Chapter 26

94 7 0
                                    

Kasama ko na ngayon si Dash sa sasakyan at ready na kaming bumiyahe. Hindi niya nga sinabi sa akin kung saan kami pupunta kaya wala akong kaalam-alam. Pinaalalahanan ko rin siya na ayaw ko sa lugar na merong dagat dahil baka atakihin ako ng phobia ko.

Napatingin ako sa side mirror ng sasakyan niya at nakita kong naka-sunod ang mga tauhan ni Daddy para magbantay sa amin. Dalawang black SUV at limang mga naka-motor.

Isang oras na kaming nagbabyahe pero hindi ko pa rin alam kung saan kami pupunta. Sumasakit na nga ang puwet ko dahil sa matagal na pagkaka-upo.

"Aren't you tired? Umidlip ka muna."
Napansin siguro ni Dash na kanina pa ako gising at hindi mapakali.

"Ayoko. Saan ba kasi tayo pupunta?"
Tanong ko sa kanyan at umayos ng upo.

"Seriously? That's the reason kung bakit kanina ka pa hindi mapakali?"
Sabi niya at mahinang tumawa kaya napasimangot na lang ako.

Binaling ko sa labas ng bintana ang paningin ko nang mapadaan kami sa isang park. Maraming tao doon at mga stall ng street foods bigla naman akong nag-crave sa fishball.

"Stop the car."
Sabi ko kay Dash. Kinuha ko ang wallet ko sa sling bag.

"What?"
Takang tanong ni Dash ngunit hininto rin nito ang sasakyan.

"Wait here, may bibilhin lang ako."
Sabi ko sabay bukas ng pintuan ng sasakyan para tuluyan ng makalabas.

"Ano? Sasama ako."
Pahabol na sabi ni Dash at dali-daling lumabas ng sasakyan. Napatingin naman ako sa mga naka-sunod sa amin at nakahinto rin ito hindi kalayuan sa amin.

Nilingon ko si Dash bago nagsalita.
"Huwag ka nang sumama. Bibili lang naman ako ng fishball at saka palamig."
Umiling ito sa akin at saka nag-cross arms.

"Ayoko. Sasama ako."
Parang batang sabi nito. Napailing na lang ako at tumango tapos naunang maglakad sa kanya. Sumunod naman ito sa akin patungo sa isang stall.

Pagkalapit namin sa stall ay napatingin sa amin ang tindero at ngumiti kaya ngumiti rin ako pabalik kay manong.

"Ano sa inyo iha at iho?"
Tanong ni manong tindero. Ang ibang bumibili sa kanya ay hindi maalis ang mata sa taong nasa likuran ko, naiilang naman si Dash sa kanila. Lalo na ang mga babaeng may matang mapanuklaw kapag nakakita ng gwapo.

Napairap naman ako at tinuro kay manong ang bibilhin ko.
"Manong 30 pesos po ng fishball tapos palamig na dalawang tig lilimang piso."
Tumango si manong sa akin at agad na binalot ang mga binili ko.

"Babe may nakita akong stall ng siomai. You want?"
Ang kaninang mga matang nakatitig kay Dash ay nabaling sa akin at napalitan ng masasamang tingin. Palihim akong napangisi at nilingon si Dash.

"Sure bilisan mo our kids is waiting."
Ilang segundo bago niya na gets kung bakit ko iyon sinabi kaya mahina itong tumawa nang may pag-uuyam. Nainis naman ako bigla.

"Okay I'll be back in a minute babe."
Umi-iling itong naglakad papunta sa kabilang stall para bumili ng siomai.

Nilingon ko ang mga babae kanina at tinaasan ng kilay. Sumimangot sila at inirapan ako bago tinalikuran. Aba sila pa may ganang irapan ako.

"Asawa mo pala iyong gwapo ineng hehehe."
Nilingon ko si manong tindero nang may pagtataka. Hilaw itong ngumiti sa akin bago ulit nagsalita. "Bagay na bagay kayong dalawa, sigurado akong magaganda't gwapo ang mga anak niyo."

Napayuko ako at napanguso dahil sa kahihiyan na ginawa ko. Bakit kasi iyon pa ang sinabi ko? Ewan ko ba, bigla na lang kasi akong nainis sa mga titig ng babae kanina kay Dash. Nagpakawala ako nang isang buntong hininga.

The Ex-Convict's Love (Dash Ravein Flauter) [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon