KABANATA 17: Kidnapped

31 5 0
                                    


"Hoy bebs! May tumawag pala na lalake kanina sa opisina ni Tita," sigaw sakin ni Zel habang nagma mop siya ng sahig.


"Sino daw? "Kunot noo kong tanong sa kaniya.


"Hindi nga sinabi ang pangalan hinahanap niya si Tita Von e, tsaka mukhang may edad na ang boses. Di kaya jowa ni Tits yun? Hay naku ang mga matatanda talaga!"


"Wala naman nasabi si Tita na may jowa siya.Baka kaibigan lang, ikaw naman masyado kang judgemental!" natatawa kong sagot sa kaniya.


"Asus malihim si Titss bebs hindi yun mag ku-kwento hanggat di mo nabubuking!"




Mag iisang linggo ng wala si Tita Von at  kami lang ni Zel ang naiwan para kahit papano may mamahala dito at tutulong sa mga tauhan ni Tita. Madalas din na busy si Peter at gabi na siyang nakakabisita sa bahay at hindi ko naman alam kung ano ba ang pinagkakaabalahan niya. Hindi na din siya doon natutulog at kumakain palagi nalang din akong mag isa na pumapasok sa school at uuwi.


"Siya nga pala bebs mukhang hindi ka na binibisita ng pogi mong jowa dito hiwalay na ba kayo?"


"Hindi ahh.. busy lang daw talaga siya."


"Saan ba nag t- trabaho yun at parang mukhang mayaman?"


"Nag t trabaho siya sa isang kompanya, hindi ko alam kung saan dahil di naman niya na kuwento sakin ang tungkol dun."


"Wala ba siyang kapatid na lalake beke naman ano..." aniya at matalim ko siyang tinitigan.


"Wala zel! Kaya ikalma mo yang sarili mo!" singhal ko at nginisian siya.



Napaka lalakero ni Zel at kaya sayang saya siya dito sa bar dahil marami siyang nakikilala na lalake gwapo na at mayayaman pa.

Matapos namin mag linis ay inayos ko ang opisina ni Tita bago ako mag paalam kay Zel. Gabi na din kasi at baka wala na akong masakyan pauwi kung masyado pa akong mag papagabi. Sumakay ako ng jeep at ilang minuto din ang biyahe pauwi sa inuupahan ko. Bumaba ako sa kanto at konting lakad nalang papunta sa bahay.

Habang nag lalakad ako ay napapalingon ako sa likod ko dahil pakiramdam ko may sumusunod sakin. Binilisan ko ang bawat hakbang ko at sa takot ko ay tumakbo na ako. Nakahinga lang ako ng maluwag ng makarating ako sa tapat ng bahay at nung hawakan ko ang doorknob ay may biglang nag takip ng bibig ko hanggang sa unti unti akong nawalan ng malay.






"Hello po Kuya..." tawag ng isang magandang batang babae sa binatang kaharap niya.


"Hi," simpleng sagot nito habang nag babasa ng libro.

"Nakita mo po ba ang Daddy ko? Kanina magkausap lang kayong dalawa."


Bumaling ang lalake sa kaniya at mariin siyang tinitigan. Tila kumikinang ang inosenteng mata ng Bata at para bang pinapalambot nito ang puso niya.


"He went out and he was talking to someone on his phone," sagot ng lalake habang nananatili ang tingin sa magandang bata.


Tumango lang ang bata at ipinakita sa lalake ang guhit niyang bahay sa papel.


Matamis na ngumiti ang batang babae."Do you think Daddy would like what I drew?"


Tinitigan ng binata ang iginuhit nito na bahay at punong puno ng tanim na bulaklak sa palagid. Napalunok ang binata at bumaling sa maamong mukha ng Batang babe.

"Ofcourse. He will like that."


"Mahilig ako mag drawing, Siya nga po pala bakit palagi ka nandito? Kahit wala si Daddy nagpupunta ka parin."

"Magaan sa pakiramdam kapag dito ko ginagawa ang trabaho ko," diretsahan niyang sagot.



