KABANATA 5: Aron

44 6 2
                                    

Nakatulala ako ng magising ako at inaalala yung mga nangyari kagabi. Nakalimutan ko yung pagkakataon ko na makita yung mukha niya dahil sa paghalik niya sakin at hanggang ngayon ramdam ko parin yung labi niya at kung pano niya ako sabik na hinalikan.

Parang may karera sa puso ko at napakasarap sa pakiramdam ng kuryente na dumadaloy sakin satuwing nag didikit kami, Sa hawak palang niya pakiramdam ko ligtas na ako. Sa pagsigaw ng pangalan niya panatag na ang loob ko.

Masyado na ba akong dumidepende sa kanya? O napapamahal na ko? Hindi ko pa naramdaman ang ganito, ngayon lang. Bakit sobrang bilis bumigay ng puso ko pag dating sa kaniya? hindi ko pa nga nakikita ang mukha niya, hindi ko pa siya kilala at ng dahil lang sa halik na yun naguguluhan ang puso ko ngayon.

Yung takot ko sa nangyari kagabi biglang nawala nung dumating siya. Tama ba na mahalin ko ang katulad niya? Pero kahit ano pa itong nararamdaman ko alam kong hindi ito tama, siguro nadala lang siya kagabi at imposible na may kahulugan yun sa kaniya at Malamang marami na din siyang hinalikan na babae ako lang talaga ang sobrang nag papaapekto.

Tumigil na ako sa pag iisip dahil medyo kumirot ang ulo ko.

Bumangon ako at agad na nag bihis Kailangan ko mag luto ng almusal dahil siguradong pagod sya kagabi.
Dumiretso ako sa kusina at nag luto ng almusal at hinanda yun sa mesa. Agad akong napabaling kay Peter na pababa ng hagdan agad ko siyang tinawag pero hindi niya ako pinansin.


"Peter kumain kana," pag-aaya ko dito.

"May meeting ako ikaw nalang," simpleng sagot niya habang hindi tumitingin sa akin.

"Nag mamadali kaba?"

Hindi niya ako sinagot at mabilis siyang lumabas ng bahay.Ano bang problema nun? Ang aga- aga ang init na agad ng ulo. Kagabi lang ay maayos naman siya sakin.

Mag isa akong kumain at dahil wala naman akong gagawin mag hapon kaya naisip ko na mag enroll sa school. Nag taxi ako para mas mabilis na makarating dun ayaw pa nga akong palabasin ng bantay ni Peter siguro ay nag bilin siya dito.

"Bella!" sigaw sakin ni Aron habang nakangiti na papalapit sakin.

"Oh Aron!"

Nang makalapit siya ay agad niya akong inakbayan.

"Nag enroll kana?" tanong niya.

"Oo baka lunes pwede na akong pumasok," nakangiti kong sabi sa kaniya.

"Buti naman! Mapapadalas na pala ang pagkikita natin dito."

"Ahh. Oo," sagot ko sa kaniya habang naglalakad parin kami.

"Saan kana pala nakatira ngayon?"

"Hindi na ako nakatira kela Patricia."

"Mabuti namnan kung ganon diba pinagmamalupitan ka ng mga yun?" tanong niya at Tumango lang ako kay Aron.

Panay ang kwento ni Aron ng kung ano-ano habang nag lalakad kami sa hall. Napakadaldal pa din niya wala parin siyang pinagbago.

"Hatid na kita pauwi?" alok niya sakin.

"Ayy naku wag na! mag t -taxi naman ako e."

Nilagpasan ko siya para makapara ng taxi pero sinundan parin niya ako.

"Ihahatid na kita sa bandang dun pa nakapark ang kotse ko kaya Tara na," hinawakan niya ako sa kamay at hinila papunta kung saan naka park ang kotse niya.

Hindi nako tumanggi dahil naisip ko na sayang din ang ipapamasahe ko kung mag t taxi pa ako. Ilang minuto din ang biyahe namin at panay lang siya kwento tungkol sa pag aaral niya sa school na yun.

The Beast Under The Rain COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon