"Ayos ka lang ba Bella? Kanina kapa tulala diyan kinakausap ka ng costumer hindi mo pinapansin mukhang malalamim ata ang iniisip mo ah," sabi ni Zel sakin na nagpabalik sa katinuan ko.
"Wala Zel ayos lang ako."
Ngumiti ako sa kaniya at iniwasan ang mapag duda niyang tingin sakin.
"Baka bukas pa si Tita mag punta dito ewan ko ba anong pinaggagawa nun sa buhay niya."
Nag abot ako ng drinks sa costumer dahil kulang kami sa waitress at iilan lang ang pumasok ngayong araw.
Dalawang araw na din ang lumipas mula ng huli kaming magkita ni Peter. Iniisip ko nalang na abala siya sa trabaho at kailangan niya muna ng panahon para mag isip. Itinuon ko nalang ang pansin ko sa pag t- trabaho dito sa bar at sa pag aaral ko, masyado na din kasi akong na s stress sa kakaisip sa kaniya at madalas sumasakit ang ulo ko.
"Siya nga pala Bebs napanuod ko yung jowa mo kanina sa T.V ah! hindi ko alam na ganun pala talaga siya kayaman at kilala. Ang sabi may party daw na gaganapin sa isang resort at puro mamayaman ang bisita meron din na mga artista na pupunta, may isususot kana ba dun? Kung wala pa hayaan mo ako na mag-"
"Hindi ako imbitado Zel, pag putol ko sa sinasabi niya.
Nanlaki ang mata niya at malungkot na lumapit sakin."Hala Bakit hindi? Boyfriend mo yun girl tas di ka invited?" sabi niya at parang kinurot ang puso ko at patuloy na pinapasok sa isip ko na baka nga yun ang dahilan kaya abala siya.
"Hindi ako bagay dun dahil para lang yun sa mayayaman tsaka ayoko din mag punta sa mga ganoong party, baka mag mukha lang akong basura."
"Hayyy yan ang problema kapag yayamanin ang jowa," bulong niya at bumuntong hininga nalang.
Hindi ko alam kung kaya ko pa bang intindihin si Peter, hindi ko alam kung sarili ko ba ang dapat kung sisishin dahil nasasaktan ako ngayon. Ako ang pumili na mahalin ang katulad niya kaya kailangan ko din na tanggapin sa sarili ko kung gaano ka layo ng agwat namin sa isat isa Na Langit siya at lupa lang ako.
Mag hapon kong pinagod ang sarili ko sa trabaho at sa pag aaral At alas neube na ng gabi ng maisipan kong mag ayos at umuwi. Binagsak ko ang katawan ko sa higaan at Sinilip ko ang phone ko para tignan kung may message ba galing kay Peter pero kahit isa wala. Ipinikit ko ang mata ko at pinilit na makatulog para kahit saglit ay maipahinga ko ang isip ko at puso na pagod na pagod na sa kakaisip sa kaniya sa mag hapon.
Kinabukasan ay maaga akong nagising para pumasok sa school. Sa gate palang ay kita ko na ang mga nag uumupukan na mga estudyante at parang may tinitignan sila at Lumapit naman ako para tignan kung sino yun.
"Hi Isabela!" bunga na sabi ni Patricia at kumaway pa sakin.
Nakangiti siya habang nakasandal sa pula niyang kotse.
Nakalugay ang itim niyang buhok at suot ang itim na blazer na terno ng slacks niya. Parang manghang mangha ang mga tao sa ganda niya pero sa isip-isip ko lang ay kung alam lang nila ang ugali nito Na kung gaano siya kaganda ay ganun din kasama ang ugali niya."Anong ginagawa mo dito?" seryoso kong tanong sa kaniya.
Ngumiti siya sakin at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. "Wala ka parin pinagbago napaka cheap mo paring tignan," aniya at ngumisi pa sakin.
"Ikaw din wala ka parin pinagbago, hindi ka parin ba natuturuan ng Mommy mo ng magandang asal?" tanong ko sa kaniya at biglang tumalim ang tingin niya sakin
BINABASA MO ANG
The Beast Under The Rain COMPLETED
Romance"Because of love we learn to do things we can't do." Dinanas ni Isabela Cassandra Mortel ang lahat ng hirap sa buhay mula ng mamatay ang kaniyang magulang. Dahil Ipinagdamot sa kaniya ng kanyang Auntie ang mga karapatan niya ngunit sa pagtatagpo nil...