"Mommy i'm sleepy," aiden said and yawned. I stroked his hair and he leaned his head on my shoulder.
"Sleep first, I'll wake you up when we get there."
While we were on the plane I couldn't help to feel nervous. But I have to face my fears and leave to fate what will happen to me and Aiden. Eight years have passed, we have our own lives and I am content with just me and my son even though I know something is missing.
"Baby Wake up! we're here," sabi ko sa tulog na tulog kong anak at agad naman niyang dinilat ang namumungay niyang mata.
"Mom! I'm not a baby anymore," nakasimangot niyang sabi at napangisi nalang ako dahil sa ekspresyon niya na walang pinagkaiba kay Peter.
"Sorry anak i forgot!"
"Don't forget that mom please don't call me baby in front of Lola Von and other people either."
"Oo na po Mr. Aiden!" pang aasar ko.
Pinisil ko ang pisngi niya bumuntong hininga naman siya.
"AIDEN! BELLA! OMG!" sigaw ni Zel habang papalapit samin at niyakap kami ng sobrang higpit.
"Si Tita Von?" agad kong tanong habang nililibot ang tingin ko sa paligid nga airport.
"Hindi ko na pinasama baka mapagod pa sa byahe haba din ng biyahe papunta dito no!" sabi niya at kinuha ang iba naming bagahe.
"Tito Zel pupuntahan na po ba natin si Lola von?" tanong ni Aiden habang nakakapit na kay Zel.
"Yes baby at excited na si Lola Von mo na mayakap ka," nakangiting sabi ni Zel habang si Aiden ay nakasimangot na naman.
"Tito don't call me baby!" sabi niya at natawa lang si Zel.
"Ok! Ok i'm sorry!" natatawang sabi ni Zel.
Nang makarating kami sa kotse ay nagmaneho na si Zel papunta sa Aurora. Patapos na ang bahay na pinatayo ko sa lupain na iniwan ng magulang ko pero hindi pa kami dun pwede mag stay dahil makakaabala kami sa gumagawa.
"Oh my gosh Aiden ko!" sigaw ni Tita von habang yakap si Aiden.
"I miss you lola you're so beautiful," nakangiting sabi ni Aiden.
"Napakagaling naman mang uto ng batang ito kanino kaya nagmana?"
Makahulugang wika ni Tita habang nakatingin sakin."Sakin nag mana Tita diba magaling din akong mang uto noon?" natatawa kong sabi.
Pumasok kami sa loob at pinagmasdan ko ang napakalawak na sala wala pa masyadong gamit dahil hindi pa tapos pinturahan ang baba. Sa taas naman medyo ayos na, sa taas kasi ang mga kuwarto at dito rin nag s-stay si Tita at Zel para mabantayan ang pag papagawa.
"Marami akong niluto, kumain ka ng marami Aiden," sabi ni Tita habang nilalagyan ng pagkain ang plato ng anak ko.
"Tita Von nagseselos na si Bella dati daw siya ang inaasikaso mo!" pang aasar ni Zel siniko ko siya dahil magkatabi lang kami at natawa namn si Tita Von.
"Malaki na si Bella kaya si Aiden na ang baby ko."
"Ohh haist i'm not baby anymore!" bulong ni Aiden.
Matapos namin kumain ay nagpahinga muna kami ni Aiden sa isang kwarto dahil napagod din siya sa byahe. habang tulog ang anak ko ay lumabas ako at nag libot libot sa buong bahay.
BINABASA MO ANG
The Beast Under The Rain COMPLETED
Romance"Because of love we learn to do things we can't do." Dinanas ni Isabela Cassandra Mortel ang lahat ng hirap sa buhay mula ng mamatay ang kaniyang magulang. Dahil Ipinagdamot sa kaniya ng kanyang Auntie ang mga karapatan niya ngunit sa pagtatagpo nil...