Since we came here. I didn't think about anything else but to give Aiden what he wanted. Natatakot ako sa totoo lang pero nangingibabaw sakin ang awa sa anak ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko o kung ano ang sasabihin ko kay Peter. Hindi ko alam kung paano ko sisimulang ipag tapat sa kaniya ang lahat lahat, Na nag sinungaling ako naging makasarili ako at pinangunahan ako ng galit sa kaniya.
"Mom you look so beautiful!" puri ng anak ko habang nakangiti sakin.
"Sus nang uto pa. Hindi mo naman pwedeng sabihin na panget ako dahil sakin ka nagmana."
"I think kay Daddy ako nag mana!" bulong niya at napakunot naman ang noo ko.
Bumaling ako sa harap ng salamin at pinagmasdan ang suot kong White fitted dress na backless at kumikinang ang tela. Habang si Aiden naman ay suot ang kaniyang maroon tuxedo.
"Mommy mag Taxi nalang po sana tayo para di kana mag drive," malambing na sabi ni Aiden habang papasok kami sa itim kong kotse.
"Itatapon ko nalang itong kotse natin kung mag ta taxi tayo," biro ko at napanguso naman siya sakin.
Habang nag d drive ako papunta sa hotel kung saan gaganapin ang party ng presidente ng kompanya namin ay tahimik lang si Aiden at tila may kung anong iniisip.
"Aiden what are you thinking?" tanong ko.
"Iniisip ko po kung makikita ba natin si Daddy doon sa party," seryoso niya sagot habang nakatingin sa bintana.
Hindi ko siya sinagot at nag patuloy lang ako sa pag d-drive. Wala na akong maisagot sa kaniya dahil sa daming beses na niyang nag tanong sakin at paulit ulit nalang ang mga palusot ko.
"We're here anak," sabi ko at pinag buksan ko siya ng pinto
Seryoso ang mukha ni Aiden habang naglalakad kami sa red carpet at pinipicturan ng mga photographer. Napaka raming bisita at halos lahat ay mayayaman at matataas na tao.
"ARCHITECT MORTEL!" tawag sakin ng ni Vice president.
Nakangiti akong lumapit sa kaniya habang mahigpit na hawak ang kamay ng anak ko.
"I'm glad you're here!" inabot niya ang kamay niya at tinanggap ko naman yun.
"Goodevening Mrs. Cruz this is is my son, his name is Aiden!" masaya kong sabi sa kaniya.
Nanlaki ang mata niya ng pinagmasdan ang anak ko na walang reaksyon ang mukha at palibot libot lang ng tingin.
"Napaka gwapong bata naman niyan, siguradong gwapo din ang tatay!" nakangisi niyang sabi.
Pilit akong ngumiti at nag iwas nalang ng tingin dahil baka mag tanong pa siya sakin tungkol sa tatay ng anak ko.
"Ms. Mortel Akala ko di ka talaga pupunta e," masayang sabi ni Dimitri sakin at saka bumaling kay Aiden at nakipag apir.
"Gwapo mo Aiden ah! Mukhang na lamangan mo ko ng isang paligo ngayon!" sabi niya at humalakhak
"Tito Dim mas gwapo po talaga ako sayo," pagyayabang na sabi niya.
Hinayaan ko sila na mag kwentuhan at mag lokohan habang ako ay tulala sa iniinom kong wine At Nang mag simula na ang party ay umakyat na sa stage ang presidente namin at nag salita para magpasalamat sa mga dumalo.
"Gusto ko din pasalamatan ang aming head of Architectural design dahil sa pag dalo niya dito. Architect Mortel salamat sa araw- araw na pag papaganda ng umaga ko!" aiya at nagtawanan naman ang mga bisita habang naka tingin sakin.
BINABASA MO ANG
The Beast Under The Rain COMPLETED
Romance"Because of love we learn to do things we can't do." Dinanas ni Isabela Cassandra Mortel ang lahat ng hirap sa buhay mula ng mamatay ang kaniyang magulang. Dahil Ipinagdamot sa kaniya ng kanyang Auntie ang mga karapatan niya ngunit sa pagtatagpo nil...