KABANATA 14: Promises

30 5 0
                                    

Tahimik kami hanggang sa makauwi sa Apartment ko at mukhang galit parin siya kaya hinayaan ko na muna siya at hindi ko na muna kinausap. Nilibot ko ang tingin ko sa bahay na halos mapuno na ng gamit. Bumili siya ng Upuan, stove, Refrigerator, T.V at nag Grocery din sya ng wala akong alam.

Gusto ko mag reklamo dahil hindi naman niya kailangan bumili pa ng mga yun dahil di naman din ako naglalagi dito at madalas din naman ako kay Tita Von. Kaso baka pag-awayan pa namin yun saka ko nalang yun babanggitin pag medyo malamig na ang ulo niya.

Hindi kami masyadong nag pansinan nagluto ako at tahimik kaming kumain hanggang sa nakatulog din kami ng maaga. Nang magising ako ay halos mabigatan ako dahil sa braso niyang nakapulupot sa bewang ko at mga binti niyang nakadagan sa binti ko. Mukhang Mahimbing ang tulog niya kaya dahan-dahan kong inaalis yung pagkakayakap niya mula sa likod ko.

"Where you going?" tanong niya at namamaos pa ang boses.

"Mag luluto lang. "

"Hmmm lalayasan mo na ako?" sabi niya at agad na Hinarap ko siya at nakapikit parin ang mga mata niya.

"Mag luluto lang ako at bakit kita lalayasan?"

"Dahil Obsessed ako sayo," aniya at napakunot na ang noo ko habang pinagmamasdan ang maamo niyang mukha.

"Hindi ka obsessed Peter."

Hinaplos niya ang buhok ko at inamoy ito saka niya ako hinalikan sa noo ko. Kahit bagong gising ay napaka gwapo parin niya kahit pa magulo din ang buhok at nanliliit pa ang mga mata.


"I'm so obsessed with you Isabela. Pakiramdam ko isang kurap ko lang ay mawawala ka sakin," malamig niyang sabi habang ang mga mata ay maamong nakatingin sakin.

"Hindi ako mawawala sayo kung hindi mo ako hahayaang mawala-"

"Bakit kita hahayaang mawala? kapag ginawa ko yun para ko naring pinatay ang sarili ko."

Ngumiti ako habang siya ay seryoso parin ang mukha hinawakan ko siya sa mga pisngi niya at lumapit para halikan siya pero tinakpan niya ang bibig ko.

"A-Ano ba? Ayaw mo? Galit ka parin ba?" naiirita kong singhal sa kaniya. Ni re-reject na niya ko ngayon ah? Ayaw na niya ng kiss ko?


Agad na tinalikuran niya ako at niyugyog ko naman siya.

"Hoy! ano bang problema mo ayaw mo na ng kiss ko? Hindi pa ko nag T-toothbrush pero hindi naman mabaho hininga ko ah!"


Hindi niya ko pinansin bumangon ako at hinarap siya saka mabilis na hinalikan. Wala siyang reaksyon, nanatili siyang nakapikit at nagkukunwaring tulog.

"Hoy peter!"

"What?"

"Hinalikan kita," nakangiti kong sagot sa kaniya pero nakatingin lang siya sakin.

Dahil dun ay mas lalo akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko. Bakit ba kasi ayaw niya? Hindi na ba niya agad ako mahal?

"Hmm. So? You want me to kiss you back?" sabi niya at ngumuso ako at yumuko.

"Oo siyempre."

Humalakhak siya at saka siya bumangon para yakapin ako mula sa likod ko at pinatong niya ang baba niya sa balikat ko.


"If i do that wala tayong magagawa mag hapon, dahil aangkinin kita ng aangkinin until you legs are shaking from exhaustion."

Para akong kinikiliti sa bulong niya sumabay pa ang alala ng ginawa namin yun. Parang may kuryente na dumadaloy sa katawan ko kapag na aalala ko kung paano kami nag isa at kung paano niya sinamba ang buong katawan ko.

The Beast Under The Rain COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon