Amy's POV
"Hello Ma? Nandito na po ako sa airport maghihintay pa po ako ng taxi. Hintayin mo na lang ako dyan Ma, 'wag kana umiyak, papunta na ako."
Sabay pinutol ko ang tawag at nilagay ang aking selpon sa bag habang lakad-takbo ang aking ginagawa dahil sa pagmamadali. At dahil sa pagmamadali ay may hindi sinasadyang nabunggo akong tao , pero hindi ko na inabala pang lumingon at dire-diretsong lumakad na lamang.
Nakahanap na ako nang taxi para sakyan papuntang hospital at hindi na inalintana ang pagod dahil sa byahe at mga nagbibigatang bagahe. Hindi naman tumagal ay nakarating na rin ako sa hospital at tinulungan ako ng taxi driver sa mga bagahe ko para ibaba kaya binayaran ko na ito bago umalis.
Napatingala ako sa taas ng building nitong hospital, dinukot ko sa aking bag ang baby wipes ko ay pinunasan ang aking namumuong pawis dahil sa sobrang init. Pagkatapos kong magpunas ay pumasok na ako nang building ng hospital binigyan pa ako nang tingin ni kuyang guard dahil sa aking mga bagahe, tapos dumako na ako sa nurse station para magtanong.
"Good morning ma'am, what can I help you?" Tanong ng isang nurse sa akin.
"I would like to ask if where is the room of Rodolfo Davis?"
Pagkatapos kong sabihin iyon ay iniscan ng nurse ang patient records nila at hinanap kung anong room si Papa."Room 302, Third Floor po ma'am."
Pagkasabi niya noon ay nginitian ko ito at tinungo na ang nasabing kwarto.Sumakay ako sa elevator at pinindot ang third floor. Kumuha ulit ako nang baby wipes at pinunasan ang aking pawis. Noong huminto na ang elevator ay lumabas na ako, hindi naman mahirap hanapin ang kwarto ni Papa.
Nasa tapat na ako nang pintuan at kinatok ko na ito, pinagbuksan na ako ni Mama."A-anak. Namiss kita."
Sabay yakap sa akin ni mama na may namumugtong mga mata.
Nasaktan ako bilang anak na makitang nagkakaganito ang aking Ina."Namiss rin po kita ma, huwag ka na pong umiyak. Kamusta na po si Papa?"
Niyakap ko rin ito at humiwalay na para ipasok ang mga bagahe ko."Hay naku, iyang papa mo hindi kasi nakinig sa akin. Sinabi kong wag masyadong kumain ng mamantika ayan tuloy inatake na naman sa puso niya."
Sermon ni Mama habang pumapasok kami sa kwarto ni Papa, tulog kasi ito kaya todo sumbong sa akin si Mama."Si Papa talaga matigas pa rin ang ulo."
Pailing-iling na sabi ko. Umupo ako sa sofa dito sa kwarto at hinilot ang sintido ay braso ko dahil nakaramdam na ako ng pagod."Pasensya ka na anak at napa-uwi ka pa tuloy."
Sabi ni Mama nang makita nito ang sobrang pagkapagod ko.Bago kasi ako nakauwi ay nagtrabaho muna ako para sa extra pay ng amo ko."Ano ka ba Ma, okay lang yun mas mahala sa akin ang kalusugan ni Papa at mababait naman ang mga amo ko na sina Mr. and Mrs. Rio."
Pagpapaliwanag ko kay mama para mawala ang panghihinayang nito. Napa tingin ako sa relo ko at nakitang 11:45pm na at kailangan na naming maglunch."Ma lalabas lang po muna ako bibili lang po nang pagkain."
Sabay tayo ko at kinuha ang sling bag."Osige anak, mag-iingat ka."
Tumango ako bilang tugon at lumabas na nang kwarto.Naisipan kong wag nang bumili sa canteen nitong hospital kaya lumabas ako nang building at sumakay ng taxi patungong Mang Inasal. Gusto ko kasi yung manok nila dito siguradong mabubusog ka talaga.
"Andito na po tayo ma'am."
Sabi nang driver at tiningnan ko kung ilan ang babayaran bago bumayad.Noong nakalabas na ako sa taxi ay pumasok na ako sa Mang Inasal at umorder ng kakainin namin ni Mama. Sinabi kong take out kaya nag-antay muna ako nang ilang minuto at bago ko ito nakuha. Pagtanggap ko nito ay bumayad na kaagad ako at pumihit patalikod ngunit meron akong hindi sinasadyang nabangga.
"I'm sorry."
Humingi ako nang paumanhin sa kanya ngunit hindi ko na inabala pang tingnan kung sino ang nabangga ko.Nagmadali na akong umalis at lumabas ng Mang Inasal at sumakay ulit nang taxi pabalik sa hospital. Ano ba naman yan, dalawang tao na yung nabangga ko ngayong araw dahil sa jetlag at pagod galing pa kasi akong Singapore.
Nang makabalik na ako sa hospital ay pumunta na ako sa kwarto ni Papa sa third floor. Nang makarating na ako sa tapat ng kwarto at pumasok na ako. Nakita kong gising na si papa at dinalhan ito ng isang nurse lugaw at prutas si papa.
Nang maka-alis na ang nurse ay nilapag ko na ang binili kong pagkain sa lamesa at inasikaso naman ito ni mama. Ako naman ay nginitian si papa at lumapit dito.
"Kamusta na po pakiramdam niyo pa?"
Tanong ko dito pagkatapos kong yakapin at halikan sa pisngi si papa na nakagawian ko nang gawin noong bata pa ako."Heto guminhawa na rin ang pakiramdam ko, masyado kasing masarap magluto ang mama mo at naparami ang kain ko."
Sabi ni papa at tinutukso si mama. Napangiti na lamang ako."Huwag ako Rodolfo at baka atakihin ka na naman dyan."
Sabi ni mama habang namumula ang pisngi, napailing na lamang ako at ngumisi."Paano ba yan pa? Paborito mo pa naman yung pagkain namin ngayon ni mama."
Oo, paborito ni papa ang Mang Inasal at ng marinig nito ang sinabi ko ay napakamot na lamang ito sa ulo."Aba anak magaling na ako."
Napatawa na lamang kami ni mama dahil sa sinabi nito."Hindi po pwede pa, papagalitan kayo niyan ng doctor."
Napakamot ulit ito sa ulo at mahahalata talagang gusto nitong kumain ng Mang Inasal ngunit bawal.Lumapit ako sa lamesa at kumuha ng pagkain ko dahil gutom na rin ako. Napatingin ako kay papa at nagpapaawa itong bigyan namin ni mama. Kung matigas ang ulo nito(sa ibabaw ha! wag masyadong green minded) , mas matigas ulo namin ni mama. Nagpatuloy lang kami ni mama sa pagkain habang si papa naman ay naubos na nito ang kanyang lugaw.
Pagkatapos naming kumain ni mama ay nagpaalam muna akong uuwi sa bahay para iuwi itong mga bagahe ko at makapagpahinga na rin. May pagkain akong iniwan kay mama para sa dinner niya at bukas na rin ako babalik sa hospital kailangan ko munang magpahinga.
Pagkalabas ko nang building ay sumakay na ako nang taxi pauwi sa amin at ng makarating ay binayaran ko na yung taxi at kinuha ang duplicate na susi namin sa gate at bahay. Pumasok na ako sa loob at nilock ang gate. Pumasok ako sa bahay at dumiretso na kaagad sa kwarto ko at pabagsak na humiga sa kama. Hindi ko na namalayan pa ay dinalaw na ako nang antok.
Such a tiring day.
@PiggyBank19
BINABASA MO ANG
The Ex-Convict's Love (Dash Ravein Flauter) [On-Hold]
Storie d'amoreLove Series #1 This story is all about how an ex-convict guy accidentally fell in love with an unexpected heiress, not knowing that she's the daughter of his dad's business rival. He swear to take all the risks just to protect her. Would they live...