KABANATA 16: Overthink

25 4 0
                                    


"Kamusta ang pag aaral mo Bella?" tanong ni Tita Von sakin.


"Ayos naman po ganun pa din, hindi rin pala madali ang kinuha ko na kurso pero ayos lang masaya naman akong ginagawa yun," nakangiti kong sagot.


May alam kaya si Tita tungkol sa nangyari noon? Sigurado akong na balita yun dahil malaking aksidente ang nangyari at mga mayayaman ang sakay ng eroplano.


"Ahmm... Tita Von may alam ka ba tungkol sa Daddy ni Peter?" tanong ko kay Tita at agad naman kumunot ang noo nito.


Tinigil niya ang sinusulat niya sa mesa niya at bumaling sa akin.


"Oo naman Iha, kaibigan ko ang Mommy mo at kilala ko din ang mga taong malapit sa kaniya at kung sino yung mga nagkagusto sa kaniya," aniya."Mabait ang Daddy ni Peter at tumutulong din sila sa mga mahihirap lalo na sa may sakit na walang pambayad sa ospital," dagdag niya.


"Talaga po? Ginagawa niya yun?"


"Oo ang kaso nakulong siya dahil ang sabi may kinalaman siya sa aksidente sa eroplano. Alam mo na ba ito?" nakakunot noong tanong ni Tita at tumango lang ako sa kaniya.

"Mabuti naman, ang akala ko balak pa niyang ilihim sayo. Siya nga pala, Baka bukas ako umalis ikaw na bahala muna dito ha? Yung pamangkin ko papupuntahin ko dito para kahit papano hindi ka mainip."


Tumayo si Tita para lumapit sakin at Hinaplos niya ag buhok ko habang nakangiti. "Bilin ko lang sayo Bella ingatan mo ang sarili mo at huwag ibuhos lahat."


"Para ka namang namamaalam niyan Tita von-"

Tumawa si Tita at  hinawakan ang kamay ko."Ano nga ulit ang kurso na kinuha mo? Business din ba katulad ng magulang mo?"


"Hindi po Tita Architecture po ang kinuha ko," nakangiti kong sagot sa kaniya.



Napataas ang kilay ni Tita sa sinabi ko.

"Bakit yun? I mean Businessman ang magulang mo bakit yun ang pinili mo?"

"Tingin ko yun ang gusto ko Tita At kapag nakatapos na ako ng kolehiyo gusto ko sana magtrabaho Abroad."


"Ikaw ang bahala kung ano ang gusto mo at kung sa tingin mo yun ang makakabuti sayo susuportahan kita, alam mo naman na matanda na din ako walang Anak at walang asawa gusto ko din na makita ka na nasa maayos bago ko itigil ang ganitong negosyo," malungkot niyang sabi.

Nag tataka ko siyang pinagmasdan at pansin ko ang tinatago niyang lungkot.


"Ayaw mo na bang mag trabaho dito sa bar Tita?"


"Hindi naman sa ayaw. Matagal na din itong bar sakin pero syempre mas gusto ko nalang ngayon ang manatili sa bahay magluto at gumawa ng kung ano-anong bagay."


"Satingin ko Tita medyo luma na ang style ng bar kaya bihira nalang ang nagpupunta, kung mapapaayos lang sana natin at babaguhin ang design siguradong dadami ang costumer natin," wika ko at tinapik ni TIta ang balikat ko.

May lungkot sa mga tingin niya at hindi ko maiwasan ang hindi mag alala sa kaniya.

"Ok bibigyan kita ng bagong gawain at kapag nagustuhan ko ang gawa mo ibibili kita ng bagong laptop."

"Naku! Hindi na po kailangan Tita dahil mag Didisenyo ako at kapag nagustuhan mo yun ako na ang bahalang mag pagawa nun para sayo," masaya kong sabi kay Tita.


"Asus Talagang bata nato! Ang gusto ko lang mangako ka sakin na maging maayos ka at palagi mong pipiliin ang sarili mo. You know Isabela, ayoko na matulad ka sa Mommy mo na sobrang dami ng pinagdaanan dahil lang sa pag mamahal sa isang lalake. Siguro kaya din ako na trauma at piniling mabuhay mag isa dahil nasaksihan ko kung paano siya nasaktan at kung paano niya naiwala ang sarili niya dahil sa pagibig. love can kill you Isabela at yan ang katotohanan."

Marahan niyang hinaplos ang buhok ko.


"Alam ko po yan Tita Von at wag kang mag alala sakin dahil marami pa po akong pangarap at sa ngayon yun ang pagtutuunan ko ng pansin," Sagot ko sa kaniya at nakangiti lang siyang tumango sakin.


"Kapag may kailangan ka sa school wag ka mahiyang mag sabi sakin ok?"

"Opo Tita Von salamat po."


Naupo si Tita sa upuan niya at nangalumbaba. "Mamaya papupuntahin ko dito si Bakla at siguradong magkakasundo kayo nun."




Tumango lang ako kay Tita at muli niyang itinuloy ang ginagawa niya sa mesa.

Agad din akong lumabas at nag tungo sa washroom para maghugas ng kamay. Napaisip ako sa sinabi ni Tita alam ko na may alam siya sa pamilya ni Peter kaya siguro niya nasasabi ang ganun sakin. Pero tama naman siya na marami pa nga akong dapat gawin at pagtuunan ng pansin. Mahal ko si Peter at alam ko na mahal din niya ako pero kailangan ko parin na mag ingat sa lahat ng gagawin ko. Naisip ko tuloy kung paano kung mabuntis ako dahil may nangyari na samin? Paano nalang ang pag aaral ko? Paano kung maghiwalay kami ni Peter? Paano ko bubuhayin ang Sanggol na yun.




Napabuntong hininga ako dahil sa mga naisip ko. Masyado na ata akong nag O-Overthink dahil sa mga sinabi ni Tita Von at hindi dapat ito. kailangan ko kumalma at patuloy na Mag tiwala ka Peter.


The Beast Under The Rain COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon