KABANATA 27: Still you

39 5 0
                                    

We used to think that we could do it alone, we thought we were used to it but the time will also come when we will ask for help from someone who has the ability to complete the missing part in our lives.



"Architect mortel? Kailan ka pa dumating dito sa pilipinas?" tanong ni Mr. Claudio habang papalapit sakin at malapad ang ngiti.


"Nakaraang linggo pa po Mr.Claudio. kamusta? how is your hotel?" interesado kong tanong sa kaniya.

Ako ang nag disenyo ng hotel niya at kilala din si Mr.Claudio dahil sa mga sikat niyang bar at resorts.


"I am not the owner of that hotel anymore, Someone bought it from me a year ago."


Nanlaki ang mata ko dahil sa hindi makapaniwalang  sinabi niya. Akala ko importante sa kaniya ang hotel na yun? Pero kung malaki nga naman ang offer malamang hindi niya yun tatanggihan.


"Ganun po ba?" simple kong sagot.


"Balak ko na mag pagawa ulit ng bago and since nakita na kita dito sa mall Sasabihin ko na din sayo na gusto ko sana ikaw parin ang mag didisenyo," nakangiti niyang sabi.


"Walang problema! we can talk about it whenever you want Mr. Claudio," sabi ko at masaya niyang inabot ang kamay niya para makipagkamay sakin.


"That's why I admire you Ms Mortel, You are very easy to talk to and very professional!"


"Thanks Mr. Claudio!"


Matapos naming mag usap ay nagpaalam na din ako sa kaniya dahil nag hihintay sakin si Aiden sa condo at kasama niya si Peter, lumabas akong mag isa para mamili ng kailangan sa condo at sobra ang pamimilit ko kay Aiden na samahan ako pero dahil nandun si Peter ay tinamad na siyang lumabas ng bahay at nanuod nalang siya ng movie.


"Mommy bakit ang tagal mo?" nakakunot noong sabi ni Aiden at sinalubong ako.


"Aiden I can't go grocery shopping in five minutes!" sagot ko.


Sumalubong si Peter at nakakunot din ang noo, kinuha niya ang mga dala ko at inilapag sa mesa. Hinarap nila akong dalawa at nakatitig sakin na parang sinusuri ako.


"What's the problem with you two?" sigaw ko sa kanila.


Naupo si peter at tumabi naman sa kaniya si Aiden habang na nanatili ang masama nilang titig sakin na parang may ginawa akong kasalanan sa kanila.



"Para naman akong nag lakwatsa," bulong ko.



Inayos ko ang mga pinamili ko at inilagay sa Ref at habang nag aayos ako ay narinig ko na tumunog ang cellphone ni Peter na nakapatong sa mesa tinignan ko yun at nakita kong Aya ang nakalagay, tinatawagan na siya ng asawa niya. Hindi pa namin napag uusapan ang tungkol dun dahil Nagpupunta lang naman siya dito sa condo para bisitahin si Aiden at Bakit ko naman siya tatanungin tungkol sa asawa niya diba?


Nagkunwari akong walang naririnig at hinayaan ko siyang damputin ang phone niya at sagutin ang tawag. Hindi ko siya tinignan hanggang sa lumabas siya ng condo para sagutin yun.

Hindi ko parin maiwasan ang hindi masaktan dahil sa ganitong sitwasyon namin ngayon pero wala naman akong magagawa dahil Wala akong karapatang masaktan dahil wala naman ng kami. Iniisip ko nalang na ang mahalaga ay ginagawa niya ang pagiging daddy niya sa anak namin.




"Kailangan ko munang umalis may emegency lang," paalam ni Peter sakin.

Bumaling ako sakaniya at tumango lang, ayoko siyang titigan ng matagal dahil baka tuluyan akong mahulog ulit sa kaniya.


The Beast Under The Rain COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon