Chapter 2

324 17 24
                                    


Nagising ako nang saktong 5:00am kaya bumangon ako at nag-unat muna at saka inayos ang aking higaan. Sumunod ay naligo na ako dahil kagabi ay hindi ako nakapaghalf-bath bago matulog. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako nang white t-shirt na maluwag at black leggings tapos black rubber shoes kasi komportable akong ito ang isuot.

Pagkatapos kong magbihis ay dumako ako sa kusina at tiningnan ang mga drawer kung meron akong mailuluto, and luckily mayroong gulay at mga iba't ibang karne naman doon pati na rin mga prutas. Mamaya na lang ako maggrogrocery buti nalang at malaki-laki ang naipon ko sa pag aabroad. Malaki magpasahod ang amo ko at mababait pa.

Nagluto ako nang sinigang na baboy dahil kami lang din naman ni mama ang kakain, kasi ang pagkain ni papa ay sagot na sa hospital para masigurong hindi nakakasama sakanya ang kakainin nito.

Habang nagluluto ay sumagi sa isipan ko na bisitahin ang nag-iisang bestfriend ko since bata pa ako hanggang ngayon. Napangiti ako nang balak ko itong isurpresa. Natapos na akong magsaing at magluto ay nilagay ko na ito sa mga tupperware at nilagay sa paper bag.

Kumuha ako nang pagkain ko para sa breakfast tsaka nagpatutog ng music. I love LANY band music's ang sarap nitong pakinggang lalo na yung kanta nilang ILYSB.

Nang natapos na akong kumain ay chineck ko kung anong oras na at 6:30am na pala. Nagtoothbrush na ako at nilagay ang mga kakailanganin ko sa mini backpack ko habang ang mga pagkain naman ay nasa paper bag.

Nilock ko ang bahay at pati ang gate pagkatapos ay nag-antay ng taxi. Ilang minuto ang lumipas at may taxi na nang dumating kaya sumakay na ako patungong hospital. Nang makarating ay nagbayad ako kay kuyang driver at pumasok na sa building nginitian pa ako ni kuyang guard.

"Magandang umaga po ma'am."
Sabi ni kuyang guard.

"Magandang umaga rin po sayo kuya."
Bati ko din bago pumasok at dumiretso na sa elevator.

Nang nakarating sa third floor ay dumiretso na ako sa kwarto ni papa at nakita kong gising na silang dalawa ni mama.

"Goodmorning mama at papa."
Sabay mano at halik sa pisngi nila tapos nilapag ko na ang paper bag na may lamang mga pagkain na niluto ko.

"Goodmorning din anak. Nagluto ka pa talaga anak eh uuwi na din tayo mamayang tanghalian."
Sabi ni mama na ikinalingon ko sa kanya at kay papa.

"Nakausap niyo na po ba ang doktor ma?"
Pagtatanong ko sa kanila. Biglang may pumasok na nurse dala ang umagahan ni pap kaya inayos ko yung dala kong pagkain para sa amin ni mama para sabayan si papa.

"Oo anak, kagabi niya sinabi na pwede na raw i discharge ang papa mo."
Napatango naman ako bilang tugon.

"Pupunta ko po mamaya yung doktor para sa bayarin ma at kung anong gamot ang bibilhin kay papa."
Kakaunti lang naman ang kakainin ko dahil nakakain na sasabayan ko nalang sila.

"Anak may ipon naman kami nang mama mo idagdag mo na sa babayaran."
Napailing naman ako sa sinabi ni papa.

"Pa ako na po ang bahala doon, para saan pa at nagtatrabaho ako sa abroad kung hindi ko kayo matutulungan? Itago niyo na lang po iyan."
Ngumiti ako para hindi na sila maka angal pa. Sinuklian din ako nang ngiti ni papa. Ang sarap kaya sa pakiramdam na makabawi ka sa mga magulang mo.

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon patungo sa office nang doktor ni papa, nasa tapat na ako nang pintuan nito kaya kumatok na ako.

"Come in."
Sabi nang doktor kaya pumasok na ako.

"Magandang umaga po Dr. Ray, I'm Amy Davis nais ko pong malaman kung ilan po yung babayaran ko sa pagkaospital ng papa ko na si Rodolfo Davis."
Sabi ko at dinukot ang wallet sa bag.

"Magandang umaga din sayo iha. Overall ten thousand pesos yung expenses dito nang papa mo since kaibigan ko naman ang parents mo babawasan ko na lang nang five thousand para dagdag sa pambiling gamot ng papa mo kasi may kamahalan ito."
Pagpapaliwanag sa akin ni Dr. Ray at nagulat naman ako sa sinabi nito.

"Naku! Maraming salamat po doc."
Pagpapasalamat ko dahil hindi na ganoon ka dami ang babayarin.

"Walang anuman iha. Pumunta ka nalang sa nurse station at doon bumayad, heto nga pala ang listahan ng gamot na kailangang bilhin sa papa mo."
Inabot nito sa akin ang papel at kinuha ko naman ito at nilagay sa wallet ko para isabay ko nang bilhin pag lalabas ako mamaya.

"Thank you so much po doc. lalabas na po ako."
Tumango naman ito habang may binabasang libro kaya tumalikod na ako at tuluyan nang lumabas.

Sumapit ang tanghalian at nakakain na kaming tatlo kaya naghahanda na kami para sa pag-uwi. Si Papa naman ay inaasikaso nang mga nurse at hindi nagtagal ay nakalabas na kami nang hospital at kasalukuyan nang nakasakay sa taxi papauwi.

Ligtas na naka-uwi naman kami kaya ako ay nagpaalam muna kila mama at papa na sosopresahin ko ang kaibigan ko. Pinayagan naman nila ako dahil malaki na daw ako.

Lumabas ako ulit at sumakay ng taxi papunta sa bahay ng long time friend ko. Ilang minuto lang ay huminto na ang taxi at bumaba na ako tsaka ito binayaran. Nasa tapat na ako nang gate nito at pinindot ko ang door bell. May bumukas at iniluwa nito ang kaibigan kong si Nali nang may nanlalaking mga mata dahil sa gulat.

"Amyyy! Oh my ghad!"
Napatakip pa ito sa bibig sa gulat. Natatawa ako nang sinugod ako nito nang yakap.

"Namiss din kita Nali."
Sabi ko habang nakangisi. Humiwalay na ito nang yakap sakin ay pabirong hinampas ako nito sa braso.

"Bwesit ka talaga kahit kailan. Hindi ka man lang nagsabi na bibisita ka."
Nakanguso nitong sabi na ikinangiti ko, namiss ko talaga itong bruha na to.

"Actually kahapon pa ako nandito at kahapon lang din ako naka-uwi galing Singapore, sadyang inasikaso ko na lang muna si Papa dahil inatake sa puso."
Sabi ko habang siya naman ay patango-tango.

"Kamusta na si Tito? Hindi man lang ako nakabisita."
Malungkot na saad nito.

"Huwag ka nang mag alala okay na naman si papa kaya nga lang bawas muna sa mamantikang pagkain."
Pagkukwento ko habang papasok kami sa bahay niya.

"Eh ikaw? Kamusta ka naman sa trabaho mo?"
Tanong ulit nito sakin. Binuksan niya ang pintuan ng bahay niya at pumasok na kami sabay pina-upo ako sa sofa.

"Okay lang naman, mga mababait ang amo ko at umalis na ako doon para dito na lang maghanap ulit nang trabaho."

Kwento lang ako nang kwento habang siya naman ay walang sawang kakatanong. Masyadong napahaba ang pagkwekwentuhan namin at inabot ako nang ala sais ng gabi. Bukas na lang ako maggrogrocery at gusto nitong sumama sakin kaya pumayag naman ako.

Nakauwi ako nang bahay mga 7:30pm, pasok ko ay nanood ng tv sila mama at papa kaya dumiretso na ako sa kwarto para ilagay ang mini backpack ko bago bumaba para kumain.

"Anak, kumain ka na diyan tapos na kami nang papa mo akala kasi namin baka kumain na kayo sa labas."
Sabi ni mama at tumango naman ako bago tinungo ang kusina.

Pagkatapos kong kumain ay pumasok na ako sa kwarto at naghubad para maghalf bath kasi ang lagkit na nang pakiramdam ko. Pagkatapos ko maghalf bath ay nagbihis na ako at saka humiga para makatulog na.






@PiggyBank19

The Ex-Convict's Love (Dash Ravein Flauter) [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon