Chapter 11

1K 28 5
                                    

30 Days To Win Her Heart Again

Chapter 11- Reunited

Shai’s POV

Ang bilis ng panahon.Parang kailan lang naging  isang  4th year highschool student ako. Ang daming mga pagbabago.  Lahat ay hindi naging permanente.

“Nakita mo ba siya?” ,tanong ko sa lalaking kaibigan niya. Tiyak akong nandito siya.

“Nasa loob. Umiinom na naman.” , sabi niya habang nakatingin sakin. Siguro iniisip niyang tanga ako dahil halos araw araw na akong pumupunta dito para lang sunduin siya.

Pumasok na ako sa loob. As usual ganito pa rin ang itsura nito. Madilim, maingay , yung lugar na di mo mahahanap ang salitang peace.

Yun nakita ko rin siya. Nasa may sulok siya. May kausap na babae at lalaki. Tsk,tsk.  Alam ko na ang magiging kasunod na eksena nito kaya nilapitan ko na siya.

“Please, bumalik ka na sakin..” , sabi niya habang hinihila yung kamay ng babae.

“Pre nakakabastos ka na ah!” , sabi nung lalaki na parang bf nung babae at tinulak siya.

Pumagitna ako kaagad.

“Kuya ,sorry po .” ,sabi ko at nag bow.

Nabigla yung expression ng mga mukha nila.

“Pagsabihan mo yang boyfriend mo ha! Nakakalalaki eh!” ,sabi niya at umalis na sila.

Habang siya nakayuko lang.Hinila ko siya papuntang labas.

“Ano ba!Bitawan mo nga ako.” ,sabi niya habang hinihila ko siya.Mas malakas ako ngayon kasi lasing na siya.

Tyempo namang walang masyadong  taong nagdaraan sa may labas dahil madaling araw na ngayon.

Nakalabas na kami. Binawi niya yung kamay niya.

“A-ano bang problema mo?!!” , sabi niya sa akin. Nakatingin ako sa kanya. Ibang iba na siya ngayon. Ang dating  seryoso, mabait at may respeto sa sarili ay naging pabaya na ngayon.Hindi ko nga siya kilala eh. Nagbago siya ng sobra sobra.

“Problema ko? IKAW! Ikaw yung problema ko!” ,sabi ko. Naiirita na ako sa kanya.

Nag smirk siya.

Eh sinabi ko ba syong problemahin mo ko?!” ,sagot niya.

“Alam mo napakakitid ng utak mo! Kita mo na ngang iniwan ka na,siya pa rin mahal mo?!Ano ka ba nagmamahal o tanga?!”,tanong ko sa kanya.

Nag iba yung itsura niya naging seryoso.

“Mahal ko siya.Kung tanga man ang tawag sa taong labis magmahal?!Edi tanga ako!Ang tanga tanga ko na minahal ko siya ng sobra.Ako na ang tanga dahil nagpagamit ako sa kanya!” ,sabi niya habang tumtulo ang mga luha niya at napaupo na lang.

Ang inis ko ay napalitan ng awa at lungkot. Eh ba’t kasi siya pa . Andito naman ako para saluhin ka. Ang sakit makita yung mahal ko binabasura lang ng iba. Yung taong minmahal ko ng lihim ay nasasaktan araw araw dahil sa babaeng di naman karapat dapat sa pagmamahal niya.

Niyakap ko siya. Iyak siya ng iyak hanggang sa makatulog.

Nakatingin ako sa malungkot niyang mukha na nakapwesto sa balikat ko.

“Ba’t kasi siya pa?! Eh andito naman ako diba?! Pwede naman ako na lang mahalin mo para di ka na masaktan! Kahit alam kong sa huli ako pa rin yung kawawa.” , sabi ko at tumulo na rin ang mga luha.

30 Days To Win Her Heart Again (Very Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon