Chapter 28

76 6 0
                                    

Nagising ako dahil sa may gumigising sa akin. Napa-upo at at nag-unat ng mga braso.

"Goodmorning bebs."
Bati ko kay bebs Nali na nakabihis na at may towel sa ulo.

"Goodmorning. Maligo ka na doon."
Napahikab ako at saka tumango.

Napagod kasi ako kagabi. Naghanda kami ni bebs Nali ng kakailangin sa pag-camping at pag-hike. Like foods, eating utensils, tents, personal hygiene, etc. Ang dami nga naming dadalhin at buti na lang nga ay may sasakyan kami.

Napatingin ako sa wall clock and its already four in the morning. Tumayo na ako para kunin ang towel ko at pumasok na sa banyo para maligo. Ni-lock ko ang pinto at sinampay ang towel ko sa may sampayan at saka naghubad na.

Trenta minuto ang nakalipas at natapos na rin ako. Nabibilisan ba kayo sa akin maligo? Mabilis talaga ako maligo pero nililinisan ko naman ng mabuti ang katawan ko no! Sadyang nasanay lang ako dahil noong bata pa ako sumasali na ako sa scouting. Naranasan niyo rin ba iyon? Yung feeling na isang balde lang ng tubig ang ipanliligo mo dahil bawal kayo ma-late sa mga activities, nakaka-miss lang.

Lumabas na ako sa banyo nang nakatapis lang para kumuha nang pamalit na damit. Naabutan ko si bebs Nali na umiinom ng chuckie niya. Pagkakuha ko nang damit ko ay pumasok ulit ako sa banyo para makapagbihis.

An hour later and we're ready to go. Dalawang car yung gamit namin, siyempre alangan naman na iwan namin yung sasakyan ni Nate diba?

Two hours later. Nakarating na rin kami sa destination namin. Kinalas na namin yung seatbelts at lumabas na, excited na ako. Pagkababa ko ay napanganga ako sa ganda ng tanawin at may preskong hangin.

"Bebs!"
Napalingon ako kay bebs Nali ng tinawag ako nito. Pagkalingon ko ay siyang pag-click ng hawak nitong camera.

"Waah! Stolen! Ang pangit ko siguro diyan bebs, patingin nga ako."
Lumapit ako sa kanya para tingnan ang kuha nito. Sa kasamaang palad naman ay ang ganda ng nakuha nito.

"Ang galing ko talaga mag-picture. Hihi."
Napatango naman ako sa kanya bilang sang-ayon.

Sinuyod ng mga mata ko ang buong tanawin at napansin kong madami rin ang mga namamasiyal dito. Well, sino ba naman ang hindi pupunta dito gayong napakaganda ng tanawin at merong preskong hangin.

Merong dumaan na isang babae at tinawag ito ni bebs Nali para kuhanan kami ng group photo. Pumayag naman ito kaya tinawag na namin yung dalawa na busy sa pag-aayos ng tent.

"Dash/Nate! Picture tayo dali!"
Sabay na sabi namin ni bebs Nali kaya nagkatinginan kami tapos ay tumawa.

"Bilisan niyo nakakahiya kay ate."
Dagdag ko pa. Umiling naman sa akin yung babae at sinabing ayos lang daw.

Katabi ko sa kanan si bebs Nali sa kaliwa naman ay si Dash tapos sa kanan ni bebs Nali si Nate.

"Okay...1,2,3-smile!"
Pagkasabi noon ng babae ay sabay kaming ngumiti sinundan ng flash ng camera.

Ilang shot pa bago kami natapos. Nagpasalamat kami kay ate bago ito umalis.

"Waah! Ang ganda natin dito bebs."
Tiningnan ko rin yung kuha kaya napangiti at tumango ako bilang sang-ayon. Sa last picture na nakuha ay nagkatinginan kami ni bebs Nali.

"I-is he really staring at me?"
Tiningnan ko ulit ang litrato at baka namamalikmata lamang ako sa nakita pero nakatingin talaga siya akin.

"Oo bebs! Ba't kinikilig ako sa inyo?"
Niyugyog pa ako nito.

Ramdam ko ang pag-iinit at pamumula ng mukha ko na mas lalo pang ikinangisi ni bebs Nali.

"Hoy bruha! 'wag mo nang itago 'yang ngiti mo, alam kong kinikilig ka eh!"
Pang aasar sa akin ni bebs Nali. Napa-iling na lamang ako.

Sino ba naman ang hindi kikiligin sa ginawa ni Dash. He's smiling while looking at me in the picture. Sinapo ko ang noo ko at napapikit. Grabe na talaga ang tama ko!

Bwiset ka talaga Dash! You really know how to make my heart flutter.

"Hoy! Tama na yan. Magluluto pa tayo HAHAHA."
Sinamaan ko nang tingin si bebs Nali. Dinadama ko pa yung kilig eh.

"Ikaw talaga bebs, babawi talaga ako sayo. Kapag ikaw pinakilig ni Nate sisirain ko rin moment mo."
Ani ko sa kanya na ikinailing naman nito.

"As if naman na kikiligin ako sa unggoy na iyon! Hmp."
Kinuha nito ang mga lulutuin namin at inirapan muna ako bago lumabas sa tent namin dalawa.

Mahina akong natawa. Sige lang, kakainin mo rin yung mga pinagsasabi mo.

Nagsuklay ako ng buhok at pinusod ito bago lumabas ng tent. Dalawa yung dala naming tent. Isa sa boys at amin ni bebs Nali. Siyempre alam namin yung mga limitations namin.

"Hey babe."
Nagulat ako ng biglang sumulpot sa gilid ko si Dash kaya nahampas ko tuloy siya sa kanyang matigas na braso.

"Ano ba! Nakakagulat ka naman."
Ngumiti lamang ito sa akin.

"Sorry na po."
He snaked his left arm around my small waist. Napatingala ako sa kaniya then our eyes locked. I felt butterflies in my stomach.

Para akong matutunaw sa paraan nitong tumitig sa akin with his dark pitch-black eyes.

All I can say is I have been bewitched.

"Hoy! Tama na 'yang titigan niyong dalawa at ako'y naalibadbaran sa inyo."
Napaiwas ako bigla ng tingin at napalayo kay Dash ng marinig naming nagsalita si bebs Nali.

Napakamot na lang ako sa ulo at nahihiyang tiningnan si Dash. Bumaling din ako kay bebs Nali at nakitang nakataas ang kilay nito sa akin pagkatapos ay lumapit.

"At ikaw naman! Kanina pa kita hinihintay kasi magluluto pa tayo. Tapos makikita ko na lang kayong dalawa na kung magtitigan ay parang wala nang bukas. Hmp!"
Napatawa na lang ako sa kanya at napailing.

"Why don't you ask Nate for help?"
Sagot naman ni Dash ng nakangisi.

"Ayoko nga! Ayokong makaistorbo sa getting to know each other nila ng haliparot niyang kausap."
Pagsabi niya non ay bigla na lang kaming tinalukuran papaalis.

Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Dash at sabay na natawa. Now I know kung bakit ganoon na lamang kung umakto 'yong bebs ko.

"So, what can I help?"
Tanong ni Dash kaya naisip kong magluluto kami ni bebs at magbo-bonfire mamaya ay ipapakuha ko na lang siya ng mga kahoy.

"Hanap kayo ni Nate ng kahoy para panluto at sa bonfire mamaya."
Tumango naman ito sa sinabi ko.

"Alis na ako ah, tutulungan ko pa si bebs."
Dagdag ko pa.

"Ok sige. Tatawagin ko lang si Nate."
Tumango ako at tatalikod na sana para handang umalis ng hinila nito ang braso ko at pinaharap sa kaniya.

I'm so shocked when he kissed my forehead.

"You're always pretty."
Sabi nito at tinalikuran kaagad ako.

Nag-init naman ang dalawa kong pisngi sa sinabi nito. Palagi na lang niya akong ginugulat sa mga pinanggawa at sinasabi nito.

Tiningnan ko ang wrist-watched ko at alas kwatro y media na pala ng hapon. Pinuntahan ko si bebs Nali para makatulong at makapagluto na nang dinner namin.

-----------------------

@PiggyBank19

Free to follow me on these accounts.❤️
Dreame account: PiggyBank19
Twitter: 19Nhicay
IG: @nhicanics19

The Ex-Convict's Love (Dash Ravein Flauter) [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon