KABANATA 22: Never again

39 5 0
                                    

"Kumain ka ng marami iha dahil mamaya lalabas na tayo ng ospital," wika ni Tita habang inaayos ang mga gamit sa bag ko.



Isang linggo akong nandito sa ospital at pinilit ko na palakasin ang sarili ko para sa sanggol na dinadala ko. Hindi madali ang nangyari sakin pero nabuhayan ako ng magising ako at sabihin sakin ni Tita na buntis daw ako. Sobrang pasasalamat ko dahil walang nangyari sa kaniya dahil kung meron man siguradong mas gugustuhin ko nalang ang mamatay.

Nagpunta din si Peter dito nung isang araw pero hindi ko siya kinausap hindi rin siya pinapasok ni Tita sa kuwarto ko. Ayoko siyang makita at ayoko na malaman niya na buntis ako Dahil hanggang ngayon nasa pagitan parin ako ng sakit na binigay niya sakin at ayoko ng masaktan ulit at maapektuhan ang anak ko.Nalaman ko rin ang ginawa ni Tita von na ipalabas na nakunan ako at yun din ang gusto kong gawin dahil alam ko na hindi na tama na mapalapit pa ako sa kaniya.



Sobrang mahal ko si Peter at dahil sa pagmamahal ko sa kaniya muntikan na akong mawalan ng anak.



"Pasensya kana iha at ngayon lang ako nakadalaw sayo," nakangiting sabi ni Tita Ana na Mommy ni Aron.

"Ayos lang po Tita, lalabas narin naman po ako mamaya ng ospital at maayos naman na din ang lagay ko."


Hinawakan niya ang kamay ko at nakangiting tumitig sakin.

"Alam mo ba napakasaya ko ng malaman na maayos kana at ligtas kayo ng anak mo. Sana hayaan mo na bumawi ako sayo at tulungan ka. Alam ko na mahalaga ka sa anak kong si Aron at alam ko na mahal ka ng anak ko. Pero hindi ko ito gagawin para sa anak ko gagawin ko ito para sayo dahil gusto ko na mag simula ka ulit," saad niya habang may awa na nakatingin sakin.


"Ano pong ibig mong sabihin?"


"Gusto ko sanang tulungan ka na makapag aral ng kurso na gusto mo sa America. Aron and I have already talked about this and he also wants to accompany you and help you there. Sana naman Iha wag mo akong tanggihan."


Pag aaralin niya ako sa America? Nag bibiro ba siya?

"Seryoso ka po ba Tita? Kasi ano po, buntis ako at-"


"Nasa sayo yun iha kung kaya mo na mag aral habang nagbubuntis ka, Gagabayan ka ni Aron doon at mas marami din na opportunity kapag nakagraduate kana."

Napaisip ako sa alok ni Tita ana. Hindi ito magiging madali pero ito na ang pagkakataon ko para makapagaral at alam ko na hindi naman magiging hadlang yung pag bubuntis ko at ayoko na din mag aksaya pa ng oras. Kailangan ko na mag sikap lalo ngayon na buntis ako at wala akong ibang dapat asahan kundi ang sarili ko.



"Aayusin ko ang mga ka kailanganin mo para sa oras na maisipan mo ng umalis at makapag desisyon kan.."

"Tita Gusto ko po na umalis as soon as possible," pag putol ko sa sinasabi niya. Ngumiti siya sakin at hinawakan ako sa pisngi.



"Trust me Isabela, I will take care of you at ang tangi ko lang hihilingin sayo ay ang tiwala mo sakin. Tutulungan kita na tuparin ang lahat ng pangarap mo. You know that I want you for my son, but now I think that I must be very lucky if I have a Daughter like you," malambing niyang sabi sakin.

"Salamat Tita Ana," naluluha kong sagot sa kaniya.


Napabaling kami kay Tita Von na kakapasok lang ng kuwarto.


"Maya maya uuwi na tayo Isabela, siya nga pala maraming salamat sa tulong niyo sa bill ni Bella nakakahiya naman hindi niyo naman kailangan sagutin lahat ng bayarin," nahihiyang sabi ni Tita von.


"Ano kaba! Sagutin ko din yun dahil ako ang nakabunggo sa kaniya hayaan mo lang ako na bumawi sa kaniya Von dahil hindi naman ibang tao sakin Si Isabela."


"Maraming salamat," nakangiting sagot ni Tita.


Nang makaalis si Tita Ana ay agad kong sinabi kay Tita Von ang alok sakin ng Mommy ni Aron.



"Gusto mo ba talagang lumayo? Kung pag layo lang naman ang gusto mo pwede ka naman sa probinsiya muna at saka mo malang ituloy ang pag aaral kapag nakapanganak kana."


"Tita ayokong mag aksaya ng oras, gusto kong tuloy tuloy kong matapos ang pag aaral ko at alam ko na kakayanin ko yun kahit buntis ako. Tita inilalapit na sakin yung pangarap ko at Hindi na ako mamaliitin ng mga tao kahit pa walang tatay ang anak ko dahil kaya ko siyang buhayin dahil may pinag araalan ako," sabi ko kay Tita habang Nangingild ang luha ko.


Naluluha din siyang tumitig sakin."Nangangamba kasi ako sayo dahil alam mo na na napaka layo nun. Walang mag aalaga sayo doon."


Hinawakan ko ang kamay niya at pilit ko siyang kinukumbinsi na magiging maayos ako sa desisyon kong ito.



"Tita wag kang mag alala sakin mag iingat ako para sayo. Mag tiwala ka lang po sakin."


Tumango siya sakin at Pilit na ngumiti."Kung yan ang gusto mo may magagawa pa ba ko? Ganiyan na ganiyan din ang Mommy mo noon e," pilit na tumawa si Tita at pinunasan ang luha niya.






Sana lang ay maging maayos ang desisyon ko. Alam ko na mali ang ipagkait ko kay Peter ang katotohanan na may anak siya Pero ito lang ang tingin ko na makakabuti at makakapag patahimik sa lahat. Ayoko ng makita ang sarili ko na bumabalik sa sitwasyon na nag padurog sakin And I don't want to be hurt again, I will never go back to such a situation that I have to beg just to be loved.

The Beast Under The Rain COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon