"Don't move i'll get your clothes," sabi niya at Tumayo siya na tanging boxer lang ang suot.
Kumuha siya cabinet ng T- shirt at saka ipinasuot sakin. Seryoso ang mukha niya habang binibihisan niya ako at nang matapos ay Umupo na siya sa tabi ko at sinandal ang ulo niya sa balikat ko.
"Kailan ka uuwi?" tanong ko at napatianod siya at masama na ang tingin sakin.
"Papauwiin mo parin ako?" tanong niya habang nakakunot ang noo.
"At bakit hindi?"
"You said you love me! Ganun nalang yun?" aniya.
Grabe para namang pinagsamantalahan ko siya?
"Oo sinabi ko nga yun pero wala naman akong sinabi na dito kana tumira."
"We make love already Isabela kaya hindi na ako aalis dito. We stayed together and live together."
"Hindi tayo mag asawa para tumira sa iisang bahay Peter," palusot ko at inirapan ko siya.
Para siyang biglang naging halimaw at napakatalim na ng titig sakin.
"Tumira na tayo noon pa sa iisang bahay at wala ka ng magagawa dahil nakatali kana sakin mula ngayon."
Nababaliw na siya. Ganyan din kaya siya sa babae na dinala niya noon sa kwarto niya?
"Bakit hindi yung babae na dinala mo dati sa kwarto mo ang kulitin mo ha? Kayo nalang ang magsama tutal ginawa niyi narin naman yung ganito," sabi ko na parang bata at ngumisi naman sakin si Peter.
Yumakap siya sa bewang ko at hinalikan ako sa buhok.
"I was just playing that time at gusto ko lang malaman mo that no matter what I do, ikaw lang ang gugustuhin ko."
"Wag mo paglaruan ang nararamdaman ko Peter," sagot ko sa kanya, Hinawakan niya ako sa pisngi ko at hinarap sa kaniya.
"I said i love you and its true, hindi ako nagbibiro pag dating sa salita na yan Isabela."
Humiga siya at hinila niya din ako pahiga. Pinag unan niya ako sa braso niya at Saka niya idinagan ang isa niyang binti sakin.
"You dont know how you made me miserable living in that fucking house. Time after time I see you in every corner and then you suddenly disappear. Ayoko ng mabuhay sa mga alaala mo Hindi ko na hahayaang malayo ka ulit sakin," matigas niyang sabi.
"Ikaw ang nag paalis sakin Peter-"
"At may dahilan ako kung bakit ko yun ginawa."
Umupo ako at humarap sa kanya. I think ito na ang panahon para sabihin niya sakin ang lahat.
"Anong dahilan? Sabihin mo sakin kung bakit kailangan mo akong itaboy noon at kung bakit bumabalik ka ngayon para sabihin na mahal mo ako," seryoso kong tanong at bumangon din siya para Umupo.
"Isabela."
"Hindi kita kilala Peter, hindi ko alam kung bakit palagi kang napapasok sa gulo, kung bakit pinatay mo ang lalake nung unang kita natin at kung bakit mo noon tinatago ang mukha mo sakin. Wala kang sinabi sakin na kahit ano tungkol sayo Peter pero minahal parin kita kahit hindi kita kilala."
"I'm sorry. Sige sasabihin ko sayo ang lahat," sabi niya at hinawakan niya ang mga kamay ko at mariin akong tinitigan.
"Ako si Peter Adamson Cole, my mother died when i was a kid. My father is a former business tycoon At may kapatid ako na babae na sa states na naninirahan. My dad committed suicide due to the stress of our losing company. He has many disputes with other companies at sindikato na gustong pabagsakin ang Daddy ko At meron pang tatlong hinahanap i haven't finished finding those three and their fucking members. So as long as possible i want to keep you away from me because they might recognize you and use you against me. Pero hindi ko na matiis na minamasdan ka lang mula sa malayo Isabela. Magulo ang buhay ko, ayokong madamay ka pero ngayon Handa nakong sumugal makasama ka lang at maprotektahan ka," aniya habang serysong nakatingin sakin.
Bigla akong nakaramdam ng takot at lungkot. Natatakot ako na baka kung mapano siya sa mga gagawin niyang paghahanap sa sindikato na yun At nalulungkot ako dahil sa nangyari sa pamilya niya at sa dinadanas niya ngayon na alam ko naman na hindi rin niya kagustuhan.
"I know you're scared."
Tinitigan niya ako na may pangangamba sa mata niya. Siguro ay iniisip niya na natatakot na ako sa kaniya at sa pwedeng mangyari sakin kapag nadamay ako.
"Natatakot ako Peter. Natatakot ako na baka mapahamak ka at mawala ka sakin."
Agad na Lumambot ang tingin ng mapupungay niyang mata."Susugal ako, poprotektahan kita at hindi ako papayag na may makapanakit sayo. I can even catch a bullet for you. I'll Hold your hand whenever you're scared Isabela, I can die for you."
At sa muling pagkakataon nahulog ako ulit sa mga sinabi niya na para akong nililipad sa langit. Hindi ko alam kung magiging masaya ako o dapat maiinis sa mga sinasabi niya. Siguro nga hindi masamang mahalin ang isang tulad niya kahit pa may kakayahan siyang baguhin ang maayos at payapa kong buhay.
Kung susugal siya yun din ang gagawin ko. Hindi ko siya hahayaan na lumaban ng mag isa. Sana lang ay wala na siyang tinatago sakin, sana nga totoo na ang lahat ng ito.
BINABASA MO ANG
The Beast Under The Rain COMPLETED
Romance"Because of love we learn to do things we can't do." Dinanas ni Isabela Cassandra Mortel ang lahat ng hirap sa buhay mula ng mamatay ang kaniyang magulang. Dahil Ipinagdamot sa kaniya ng kanyang Auntie ang mga karapatan niya ngunit sa pagtatagpo nil...