Chapter 32

66 5 0
                                    

I've been ignoring his calls all night. I didn't even tried to read his messages. Ayoko ko muna sa ngayon, kailangan ko pa nang advices ni bebs Nali. Tumigil lang ang tawag noong in-off ko ito at saka ichinarge.

Tumagilid ako sa pagkakahiga kaya katapat ko na si Steven na tumabi sa akin sa pagtulog. Niyakap ko si Steven at hinalikan ito sa noo bago dahan-dahang bumangon.

Pumasok ako sa banyo para maligo at magsipilyo. Alas sais na nang umaga at unti-unti nang sumisikat ang araw sa may balcony. Kaya pagkatapos kong maligo at magbihis ay pumunta ako doon para magpa-init. I enjoyed the fresh air na nalalanghap ko.

Naputol ang pagmumuni-muni ko ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

"Ate Amy? Gumising na po kayo. Nakahanda na po ang breakfast niyo."
Si Rena lang pala, kaya lumapit ako sa may pintuan para pagbuksan siya.

"Ikaw pala, Rena. Good morning."
Pagkabukas ko ng pintuan ay ang nakangiting Rena ang aking nakita.

"Magandang umaga rin po, Ate. Ready na po ang breakfast niyo po sa baba. Ako na lang po ang bahala kay Steven."
Tumango ako at ngumiti sa kaniya. Pinapasok ko siya sa kwarto at ginising niya si Steven.

"Sige, Rena. Mauuna na ako sa inyo."
Pagpapaalam ko. Tumango naman siya sa akin kaya tumalikod na ako at bumaba.

Nakarating ako sa kusina ay nandoon na rin sila Mommy at Daddy. Si Mommy ay kau-upo lang at si Daddy naman ay nagkakape habang nagbabasa nang dyaryo.

"Good morning po, Mommy and Daddy."
Binati ko sila at hinalikan sa mga pisngi.

"Good morning din, anak/iha."
Bati rin ni lang dalawa pabalik. Sumunod ay umupo na rin ako sa katapat na upuan ni Mommy.

"Hows your sleep, iha?"
Tanong ni Daddy.

"Ayos lang naman po. Tumabi kasi sa akin si Steven."
Nakangiti kong sagot habang nagsasandok ng fried rice. Kumuha na rin ako ng isang sunnyside up egg at isang jumbo hotdog.

Tumango sa alin si Daddy at nagpatuloy sa pagbabasa ng dyaryo.

"Meron kaming business trip in Singapore, iha. One week kami doon ni Daddy mo. So, maiiwan ka dito with guards and maids. Is it okay with you?"
Tumango ako at ngumiti kay Mommy. Inabot ko ang baso na may tubig at saka uminom.

"Ayos lang po. Saktong sakto po at one week din po dito matutulog si bebs Nali." Sabi ko sabay subo nang  isang kutsarang kanin.

"Oh, that's great! Buti naman pala kung ganoon."
Sabi bi mommy. Patuloy lang kaming kumain at dumating na rin si Steven.

Habang kumakain ay bigla kong naalala sila Mama at Papa. Kamusta na kaya sila? Ilang araw din akong hindi nakatawag sa kanila para mangamusta. Tatawag na lang ako sa kanila mamaya. Nami-miss ko na rin sila.

Kasalukuyang nasa garden kami ngayon ni Steven at naisipan naming magtanim ng mga halaman. At dahil sa paborito ko ang puting rosas ay ito ngayon ang itinatanim ko. Si Steven naman ay tinutulungan siya ni Rena.

Habang nagbubungkal ako sa lupa gamit ang shovel ay may gumulat sa akin kaya napatianod ako ay saka nabitawan ang shovel. Nahulog ito sa paa ko kaya napangiwi ako sa sakit. Nilingon ko nang masama ang nanggulat.

"Ops! Sorry bebs, hihi."
Nalingonan kong si bebs Nali pala ang nanggulat. Nagkunyari pa itong nagulat at nakalagay ang kanang kamay sa bibig. Habang naka-peace sign naman ang kaliwang kamay nito.

"Ewan ko sayo."
Pabiro ko siyang inirapan pero naging dahilan lang iyon ng kurutin niya ang tiyan ko. Like the times na ginagawa niya sa akin noong highschool pa kami.

The Ex-Convict's Love (Dash Ravein Flauter) [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon