KABANATA 3: Nervous

49 8 0
                                    

"Goodmorning!" bati ko kay Peter habang nanunuod siya sa T.V.

"Sorry late ako nagising mag luluto na ako."

"I already cooked breakfast kumain kana diyan."


Napatingin ako sa mesa na may nakahanda na nga na mga pagkain. Ganito na pala ang mga amo ngayon? Ipinagluluto nila yung katulong? Seryoso ba to?



"Nag sawa kana siguro sa luto ko."


Naupo ako sa mesa para kumain masarap din pala siyang magluto i wonder, ano pa kaya ang kayang gawin ng lalake na to? Bukod sa pagpatay ng tao at pag susungit?


"Siya nga pala lilinisin ko ang pool mamaya ok lang ba kung mag swimming ako dun mamaya?"

"Napalinis ko na yun kahapon pa," simple niyang sagot sakin.

"Ahhh so pwede na ako mag swimming mamaya?" sabi ko habang ngiting ngiti sa kaniya.


"NO!" pa sigaw niyang sagot sakin.


"B..Bakit naman? Wala naman akong gagawin mamaya pagtapos ko ng gawain dito sa bahay " nakanguso kong bulong habang hinihiwa ang karne sa plato ko.


"May bantay duon na lalake na nag lilibot sa bahay,  seryoso niyang sabi.

"Ano naman?"


"I SAID NO," pag ulit niya. Hindi nako nakipagtalo at nag hugas nalang ako ng pinggan Matapos kong kumain.

"Mauuna nako sa pool sumunod ka agad," seryoso niyang sabi sa akin. Napangiti nalang ako habang nag huhugas dahil sa sinabi niya, ayaw pa niya akong payagan kanina pero ngayon sasamahan niya ko kahit mainit ang ulo niya.

Nagmadali akong umakyat sa kwarto para mag mag palit ng damit, pero wala naman akong swimsuit kaya nag suot nalang ako ng white na fitted sando tska fitted na short.

Malayo palang ay kita ko na siyang naka upo sa tapat ng pool napatingin siya sakin nung nasa harap na niya ko.



"Sana nag t-shirt ka nalang!" Iritableng sabi ni Peter sakin at saka siya nag iwas ng tingin.


"Kailan mo balak hubarin yang mask mo? Di ka naman pwede mag swimming ng naka ganyan."


"Hindi ako mag s-swimming," sabi niya at Tumaas ang kilay ko sa kanya.

"So? ba't ka nandito?"

"I'm here to watch you," sagot niya.

"kailangan ba yun?"


Tumango siya sakin habang sa iba nakatingin. "Yes." Sagot pa niya.


"Ok," simple kong sagot sa kaniya at saka ako dahan dahang bumaba sa pool medyo malamig din ang tubig.


Na aalala ko noon kung pano ako tinuruan ni Daddy lumangoy. Siguro kung buhay parin sila ngayon wala ako sa bahay ng lalakeng ito.


Pero ngayon kailangan ko ng mabuhay sa katotohanan na mag isa nalang ako dito sa mundo na kahit yung natitira kong ka dugo ay ayaw na rin sakin. Yung desisyon ko na sumama sa isang lalake na hindi ko kilala, yung lalake na nasaksihan ko kung pano siya pumatay ng tao ay pinagkakatiwalaan ko na ngayon.


Hindi ko alam kung tama ba itong pinag-gagawa ko sa buhay ko pero wala naman na din mawawala sakin.
Pinag masdan ko si Peter na mariin ang titig sakin pero agad din siyang nag iwas ng tingin ng mapansin niya akong nakatingin din.

Lumangoy lang ako hanggang sa mag sawa ako at mapagod. Pero bigla akong naka ramdam ng paninigas ng binti ko at hindi na ako makagalaw.



"P...Peter!" sigaw ko sa pangalan niya.

The Beast Under The Rain COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon