KABANATA 4: A Kiss

42 7 0
                                    

Alas siyete na ng gabi hindi parin ako mapakali. Hindi ako makatulog at kailangan ko siyang hintayin dahil tingin ko hindi ako makakatulog ng wala siya.

Naupo ako at sakto naman ang pag tunog ng doorbell.

Nakahinga ako ng maluwag Buti nalang at hindi siya masyadong ginabi, mukhang uulan pa naman. Nag madali ako sa pagbubukas ng pinto pero..


"Sino kayo anong kailangan niyo?" tanong ko sa mga lalake na nakatayo sa harap ko.


Marahas akong hinila ng lalake papasok sa loob ng bahay at tinutukan ako ng baril. "Nasan si Cole!" tanong sakin ng lalake na may hawak na baril.


"Hindi ko alam sino ba kayo ha!" sigaw ko sa mga ito.


"Papatayin ka namin kapag hindi mo sinabi kung nasaan siya!"


"Edi patayin niyo! sinabi ko ng hindi ko alam at kahit alam ko di ko ituturo sa inyo!"

.

Tinulak ako ng lalake sa kasama niya dahil sa sobrang galit sakin.


"Ikaw ng bahala sa babae na yan! Hindi ipapasok ni Cole yan sa bahay niya kung walang kwenta yan," sabi niya at Ngumisi ang lalake na may hawak sakin ngayon.

"Boss pwede bang pagsaawaan ko muna to? Sobrang ganda ang kinis pa mukhang virgin pa."


"Ang kapal ng mukha mo! Bitawan moko!!" sigaw ko.


Pumiglas ako sa kaniya pero napakalakas siya at sobrang diin ng hawak niya sakin. Malakas niya akong tinulak sa sofa at hinubad ang sinturon niya.


"Virgin ka pa ba miss?" tanong niya at nakakatakot na ngumisi siya sakin at parang baliw na tumawa.


Takot na takot ako at halos manginig na ang buong katawan ko.


"Ano ba lumayo ka sakin!" sigaw ko ng hawakan niya ako sa mukha ko.


Humalakhak ang lalake. "Magugustuhan mo din to promise!"


Tumulo ang luha ko ng umibabaw siya sakin at hinihimas ang binti ko.


"Wag ka ng sumigaw dahil baka mapatay kapa ni Boss niyan cge sayang ka naman," singhal pa niya.


Pinunit niya ang Damit ko at napasigaw na lamang ako habang tumutulo parin ang luha sa gilid ng mata ko.


"Please wag-" pagmamakaawa ko sa kaniya pero balewala lang sa kaniya kahit anong piglas at sigaw ko.


"Shit!" mura niya habang pinagmamasdan ang kabuuhan ng katawan ko.

Tanging bra at panty nalang ang suot ko at saka ako hinawakan ng dalawang lalake sa mga binti ko.


"Ahhh please Peter! Tulong please!" sigaw ko. Tinakpan niya ang bibig ko at hinila ang strap ng bra ko hanggang sa matanggal na ito.

"Mommy, Daddy! Peter please!"

Peter nasan kana ba?


Marahas akong hinalikan ng lalake sa leeg. Pakiramdam ko ay nag iiwan ito ng mga sugat at marka. Sobrang sakit ng katawan ko pagod na kong pumiglas at mas lalong sumisikip ang pagkakahawak nila sa katawan ko.

Bumaba ang lalake sa mga hita ko at sinubukang hubadin ang panty ko pero nagulat ako ng biglang tumilapon sa kung saan yung lalakeng naka patong sakin kanina lang.

Nakita ko ang madilim na mukha ni peter habang basa siya ng ulan. Nilapitan niya ang mga lalake at nakipag suntukan na siya rito. Halos patayin niya ang lalake ng mapahiga ito sa sahig at inangat niya ito at kinwelyuhan.


The Beast Under The Rain COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon