"Aiden we're going to eat stop what you're playing on your phone!" i said while putting the breakfast I cooked on the table.
Agad na inilapag ni Aiden sa table ang phone niya at nag tungo sa harapan ko.
"Mommy dapat nag pa deliver nalang tayo you said you were going somewhere today," aniya.
Naupo siya sa tapat ng mesa at Nilagyan ko ang plato niya ng bacon at hotdog.
"Maaga pa anak, excited ka talagang mag isa dito no? Hindi ka lalabas ok? Hintayin mo lang ako dito kukunin ko lang yung mga pictures natin na pinagawa ko," sabi ko at tumango naman siya sakin habang kumakain.
Agad din akong naupo sa harap niya at kumain habang si Aiden ay tahimik lang at nakatuon ang atensyon sa kinakain niya. Nang Matapos namin kumain ay nag hugas na ako ng pinggan at nag paalam na kay Aiden.
"Hi Architect Mortel Kukunin mo na po ba yung mga pictures?" tanong sakin ni kaye.
"Oo hindi din ako pwedeng mag tagal naiwan kasi may isa si Aiden sa condo."
Dito din sa Gallery88 nag paayos ng mga pictures si Tita Von para sa idi display niya sa mansion kaya naisip ko din mag pagawa para sa condo namin ni Aiden. Yung picture niya nung baby pa siya ay pina frame ko ng malaki. Pati yung karga ko siya nung binyag at pati first birthday niya bahala na kung mapuno ang dingding namin ng picture namin.
"Thank you maam balik po kayo ulit!" masayang sabi ni Kaye. Tumango ako dito at inilagay sa kotse ko ang mga pictures na nakalagay sa box, mabigat din pala ito sana pala nag utos nalang ako.
Mabilis akong nagmaneho pabalik sa condo at ipinark ko agad ang kotse ng makarating ako doon.
"Maam tulungan na po kita," nakangiting sabi ng janitor.
"Cge po kuya salamat."
Agad niyang kinuha yun sa kotse ko at umakyat na kami at sumakay ng elevator.
"Mukhang bagong lipat ka maam ah?" tanong ng janitor na medyo may edad na.
"Kakadating lang namin ng anak ko dito galing kami ng America."
"Ahh Ngayon lang po kasi kita nakita..."
Tumigil ang elevator at nauna akong maglakad papunta sa unit ko, sumusunod naman sakin ang janitor bitbit parin yung box. Nung nasa tapat na kami ay kinuha ko agad sa kaniya ang bitbit niya.
"Thank you kuya ha? Mag luluto po ako mamaya dumaan ka po dito," nakangiti kong sabi.
Nagkamot siya sa ulo at parang nahihiya pa."Sige po maam salamat!" sagot niya sakin at saka umalis.
Pinindot ko ang doorbell at ilang minuto pa bago binuksan ni Aiden yun.
"Why are you slow Aiden ang bigat ng dala ko," nakakunot noo kong sabi.
"Sorry Mommy we have a visitor!"
Hindi na ako nag tanong kung sino at agad akong pumasok para ilapag sa sahig ang box. Bumaling ako kay Aiden at napatingin ako sa lalake na nakaupo sa sofa.
What the hell is he doing here! At paano niya nalaman ang tinutuluyan namin ng Anak ko?
Umigiting ang panga niya ng magkatitigan kami ay nanlilisik ang mga mata niya, hindi ito kumukurap at tila sinusuri ako.
BINABASA MO ANG
The Beast Under The Rain COMPLETED
Romance"Because of love we learn to do things we can't do." Dinanas ni Isabela Cassandra Mortel ang lahat ng hirap sa buhay mula ng mamatay ang kaniyang magulang. Dahil Ipinagdamot sa kaniya ng kanyang Auntie ang mga karapatan niya ngunit sa pagtatagpo nil...