Chapter 38

35 1 0
                                    

Nagmamadaling makarating sa destinasyon ng aksidente sila Amy. Halo-halong emosyon ang kanyang nararamdaman sa ngayon, takot at kaba na baka hindi na niya masisilayan pang muli ang pamilyang nagpalaki sa kaniya na may puno ng pagmamahal. Hindi niya kakayanin kung iiwan siya ng mga ito.

At ng makarating na sila ay maraming taong nakikiusyoso sa nangyari. Mas lumala ang kabang nararamdaman niya ng marinig ang tunog ng sasakyang ambulansya na paparating. Napahawak siya sa braso ng Mommy niya ng mga sandaling ito kumukuha sya ng lakas, ng nasilayan niya ang dalwang taong nakahiga sa kalsada na mayroong taklob na puting kumot na nagrerepresentang wala ng buhay ang nandoon.

Nilapitan ng Daddy niya ang mga pulis na nandoon.

"Excuse me,can you tell us what exactly happened?"- narinig niyang tanong ng daddy niya.

Hindi na niya pinalagpas pa ang oras at lakas loob niyang nilapitan ang bangkay na naroroon. Napalingon naman ang mommy niya sakaniya na may pag aalinlangan, katabi nito ang kapatid niya. Nginitian nalang niya sila at binalik ulit ang atensyon nito sa dalawang bangkay.

"Pwede ko po bang makita?"- tanong niya sa taong nagbabantay doon.

"Kaano-ano niyo po ba ma'am?"

"Parents ko po."- malungkot na saad ni Amy. Tumango sa kaniya ang nagbabantay at pinayagan na tingnan ang bangkay.

Huminga siya ng malalim, at dahan-dahang inangat ang puting tela. Hindi paman nito lubusang naangat ang tela ay napahagulgol ito sa pag-iyak. Alam na niya kaagad na hindi ito ang mama at papa niya. Sa buhok ng mga ito at sa taenga ng babeing walang hikaw na suot. Sa kagustuhang kompermahin pa lalo ni Amy ay tuluyan niyang inalis ang puting tela hanggang bewang ng bangkay. 

Napabitiw siya sa tela at tinakpan ang mukha dahil napahagulgol na ito sa pag-iyak. Napansin ito ng Daddy niya at Mommy niya kaya agad-agad ang mga ito na lumapit. At ang makita ang dahilan ng pag-iyak ni Amy ay nagulat din ang mga ito.

"Its not them!"-Naibulalas ng kaniyang Daddy. 

Napayakap naman ang mommy niya sa kaniya, ang kapatid naman nito ay umiiyak narin na niyayakap siya kahit wala itong kaalam-alam sa nangyayari.

Sa ilang minutong pag-iyak ni amy ay naramdaman niyang nagvibrate ang cellphone neto sa bulsa ng kaniyang pants. Pinahid niya ang mga luha sa mukha at kinuha ang cellphone nito. Chineck niya ito at merong nagtext sa kaniya na tanging numero lamang ang nandoon na siyang ikinaluha niya ulit.

"Your parents are safe with us. Its me Stalein"

Agad naman siyang napatayo at tinignan ang Daddy niya at Mommy.

"Ligtas po sila." sabi niya.

"Oh my God! So where are they?" tanong ng Mommy neto.

Napatingin siya ulit sa cellphone neto ng muling magvibrate, nagtext ulit si Stalein at nakalagay doon ang address kung saan sina Mr. and Mrs. Davis. Pinakita niya eto sa mga magulang at agad itong nagmadaling sumakay sa sasakyan.

"Come on, Let's hurry!"- sabi ng Daddy niya na ikinatango naman niya.

Inalalayan naman siya ng Mommy niya, yung kapatid niya ay hinawakan siya sa kamay kya nginitian niya ito at hinalikan sa pisngi.

"Don't cry, ate. I don't like you being sad na." sabi ng kapatid nito.

"I won't, baby."

Pagkasakay nila sa kotse ay agad na nilang pinuntahan ang address na binigay ni Stalein. Ang tanging nararamdamn ni Amy ay ang pagkasabik na makita ang kanyang pangalawang magulang na siyang nagpalaki at kumupkop sa kanya.

"Dad, malapit na ba tayo?"- tila hindi mapakaling tanong nito sa kanyang Daddy na nagmamaneho.

"Darling, pang pitong tanong mo na iyan sa Daddy mo."-sabi ng Mommy niya na naka-upo sa passenger seat.

"Ehh, kasi naman po isang oras na po tayong bumabyahe, hindi na ako mapakali."-sagot naman nito habang sinusuklay gamit ng kamay niya ang buhok ng kapatid na siyang nakahiga sa kanyang binti.