Tumango lang ang bata sa sagot nito. Naupo ang bata sa harapan niya at binalik ang atensyon sa hawak niyang sketch pad. Habang ang lalake ay tila nawawala parin sa sarili dahil sa mga ngiti ng bata sa kaniya Na kahit kailan ay hindi niya naramdaman sa ibang babae.







Idinilat ko ang mata ko at nilibot ng tingin sa paligid. Napakadilim ng lugar at wala akong makitang kahit na ano. Ang nararamdaman ko lang ay yung sakit ng kamay ko dahil sa mahigpit na pag kakatali. Pinilit ko yun kalasin pero masyado itong mahigpit at halos masugatan na ang kamay ko.





"Tulong! Tulungan niyo ko!" sigaw ko.



Sumigaw ako ng sumigaw hanggang sa mapagod ako pero parang walang nakakarinig sakin. Tumulo ang luha ko dahil sa takot na nararamdaman ko hindi ko alam kung makakauwi pa ba akong buhay at kung ito na ba talaga ang katapusan ko.


"Mommy, Daddy siguro kung buhay lang kayo hindi ito mangyayari sakin," bulong ko.



Marami na akong pinagdaanan sa buhay pero ito na ata ang pinakanakakatakot sa lahat. Nasa madilim na lugar ako ngayon at parang wala ng pag-asang makaligtas. Walang nakakarinig sakin at hindi ko alam kung anong planong gawin sakin ng gumawa nito.


Napatigil ako sa pag iyak ng marinig ang malakas na putukan mula sa kung saan. Pumikit ako at yumuko nalang habang nababalot ng takot ang puso ko.



"Isabela where are you!" isang malakas na sigaw ang narinig ko at agad naman akong nabuhayan ng loob.


"Tulong! Tulungan niyo ko!" paulit-ulit na sigaw ko.



May tumamang liwanag sakin ng magbukas ang pintuan at agad kong nakita ang anino na nakatayo sa di kalayuan. Agad siyang lumapit sakin at niyakap ako ng napaka higpit.



"Nandito na ko. I'm sorry Isabela!" sabi ni Peter bago tanggaling ang tali sa kamay ko.


"Ayos lang ako Peter."


"Good."


Kaagad niya akong binuhat at inilabas sa kuwartong yun. Halos magkagulo ang mga pulis sa labas at nakita ko ang ilang mga lalake na naka posas at hawak nila. Matalim ang tingin ng mga ito kay Peter habang dumadaan kami sa harapan nila.



"Peter hindi kaba nila nasaktan?"


Inilapag niya ako sa upuan ng kotse niya at ipinatong sa balikat ko ang jacket niya.


"Hindi at wag mo na akong isipin ang mabuti pa sa ospital ka muna magpahinga ngayon dahil may mga bagay lang akong dapat ayusin okay?" aniya at sumakay na din sa kotse.



"Sa bahay nalang ako hindi naman ako nasaktan."


Saglit niya akong tinignan at agad din na nag-iwas ng tingin sakin.

"Sa ospital ka muna wag ng matigas ang ulo."



Hindi na ako umimik at hinayaan siyang magmaneho.
Napakatahimik din niya at hindi ko alam kung bakit hindi niya ako matitigan sa mata. Gusto ko siyang tanungin kung nahuli na ba ang mga kalaban niya pero mukhang malalim ang iniisip niya. Hinawakan ko ang isa niyang kamay at pinisil ito hindi siya nagreklamo at hinayaan lang niya akong hawakan siya.




"Peter i miss you," bulong ko habang nararamdaman ko ang bigat sa dibdib ko. Hindi niya ako sinagot o kahit tinignan manlang.




Hindi ko alam kung bakit siya ganito At parang bato satuwing kasama ako alam ko naman na marami siyang problema pero paano niya naaatim na itrato ako ng ganito kahit minsan na lang kami nag kakausap at nag kakasama. Habang ako naman ay sabik na sabik palagi sakaniya at mabigyan manlang niya ng panahon.

The Beast Under The Rain COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon