo na yung dagat.Lahat lahat!Sobrang ganda.",masayang sabi ko habang pumapalakpak.
Natawa siya.
"Bakit?",nagtatakang tanong ko.Para kasi siyang ewan.Engot talaga.
"Eh para ka kasing bata.At dahil nagustuhan mo dito taon-taon tayong pupunta dito ha.",nakangiting sabi niya.
Ngumiti naman ako.Yehey!Taon taon daw oh.At yun umandar na ang bus.
End of Flashback.
Oo,taon taon nga akong nagbabalik dito Jush nang mag-isa.Napatingtin ako sa hairclip ko,yung hairclip na binigay niya sa akin nung highschool pa kami.Hinawakan ko ito ng maigi.
"Gusto mo bang kwentuhan kita Jush?",nanginginig kong sabi.
"Ganun pa rin naman dito.Maganda pa rin.Sa katunayan nga eh lalo pang gumaganda.Masaya pa rin naman ako.Lalong lalo na kapag nakikita ko yung dagat.Sobrang ganda at saya.Ang saya saya ko."
Bigla akong natigilan.Hindi ko nakayang pigilan pa ang mga luhang kanina pang gustong gustong bumagsak.
"Sa totoo lang Jush hindi ako masaya.Ang hirap magkunwari araw araw na ayos lang ako.Na masaya ako.Na kaya ko.Dahil ang totoo sa araw araw na binigay ng Diyos,ikaw pa rin ang nandito.Ikaw pa rin ang sinisigaw nito.At sa araw araw na yun ganun din ang pagluluksa ko.",sabi ko habang tinuturo ang dibdib ko at umiiyak.
May naglahad sa akin ng panyo.Napangiti ako sa burdang nandun sa mismong panyo.Inangat ko ang ulo ko.
Nginitian ko siya at inabot ang panyo.Umupo siya sa tabi ko.
"How's your trip?",tanong niya.
"Ba't ka andito?",tanong ko rin.
"Nag enjoy ka ba?",tanong niya ulit.
Wow.Sige nagkakaintindihan tayo 'dre.-__________-
"Oo,naman ang ganda kaya dito!",sabi ko habang pinapasigla ang aura ko.
Tumitig siya sa akin.
"Ganun ba kahirap?Ganun ba kasakit?!",tanong niya.
Hindi ako nakasagot.
Nagbuntong hiniga siya.At pilit na ngumiti.
"Tinatanong mo ako kung ba't ako nandito?Sinisigurado ko lang na hindi ka susunod kay Jushtine.",sabi niya.
Wow ha.I-assume ba namang magpapakamatay ako?!T______T Pero naisip ko na dati yan.Pero na realize kong makapaghihintay si Jush dun at hindi niya magugustuhan ang maaari kong gawin.Marami pang nagmamahal sa akin at ayokong sila naman ang malagay sa sitwasyon ko ngayon.Ayokong masaktan sila tulad ng nararamdaman ko ngayon.
"So sinusundan mo lang ako all these time?",tanong ko.
Tumango lang siya.
"Tss.Eh ba't di mo ako sinabihan o nilapitan man lang?",sabi ko.
Eh para kasi siyang sirang sinusundan lang ako.Tss.Para tuloy akong wanted na hinahanap at sinusundan ng FBI.
"Eh ayokong istorbohin ka.Diba nga sabi ko sayo na bibigyan kita ng pagkakataong bisitahin at sariwain ang mga alaala nyo?!Ito yun.",sabi niya habang nakatitig sa akin.
Ba't ba ang bait bait mo?!Ba't ba mahal na mahal mo ako?!Lagi kang nandito pag kailangan ko ng karamay mula noon hanggang ngayon.Lalo tuloy akong nakokonsensya dahil di ko kayang panindigan at tumbasan ang pagmamahal mo.Sorry,Kristan.
Ngumiti ako.
"Salamat.Maraming Salamat.",sabi ko at niyakap ko siya.
"Handa ka na ba sa pagbabalik natin sa 'Pinas?Malaking pagbabago ang haharapin mo.",sabi niya at bumitiw na sa pagkakayakap.
Tumango ako.
"Really?",paniniguro niya.
"Yes,I'm ready to take chances.I'm ready to let go.I'm ready to move on.I'm ready to open my heart once again.And I'm ready to be your fiancé.",sabi ko habang nakatitig sa mga mata niya.
"I love you Shai.So much.",sabi niya at hinalikan ako sa noo.
Biglang bumagsak ang mga luha ko.
Sorry,Jush.I need to move on.I need to set you free.But you'll always stay here inside my heart.
I really love you Jush,but I need to say Goodbye.I will miss you.
Siguro sa ibang pagkakataon at panahon magiging happy ending ang love story natin.Siguro nga.
BINABASA MO ANG
30 Days To Win Her Heart Again (Very Slow Update)
Storie brevi--Until Book 2. SLOW UPDATE!!!! Bakit lagi tayong hanap ng hanap sa mga wala naman? Bakit lagi tayong lingon ng lingon sa mga bagay na nasa nakaraan na naman? Bakit ang hilig natin sa mga komplikadong bagay at di nalang makontento sa anong meron sa...