"Pamangkin ko po yan Sir hindi mo siya puwedeng bastusin At may mga babae kami dun sa loob na puwede mo naman pag pilian," galit na sabi ni Tita Von sa isa niyang costumer.
Galit na tumingin ang lalake kay Tita von habang nag tatago ako sa likod ako ni Tita dahil sa takot ko ng hipuan ako nito.
"Siya ang gusto ko hindi ba yan pwede?" sabi nito habang nakakunot na ang noo.
"Gaya ng sabi ko hindi po pasensya na."
Agad akong Hinila ni Tita Von papasok sa opisina niya at bakas s amukha niya ang iritasyon.
"Ayos ka lang ba Isabela?"
"Ayos lang po ako at sana hindi kana po nakipagtalo sa costumer mo."
"Hello? Isabela naririnig mo ba yang sarili mo? Hinipuan ka nun oh! alam kong medyo nasanay kana dito sa bar pero sana wag kang papayag na gawin sayo yun."
"Tita ginagawa naman nila yun sa iba nating waitress dito hindi ka naman nagalit," sagot ko.
"Iba ka sa kanila dahil anak ang turing ko sayo kaya ayokong binabastos ka at kung buhay lang ang Mommy mo ay siguradong nayari na ako dun"
"Salamat Tita Von," nakangiti kong sabi sa kaniya.
"Ang mabuti pa tumulong ka nalang sa kusina wag kana muna lumabas doon dahil baka mabastos ka na naman."
Tumango ako kay Tita at agad akong lumabas ng opisina niya suot parin ang maikling uniform.
Dalawang linggo na akong nag ta-trabaho sa bar at naging maayos naman. Nag aaral ako sa umaga at sa gabi naman ay dito nako dumidiretso sa bar. Alam kong hindi magandang tignan kung sa ganito ako nag ta-trabaho pero wala naman akong choice at hindi rin naman ako pinapabayaan ni Tita Von.
"Miss?" tanong sakin ng isang costumer na lalake.
Napatitig ako sa napakagwapo niyang mukha at halata din na lasing na lasing na siya.
"Yes po?"
"You are Bella?" sabi niya habang Nakatingin sya sa name plate ko.
"I'm Vince."
Inabot niya ang kamay niya sakin at tinanggap ko naman yun.
"Bakit dito ka nag ta-trabaho? Hindi ka nababagay sa ganito," seryoso niyang sabi habang nakatingin sa baso niya.
"Tita ko po ang may ari nitong bar."
"Puwede kitang kunin sa opisina ko bilang secretary kung gusto mo," nakangiti niyang alok sakin.
"Salamat nalang po nag aaral pa kasi ako e part time ko lang ang pag w-waitress," sagot ko naman sa kaniya.
Tumango lang siya sakin Habang umiinom ng cocktail.
"Pero kapag need mo ng work pwede mo akong lapitan huwag kang mahihiya."
Inabot niya sakin ang calling card niya tinanggap ko yun at agad na tumalikod para umalis pero hinawakan niya ang kamay ko para pigilan ako.
"S-Sir." nauutal kong sabi at medyo kinabahan na din ako. Pero Para siyang napaso at bigla niyang binawi ang kamay niya.
"Fuck! Sorry, nabigla lang ako."
"O..Ok lang po."
Inubos niya yung cocktail niya at saka bumaling sakin.
"You look like my wife," bulong ng namamaos niyang boses. Habang Maamo ang mga tingin niya sakin at namumula ang mga mata niya na parang malapit ng lumuha.
"Talaga?"
"Yeah...she died just a few months ago."
B
akas sa mukha niya ang lungkot at kaya siguro siya nandito para libangin ang sarili niya.
"S-Sorry," sabi ko dahil sa awa na naramdaman ko sa kaniya.
"Bakit ka nag s-sorry?" tanong niya at Kumunot ang noo niya sa akin.
"Dahil naaalala mo siya ngayon."
"No. Yun nga ang gusto ko actually kanina pa kita tinitignan marami kayong pagkakaparehong dalawa," sabi niya at pilit na ngumiti.
Umiwas ako ng tingin sa kaniya dahil masyadong malalim na ang mga titig niya sakin.
"But she is not you. You are very kind and sweet and she is a strong and rebellious girl," sabi niya at Matamis siyang ngumiti sa akin.
"Sorry kung na istorbo kita and thanks for listening to my drama."
"Ayos lang yun. Pwede mo akong kausapin anytime you want."
"Really?" tanong niya ulit at Tumango ako sa kaniya habang bakas na sa mukha niya ang saya pero saglit lang ito at bumalik na naman siya sa pagiging seryoso.
"May gagawin na ko excuse me," sabi ko.
Umalis ako sa harap niya at nag punta sa locker ko para mag palit ng damit. Gabi na ng makauwi ako sa bahay na inuupahan ko. Paulit ulit akong inaalok ni Tita Von na tumira na kasama siya pero tumanggi naman ako. Nahihiya na din kasi ako dahil marami siyang tinutulong sakin. Tsaka pinapasahod naman niya ako at sakto na yun sa pangangailangan ko.
Maaga akong nagising para mag luto ng almusal ko at ng matapos ako kumain ay nag ayos na ako para pumasok sa school.
"Mukhang busy ka sa trabaho nitong mga nakaraang araw ah gusto sana kita imbitahin sa bahay kaso baka ma istorbo pa kita," malungkot na sabi ni Aron habang naglalakad kami.
"Medyo busy ako Aron pero may next time pa naman e."
"Ahh Yeah, by the way san ka pala nag t- trabaho? Hindi mo parin sinasabi sakin kahit yung inuupahan mo."
"Sa susunod Aron isasama kita doon," sabi ko at agad Kumunot ang noo niya at humarap sakin.
"Bakit hindi pa ngayon? Gusto ko masigurado na safe ka doon."
"Safe ako Aron Dont worry!"
Bumuntong hininga nalang siya at nagmadali na akong pumasok sa room.
Ang totoo niyan iniiwasan ko din si Aron ayokong mag aksaya pa siya ng oras sa panliligaw sakin dahil hindi din naman ako sigurado kung sasagutin ko siya. Hindi pa ako interesado Sangayon na makipag relasyon at mag paligaw at bukod dun buong buo din sa loob ko na kaibigan ko lang siya, hanggang dun lang yun.
BINABASA MO ANG
The Beast Under The Rain COMPLETED
Romans"Because of love we learn to do things we can't do." Dinanas ni Isabela Cassandra Mortel ang lahat ng hirap sa buhay mula ng mamatay ang kaniyang magulang. Dahil Ipinagdamot sa kaniya ng kanyang Auntie ang mga karapatan niya ngunit sa pagtatagpo nil...