"Just relax anak, we're almost there."-tumango naman si Amy sa sinabi ng kanyang Daddy.

Laking tanong sa kaniyang isipan kung ano talagang nangyari at bakit nalamang naroon ang kanyang mama at papa kila Stalein. Nakapagtataka na lamang, pero malaki rin ang pasasalamat niya kasi ligtas ang mga ito.

Pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating narin sila sa kanilang paroroonan. Isa itong bahay na may dalawang andana, maganda ang disenyo nito at halatang mayayaman ang nakatira.

Automatic na bumukas ang gate para makapasok sila, sa labas ay ang naghihintay na si Stalein na nakasuot pa ng laboratory gown. Pagkababa nila ay nilapitan sila nito at kinamusta ang kanilang byahe.

"Ayos lang naman Stalein."- sabi ni Amy dito.

Napabaling naman si Stalein sa Mommy and Daddy ni Amy at saka binati.

"Hello po, Mr. and Mrs. Baustista. Ako po si Stalein, kaibigan nila Amy at Dash."- nilahad nito ang kaniyang kamay para makipagkamay sa mag asawa na agad namang tinanggap ng mga ito.

"Just call us Tita and Tito nalang, ija." saad ng Mommy ni Amy. Ngumiti naman ang mag asawa sa kaniya at napansin naman niya ang batang hawak-hawak ni Amy.

Umupo siya para lumevel sa taas ng bata.

"You must be Amy's brother. Are you scared earlier? Wan't to have some hot choco?"-Tanong ni Stalein sa bata.

"Yes po, ate pretty."- sagot naman ng bata sa kaniya na ikinangiti niya at dahilan panggigilan nito ang bata bago ito tumayo.

"Tara na po sa loob, sigurado akong sabik na kayong makita sila."- pag-anyaya ni Stalein sa pamilyang Bautista.

Tumango naman ang mga ito at pumasok sa loob ng bahay. Pigil hiningang pumasok si Amy sa bahay ng mga sandaling iyon. Ang lakas ng kabog ng kanyang dibib dahil sa pinaghalong nararamdaman.

Pagkapasok nila ay dumiretso sila sa sala kung saan naroon ang dalawang naghihintay sa kanila. Pagkakita ni Amy sa mga ito ay agad siyang lumapit at niyakap ang mga ito habang hindi na mapigilang mapa-iyak.

"Tahan na anak, ayos lang kami ng papa mo."- sabi ng mama ni Amy habang hinahagod nito ang likod ng dalaga. Ang papa naman nito ay hinalikan ang kaniyang noo at niyakap siya ng mahigpit. Iginaya ni Stalein ang mga ito na maupo sa sofa.

"A-akala ko...akala ko hindi ko na talaga kayo makikita pa. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala kayong dalawa sa buhay ko."- sabi ni Amy na hindi magkamayaw sa pag-iyak.

May tinawag naman na maid si Stalein para magdala ng tubig sa kanila pati na rin ang hot choco at cookies ng kapatid ni Amy. Ang Mommy at Daddy naman ni Amy ay puno ng galak ang nararamdaman habang nakatingin sa tatlong nag-uusap.

"Sila Dash at ang mga kaibigan nito ang dahilan kung balik buhay pa kami ngayon, anak. Iya ang nagplano ng lahat para hindi magtagumpay ang plano ng ama nito."- napatigil si Amy ng marinig ang pangalan ni Dash.

"Kung ganoon, asan po siya ngayon? gusto ko po siyang maka-usap."

Hindi mapigilang hanapin ang binata, nag-aalala siya rito. Dahil ama nito ang dahilan ng insidente. Sasagot na sana ang papa ni Amy ng nabigla sila sa bagong kakarating lang sa sala. Sila KC at Rena na halatang nagmamadali. Napatayo naman kaagad si Stalein ng makita ang dalawa.

"Bakit kayo lang dalawa? Asan sila Dash at Nate?"- tanong ni Stalein.

Hindi na sumagot ang dalawa dahil lahat ng tao sa loob ng bahay ay nagimbal sa sitwasyon ng bagong dating na sila Dash at Nate. Napasinghap ang lahat ng makitang walang malay si Dash na siyang akay-akay ni Nate. Parehas silang may bahid ng dugo ang mga damit at katawan. Natumba ang dalawa kaya ang lahat ay hindi magkamayaw sa paglapit sa kanila.


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hi guys!

Here's my new update. Hope you like it all. <3

Free to follow me on these accounts.❤️
FB Page: PiggyBank19 Stories
Dreame account: @PiggyBank19
GoodNovel: @PiggyBank19
Twitter: @19Nhicay
IG: @nhicanics19


The Ex-Convict's Love (Dash Ravein Flauter) [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon